My Demon [Ch. 03]
Pagbalik ko sa room, tinaasan ako ng isang kilay ni Ma'am. "Bakit ang tagal mo?" May authority sa boses nya.
Sasabihin ko ba na dahil sa demonyo kaya ako natagalan?
Hindi ako nakasagot. Nakatayo lang ako sa unahan at nararamdaman kong pinanonood ako ng mga classmates ko. Okay lang yan. Close ko naman silang lahat eh. Hihi.
"Oh sya, mukhang umurong na ang dila mo," sabi nya. "Bumalik ka na sa upuan mo at magsisimula na ang ating pagsusulit."
Nagpasalamat ako kay Ma'am tapos bumalik na sa upuan ko. Filipino naman ngayon kaya sa likuran ni Johan ang pwesto ko.
"Okay ka lang? Bakit parang hinihingal ka?" Tanong nya pagkaupo na pagkaupo ko. Ahihihi. Concern ba sya? Gusto kong sagutin sya na, hindi lang ako hinihingal. Natatakot pa pero nginitian ko lang sya.
"Oo nga! Baklang 'to!" Bigla nalang may humila pababa ng buhok ko sa likuran ko. Sino pa ba? Edi si Angelo.
Hindi ko naabutan ang discussion pero masaya ako kasi nasagutan ko ang quiz na binigay sa'min ni ma'am. Nag-a-advance lesson kasi ako para always ready.
Nang lunch break na, nilapitan kami ulit ni Johan.
"Pwedeng sumabay sa lunch?" Tanong nya pa tapos ngumiti. Ack! Ang pogi nya talaga! Rawr!
"Oo naman yes." Si Angelo na ang sumagot. Ineenjoy ko pa kasi ang view sa mukha ni Johan eh.
"Tara na," narinig kong sabi ni Angelo at hinawakan ako sa kamay. Inalis ko naman yun at pinandilatan sya.
"Ano, hindi daw sya sasabay," sabi ko kay Johan at tinignan si Angelo. "Diba, Angel?" I gave him a "sumang-ayon-ka" look.
"Ah, oo. Kila Jasmine pala ko sasabay. Sige na, babush! Eat well!" Sunod-sunod na sabi nya.
Tinanguan ako ni Johan na parang sinasabing, "Let's go". Ngumiti ako ng pagkatamis tamis at sumunod maglakad sakanya.
Nakakailang hakbang palang ako, may humila na sa'kin sa braso ko. "Pasalamat ka, binigyan ako ng turon ni Mamu!" Natawa nalang ako sa sinabi ni Angelo at binelatan sya.
"Ako nalang bibili ng foods natin. Ano bang gusto mo?" Para kong natauhan sa sinabi ni Johan.
Wala sa sarili akong umupo sa upuan sa table na napili naming pagpwestuhan.
Trenta pesos lang ang pera ko. Mala-ginto pa naman ang mga paninda dito sa canteen. Huhu! Tubig lang ata ang mabibili ko sa pera ko. Nakalimutan ko pa naman ang pagkain ko sa bag. Ba yan! Kung minamalas ka nga naman oh!
Ano ba kasing naisip ko para ipagtabuyan si Angelo? Wala tuloy akong savior. Wala rin akong cellphone para i-text ang baklang yun. Pa'no na yan?
BINABASA MO ANG
My Demon (When Childish Meets Badboy)
Fiksi RemajaThey were annoyed at each other at the very first place. This Childish and this Bad boy is an epitome of the word "MISMATCH". Would it be possible to make everything upside down? Does miracle could make this "MISMATCH" a "PERFECT MATCH"? Maybe not...