Ch. 04

13.2K 320 8
                                    

My Demon [Ch. 04]

"Gaga ka, Sistar! Ang agaw eksena mo kanina sa cafeteria, ha!"

Nagpout nalang ako. Saka ko lang na-realize na sobrang nakakahiya ng ginawa ko kanina nung nakapasok na ko sa classroom namin. Hiyang-hiya ako lalo na kay Johan.

Di pa tapos ang lunch break at kami lang ni Angelo ang nandito sa classroom namin. Nasa caf din pala sya kanina at nasaksihan nya ang kahiya-hiya kong eksena. After ko daw magwala doon, sinundan nya daw ako para basbasan. Ano ko nasasapian?

"At alam mo bang matapos mong ma-exorcist, lahat ng tao nagtinginan kay Johan. Obviously, they were thinking na sya ang sinasabihan mong demonyo kasi sya ang kasama mo. Tsk. Tsk. Tsk." Umiling-iling sya.

Haluh, nakakahiya talaga para kay Johan. Nilibre pa naman nya ako ng maraming pagkain. Kasalanan 'to ni Keyr eh! Kapag sinabing "demonyo" dapat alam na nila kung sino yun. Nagbubulag-bulagan pa eh.

"Dinamay mo pa talaga si Fafa Johan sa kabaliwan mo."

Gusto kong sapakin si Angelo dahil ang dami nyang sinasabi na talaga namang idinadagdag ng kahihiyan ko sa katawan.

"Mabuti nalang at sobrang angelic face ni Fafa Johan kaya nawala ang kutob ng madlang people na sya ang sinasabihan mo. Nahihiya ka ba?"

Sinamaan ko sya ng tingin. Tanungin daw ba ang obvious.

Ilang minuto ang lumipas, nagsisidatingan na ang mga classmates ko na kapag napapatingin sa'kin, kusa silang natatawa. Huhu! Pwedeng mawala nalang dito sa lugar na 'to in just one snap?

Kasi naman yung Keyr na yun eh! Nakakatakot tumingin. Para kong nasa horror movie kapag tumitingin ako sa mga mata nya.

Pagdating ni Johan, inub-ob ko agad ang ulo ko sa desk ko para di nya ko makita. Hiyang-hiya kasi talaga ako sa kanya. Wala na kong mukhang ihaharap sa pagkakasala ko sakanya-- de joke. Ang OA ko na naman.

"Soyu, okay ka lang?" Boses ni Johan yan. Nararamdaman ko din na nasa harapan ko sya.

I bit my lower lip. Hindi ba sya galit dahil bigla ko nalang syang nilayasan? Besides, I guess napahiya ko sya. Tama ba? O ako ang napahiya ng tunay? Wenks. Tinanong ko pa eh noh? Sino kaya 'tong nagsisisigaw habang tumatakbo? Kase naman eh.

"Nagluluksa sya dahil sa kahihiyan na kanyang ginawa," naring kong sabi ni Angelo. Naglungkot-lungkutan pa sya. Hmp!

"Okay lang yan, Soyu." Naramdaman kong tinapik nya yung likod ko ng mahina.

Inangat ko yung ulo ko. Nakaluhod sya sa harapan ko at nakangiti, a comforting smile. Napaka-smiling face naman nito.

"Johan, sorry." I looked down at his shoes. Napaka-shiny. Magkano kaya bili nya dyan? Ehem. Bakit kaya ang bilis mag-iba ang takbo ng isip ko? Ang dali kong ma-distract. Nagdadrama pa naman ako ngayon.

My Demon (When Childish Meets Badboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon