My Demon [Ch. 15]
Soyunique's Point Of View
"Hahahahaha!"
Seryoso kong pinapanood ang pagtawa ng demonyo sa lupa. Minsan na nga lang tumawa, sa mapang-insultong paraan pa.
Nakakainis lang. Akala ko talaga kanina may maganda syang sasabihin dahil sa sinabihan nya kong mabigat kahit na hindi pa naman nya ako nabubuhat. Kaso wala eh, sya si Demon. Nakakaasar talaga!
First time kasing may pumick-up sa'kin kaya akala ko nakakakilig gaya ng mga napapanood at nababasa ko. Kaso, again, sya si Demon.
"Asar ka!" Hinampas ko sya sa braso. Hindi naman sya nagalit, patuloy lang sya sa pagtawa. Halos nangingiyak-ngiyak na nga sya at nakahawak pa sa tiyan nya.
"Anong oras ka naman kaya makaka-move on dyan?" tanong ko sakanya.
"Nakakatawa yung mukha mo kanina!" he said between his laughs.
Napailing nalang ako at binuksan ang zipper ng bag ko. Magkaroon ka ba naman ng ganitong tuturuan na madalas mong makakasama.
Nilabas ko ang lunch box na may lamang spaghetti. May handaan kasi sa lugar namin at si mama ang kinuha nilang taga-luto kaya nakapagbaon ako.
Pagbukas ko ng takip, tumabad ang napakabangong aroma ng pagkain. Kaya si mama ang madalas nilang kinukuhang tagaluto dahil amoy palang, nakakatakam na.
"Hoy, ano yan?" In fairness, tapos ng tumawa ng wagas si Demon. I bet, dahil iyon sa amoy ng special spaghetti ni mama.
"Pagkain." Kinuha ko ang tinidor sa loob din ng bag ko na nakabalot sa plastic.
"Akin nalang." Hindi pa ko nakakasagot, kinuha na nya yung lunch box at mabilis na tumayo.
BINABASA MO ANG
My Demon (When Childish Meets Badboy)
Teen FictionThey were annoyed at each other at the very first place. This Childish and this Bad boy is an epitome of the word "MISMATCH". Would it be possible to make everything upside down? Does miracle could make this "MISMATCH" a "PERFECT MATCH"? Maybe not...