Valentine's day ngayon at habang naglalakad ako papuntang room lahat ng nadadaanan kong lalaki ay binibigyan ako ng bulaklak at kung hindi bulaklak ay letter naman.
Di ko kayang hawakan lahat ito asan na kaya si beshi?
Tuwing Valentine's day kasi lagi kong kasama si beshi dahil sya yung katulon ko para maghawak ng mga bulaklak na ito pero ngayun wala sya. Late siguro.
Pumasok na ako sa room namin at dumiretso ako sa upuan ko. Nilagay ko ang mga hawak hawak kon bulaklak at letter sa desk ko. At dahil madami ito ang ilan dito ay nahulog.
Pinulot ko ang mga nahulog pero may tumulong sakin. Si Ryan ang crush ko. Nerd sya pero gwapo, matangkad, matangos ang ilong, mahabang pilik mata at kissable lips. Nagblush naman ako.
"S-salamat." Nakangiti kong sabi at talagang nautal pa ako! Tumango na lang sya at pumunta sa upuan nya at nagsulat. Hanggang ngayon pa nag aaral pa rin sya?
Sa kanya lang ako walang natanggap. Buti sana kung lahat ng bulaklak at letter na ito ay galing sakanya pero ndi eh.
"Beshii!!" Tawag ni beshi sakin. Buti naman at dumating na sya.
Tumingin si beshi sa desk ko at hindi na sya nagulat para bang sanay na. "Oh!"
"Ano yan?" Tanong ko
"Malamang letter." Sabay irap, naparoll eyes naman ako. "Yan na lang ang ibibigay ko sayo kaysa naman sa bulaklak eh malalanta rin ang mga yan." Sabi ni beshi Napangiti naman ako.
"Salamat." Nakangiti kong saad. Napatingin naman sya kay Ryan at tumingin sa paligid. "Kayong dalawa lang dito... may nangyari ba?" Nakangising sabi ni beshi at namula naman ako.
"W-wala ah!" Tanggi ko.
"Sus! Deny pa more." Pang aasar nya kaya mas lalo akong namula.Napatingin kami kay Ryan ng bigla syang tumayo at lumabas. Nagkatinginan naman kami ni beshi at sabay na tumingin sa bagay na nasa desk ko.
"Tara tulungan na kitang ilagay sa locker mo yan." Tumango na lang ako at aalis na sana kami ng makita naming pumasok si Ryan.
Nagkibit balikat na lang ako at tuluyan na kaming umalis pero ng nasa pintuan na kami ay may humarang saming lalaki.
"Xylyn pwede bang manligaw?" Ang straight to forward naman nito. Napatingin ako kay beshi para humingi ng tulong. Nasundan naman nya.
"Sorry di pwede dahil strict ang parents nya." Sagot ni beshi. Napatingin naman sakin yung lalaki at tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni beshi.
"Hindi ikaw ang tinatanong ko kaya pwede ba h'wag kang mangialam." Sabi nito at napairap na lang si beshi at hinila ako.
Ng makarating kami sa locker ko ay agad naming nilagay ang mga bulaklak at letter na hawak namin pero sa di inaasahan ay may isang letter na nakakuha ng pansin ko kaya kinuha ko ito at tinignan kung kanino galing pero ang nakasulat lang ay From: Secret crush. Pwede namang secret admirer ah? Tinignan ko naman kung may nakasulat sa likod at ang nakalagay lang ay For: You.
Dear crush,
Simula nung makita na kita ay nagkagusto agad ako sayo merong time na gusto kong magconfess pero ang dami mo pa lang tagahanga kaya nahihiya ako at ngayun lang ako naglakas loob na magconfess kaya sana ay pumunta ka sa roof top
Yan ang nakasulat. Napangiti naman ako habang binabasa ito at tumingin sa paligid ng biglang magsalita si beshi.
"Dali na punta ka nasa roof top kanina ko pa nabasa yan eh." Nakangiting sabi ni beshi kaya dali dali akong nagpunta sa roof top habang may nakapaskil na ngiti sa aking mga labi dahil may hint na ako kung sino ang nagbigay nito.
Nang makarating ako sa roof top ay wala akong naabutan ni isa kaya lumapit ako sa riles at tinignan ang mga studyante na nagkalat sa baba. Nang may nagtakit ng mata kobat tatanggalin ko na sana ng magsalita ito.
"H'wag mo munang tanggalin dahil magcoconfess ako ng di mo ako nakikita kasi nahihiya ako." Napangiti naman ako at binaba ang mga kamay ko at hinayaan kang magsalita habang nakatakip ang mga mata ko.
"Nung unang pasok ko pa lang rito ay ikaw agad nakakuha ng pansin ko di ko alam pero na love at first sight ako sayo. Sa lahat ng babaeng nakita ko nasa sayo lang ang atensyon ko. Kampi ko na ang kaibigan mo at alam na lahat ng kaklase natin pati na rin ng mga teacher's natin ang nararamdaman ko para sayo pero ang manhid mo dahil hindi mo manlang naramdaman o napansin." Pagconfess mo sakin. Ang akala ko'y tapos ka na pero di pa pala.
"H'wag ka munang magsasalita dahil di pa ako tapos. Pagtinanggal ko na ito ay mamili ka sa dalawa. Pagtumingan ka sakin ay akin ka na pero pag di ka tumingin sakin at umalis ka na ng roof top ay ititigil ko na ang nararamdaman ko sayo. Pero ito ang tatandaan mo Mahal kita." Napangiti naman ako at dahil may naisip akong kalokohan. Nang tinggal mo na ang kamay mo sa mata ko ay doon ko na ginawa ang kalokohan ko.
Hindi ako humarap sayo at tuluyan ng binuksan at sinara ang pintuan ng roof top para gawin ang kalokohan ko pero di naman ako umalis at nang tignan kita ay ang lungkot ng mukha mo kaya naman ay dahan dahan akong naglakad pabalik sayo at narinig ko ang mga sinasabi mo at paulit ulit mo pa talaga sinasabi ito "Di nya ako mahal." kaya napatawa ako ng mahina at niyakap kita patalikod. Nakita ko ang gulat sa mukha mo at lumingon ka sa direksyon ko kaya mas lalo akong napatawa.
"Mahal rin po kita Ryan."
=======
Author L: So yun na nga maganda ba o pangit? Nakakakilig ba? Kung hindi bahala na HAHAHA
BINABASA MO ANG
"AKIN KA NA"
Short StoryValentine's day ang dami ng nakuha kong flowers at letters pero wala akong nakuha sayo kahit na simpleng happy Valentine's day lang. Sana mapansin mo na ako crush... Inspired by MarincethBlue