Chapter 31: Unexpected Attack
Freya's Point of View
Nagkasalubong ang kilay ko dahil sa kanyang tanong.
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong. "Anong ginawa? Wala akong ginawa sa'yo."
"Ito," tumingin si Phoenix sa paligid. "Anong ginagawa ko rito?! Paano ako napunta rito?" first time kong makita si Phoenix na galit na galit.
"Aba malay ko!" nawala na ang takot ko sa kanya at napalitan ito ng inis. Ano bang sinasabi ng lalaking 'to? "Ngayon lang kita nakita! At nawawala ako sa gubat na 'to kaya kailangan ko ng tulong. Pero kung alam ko sana na ikaw ang nakita ko, hinding-hindi ako lalapit sa'yo."
Seryoso lamang siyang nakatitig sa mata ko habang nagsasalita ako. Mabuti nalang at nagawa ko paring tapusin ang sinasabi ko kahit medyo na-oawkward ako sa tingin niya. Sa kanyang mga mata, alam kong hindi siya naniniwala sa akin.
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala," sabi ko na lamang. Seryoso parin siyang nakatitig sa akin.
Saka niya ako inirapan.
Baklang ito! Inirapan pa ako?
Tinalikuran niya ako saka siya nagsimulang maglakad palayo sa akin.
Bahala siya sa buhay niya, hindi ko kailangan ang tulong niya. Kaya kong umalis sa gubat ng mag-isa.
Tumingin ako sa madilim na paligid ng gubat. Nakikita ko parin si Phoenix na naglalakad.
Napairap na lamang ako at bumuntong-hininga. Dahan-dahan akong naglakad at sinundan si Phoenix. Kailangan lang akong mag-ingat nang hindi niya ako mahalata.
Geez! I can't believe I'm doing this!
Kailangan kong ipangako sa sarili na ngayon ko lang gagawin ito. Ngayon lang, Freya.
Ilang minuto na kaming naglalakad nang biglang tumigil si Phoenix. Nagpalinga-linga ako sa paligid at natatarantang nagtago sa pinakamalapit na puno.
Nakalapat ang dalawang palad ko sa puno habang nagtatago. Huminga ako nang malalim saka ako dahan-dahan at maingat na sumilip.
Ngunit wala na akong nakikitang Phoenix ngayon. Paanong nawala siya? Alam kong---
"Bakit mo 'ko sinusundan?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang may narinig akong nagsalita sa aking likuran.
Agad akong umikot para harapin siya, ngunit pinagsisihan ko ito.
Nakatayo siya sa aking harapan. Dahil sa taas niya ay kailangan ko pang tumingala sa kanya.
Sobrang lapit ng mukha niya sa aking mukha. Sa sobrang lapit ay kitang-kita ko ang pagkapula ng labi niya pati na rin ang haba ng pilik ng kanyang mata.
Masyadong malakas ang kabog ng dibdib ko, dahil sa kaba.
I can even smell his breath, it smelled coke and mint. I'm not sure.
Tila may sariling utak ang katawan ko at agad itong umatras dahilan para bumangga ang likod ko sa puno.
Hindi man lang siya apektado, hindi siya gumalaw at nakatingin lang sa mata ko. Nag-iwas ako ng tingin at tumingin nalang sa gilid.
"Hoy," mahina ang kanyang boses. His voice was deep, and muscular. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nanlamig. Hindi ako makatingin sa kanyang mata. Nakatuon lang ang tingin ko sa gilid.
Hindi ko rin magawang gumalaw. Tila pinako at idinikit ang katawan ko sa puno.
"Tumingin ka sa'kin," malalim at seryoso parin ang boses niya.
BINABASA MO ANG
Peritia Academy
FantasiaAbilities. Beasts. A game. A mind-boggling mystery. An extraordinary twist. Get ready to be enthralled. Fantasy/Mystery-Thriller/Action/Comedy Date Started: June 25, 2017 Date Completed: ___