1

10 0 0
                                    

"Sige, lumayas kayo at kahit hwag na kayong bumalik mga lintek kayo." Sigaw ng magaling kong lasinggerong ama. Lagi nalang siyang ganyan since the day my mother left us permanently in this world. Kapag kasing ganyan na siya kapag nalalasing mas maiging layasan nalang dahil wala din namang mangyayari kapag kausapin mo.

"Ate, hwag nalang kaya tayo bumalik sa bahay lagi nalang kasing ganyan si tatay." Sabi ng kaisa-isang kapatid ko habang naglalakad kami palayo sa bahay. She's just 10 years old pero nararanasan na niya ang ganitong klase ng buhay.

"Sha, hayaan muna natin si tatay ha. Intindihin nalang muna natin dahil nalulungkot lang yun sa pagkawala ni nanay." Sagot ko sa kapatid ko hanggat hindi kami sinasaktan physically ng tatay namin lalo na ang kapatid ko hindi namin siya iiwan, ganyan lang naman siya kapag lasing.

Nakarating kami sa may plaza ng baranggay namin ng hindi namin namalayan kapag ganun kasi si tatay dito kami dumederetso hindi din naman kasi nakakatakot dahil magdamag ang mga street lights dito.

"Pahupain lang muna natin ang pagwawala ni tatay makakatulog din yun saka tayo babalik sa bahay, ok?"

"Ok, ate." At nahiga na sa may tabi ko at umunan sa hita ko ang kapatid ko. Naawa ako sakniya tuwing nalalasing si tatay dahil kailangan pa naming lumayo sa bahay at palipasin ang kalasingan niya hanggang sa makatulog ito bago kami bumalik sa bahay.

Buti nalang nakatapos ako kahit 2 years lang sa kolehiyo kahit
papano nakakahanap at natatanggap ako sa medyo maganda-gandang kompaniya. Sa kasalakuyan nagtratrabaho ako ngayon sa isang mall bilang operation assistant sa opisina at sa main office ako naassign kaya araw-araw kasama ang boss. Kahit papano nairaraos naman ng sahod ko lahat ng pangangailangan namin lalo na sa pag-aaral ng kapatid ko. Kapag hindi din naman nalalasing si tatay may naiyaabot din naman sa akin kahit pangbili lang ng ibang kailngan sa loob ng bahay. Isa siyang jeep driver.

Mediyo nagtagal kami ng kapatid ko sa plaza umabot siguro kami ng isang oras bago kami bumalik sa bahay at ayon nadatnan na nga namin na tulog ang tatay sa sahig. Hindi ko na ito inistorbo, pinapasok ko narin ang kapatid ko sa kwarto namin at ako naman lilinisin ang kalat na sanhi ng pagwawala ni tatay. Hays, sana dumating na ang araw na matanggap na ni tatay na wala na talaga si nanay. Sa totoo lang, hindi ko pa lubos matanggap at hindi ko alam kung kailan ko matatanggap na wala na si nanay nagpapakatatag lang ako para kina tatay lalo na sa kapatid ko. Pagkatapos kong linisin ang kalat natulog narin ako dahil may pasok pa ako bukas at baka ako na naman ang pagdiskitahan ng suplado kong amo na pinaglihi ata sa sama ng loob at di man lang marunong ngumiti.

" Nak, pasensya na kagabi kung hindi ko na naman napigilan ang sarili ko." Hinging paumanhin ng tatay, yan ang gusto ko skniya na alam niyang humingi ng pasensya kapag nagkakamali siya.

"Ayos lang ho tay, pero sana hindi na maulit yun. Nawalan din ho kami ng ina tay, at higit na masakit sa amin yun lalo na sa kapatid ko dahil napakabata pa." Nakangiti kong sagot sakniya. Mahal na mahal namin ang tatay dahil siya nalang ang meron kami.

"Sisikapin kong bumangon anak, pasensya na kayo at nakalimutan kong nandiyan pa pala kayong mga anak ko." Naluluhang sabi ni tatay. At doon naman lumabas sa kwarto ang kapatid ko na nakabihis narin.

"Si tatay nagdradrama kaaga-aga." Biro nito na siyang ikinatawa naming tatlo at saka namin niyakap na magkaptid ang aming ama.

"Ikaw talagang bata ka, bilisan mo diyan at isasabay ko na kayo ng ate mo papasok sa eskwelahan niyo at sa trabaho niya." Saka naman tumalima ang kapatid ko pareho na kasi kaming nakahanda ni tatay siya nalang ang hinihintay namin.

"Good Morning kuya." Bati ko sa guard na nagchecheck ng mga I.D sa employees entrance.

"Good morning din Michelle. Ang aga natin ah." Oo Michelle lang ang tawag nila sa akin ayaw ko kasing patawag mg ma'am pare-pareho lang naman kaming pasahuran ng boss namin.

"Kailangan po eh, baka kasi may mens na naman yung boss natin." Sabi ko na siyang ikinatawa ni kuya na tumigil agad dahil may biglang nagsalita sa likod ko.

" Early in the morning you're flirting with the company guard."
At kahit di ko lingunin alam kong ang masungit naming boss iyon, pero sa ayaw at sa gusto ko kailangan kong lumingon para batiin siya dahil baka tanggalin pa ako dahil sa hindi pagbati sa kaniya. At kahit hindi maganda ang sinabihan akong nakikipagflirt ako. Kung hindi ko lang boss ito hinambalos ko na ng batuta ni kuyang guard.

"G-good morning sir." Bati ko ganun din ang ginawa ni kuya binati din niya ito pero hindi ito sumagod instead pinasunod niya ako papasok.

"Stop flirting and follow me Ms. Vasquez." Madilim ang mukha na sabi nito at dederetsong pumasok sa elevator na agad ko namang sinundan kahit na nanginginig ako.

"Don't flirt to your co-employee here in my office if you want to stay long and not be fired." Shit tong mokong na to kanina pa siya da flirt flirt na yan. Nakita ba niya na nakikipaglampungan ako hindi naman nag-uusap lang kami flirt na. Sira ata tuktok nito eh. Kung hindi lang kita boss..urrghh..

"Anyway follow me in my office, starting now you'll be my personal secretary/assistant." Sabi niya at sakto namang pagbukas ng elevator katunayang nakarating na kami sa floor kung saan yung office namin at office niya. Sumunod ako pagkalabas niya pero hindi parin nagsisink in sa isip ko yung sinabi niya dahil wala namang nababanggit ang HR sa akin at lalong walang sinasabi ang secretary nito sa akin.

Pagpasok ko wala pang tao sa loob kung di yung nakapost na guard dito sa floor na to.

"Magandang umaga Mich." Bati nito sa akin tinanguan at nginitian ko lang ito at pumasok na ako sa loob deretso sa table ko. Napaupo ako sa may silya ko pero hindi pa umiinit ang pwitan ko bigla nalang akong tinawag na siyang kinagulat ko dahil kami pa lang namang dalawa ang nandito.

"Did I told you to follow me here in my office?!" Mariing sabi nito at dahil sa gulat ko napatayo ako at lumakad patungo sakniya. Nakakatakot ang tinging pinukol sa akin bakit ba ang bigat ng loob nito sa akin. Medyo malayo pa man din yung post ng guard dito.

Pagpasok ko agad niyang sinarado ang pinto at sa gulat ko bigla akong ipiniid sa likod ng pinto at hinalikan ako..😱


#bossemployee

He is my Pervert BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon