Sayang

482 11 2
                                    

Prologue

Umiiyak ka na naman. Lagi ka nalang ganyan kapag iniiwanan ka ng taong pilit mong hinahabol.

Ng taong pilit kang pinagtatabuyan.

Wala eh. Ganun na nga siguro ang nagagawa ng Love.

Nagagawa mo yung mga bagay na akalain mo dati eh hindi mo magagawa.

-----------------------------------------------

Ako nga pala si Tristan del Prado. Taong di naman sikat pero lihim na nagmamahal sa isang babae, si Eris.

Siya lang naman ang kadalasang nakikita ko dito sa rooftop nitong school namin.

Laging parang pinagbabagsakan ng mundo.

Si Eris maganda siya at mapagmahal.

Yan ang mga salitang napagtanto ko nung nakausap ko na siya.

Naaalala ko tuloy kung bakit ako napadpad rito.

*Flashback*

*sa garden*

Tinawagan kasi ako ni Mayumi kanina na magkita kami dito.

Excited pa naman ako kasi monthsary na namin bukas.

Ano kayang ireregalo ko sa kanya? Hmm.

Nakarating na rin ako sa wakas. Buti nalang tumakbo ako.

*hingal* *hingal*

"Mayu--"

"Ayoko na sayo." siya.

"H-huh? Na-nagbibiro ka lang diba?Ba-bakit naman?" Dala narin siguro ng pagkabigla at pagod kaya nauutal ako.

"Ayaw ko na sayo."

Ayaw ko na sayo

Ayaw ko na sayo

Ayaw ko na sayo

"Nagkulang ba ko?" Nasabi ko habang nakatungo. Takte naiiyak na pala ako.

"Hindi naman. Alam mo bang napasaya mo ko?" Siya. Tila nabuhayan ako ng loob pagkasabi niya yan.

"Pe-pero bakit ayaw mo na sakin? Ano bang problema? Ano bang naging pagkukulang ko?" Sabi ko habang nakatingin ng seryoso sa kanya. Hawak-hawak ko na rin ang dalawang balikat niya.

"Hindi pa ba halata? Pinaglaruan lang kita. Niloko lang kita. Ginamit lang kita." Sabi niya ng wala mang bakas ng pag-aalilangan sa boses niya.

Ganun pala yun? Masakit kapag sa kanya mismo nanggaling ang mga salitang iyon. Narinig ko na kasi dati iyon sa mga magulang nung nag-aaway sila.

"Pe-pe-pero Mayumi. Please bigyan mo ko ng isa pang chance. Please. Hindi ka magsisisi sakin." Takte konti nalang tutulo na talaga tong bwisit na luha ko.

Siya kasi ang minahal ko ng lubos eh.

"No, my decision's final. Break na tayo Tristan."

Break na tayo Tristan

Break na tayo Tristan

Break na tayo Tristan

Napahagulgul na lamang ako

Sumisigaw na nga ako ng "Please Mayumi. Wag mo kong iiwan. Wag namang ganito ohh."

Pero tanging pagtalikod na lang niya ang nakita kong sagot. Ayaw na niya. Ayaw na talaga.

SayangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon