CHAPTER 5

9.5K 513 132
                                    

***


Halos malaglag ang panga ni Luna pagkadating nila sa resort ng tita ni Paul. Hindi niya naman kasi akalaing ang laki-laki pala nito at masyadong prestigious. No'ng makita niya sa lobby kanina rates na chinacharge nila para sa mga bisita, muntik na siyang napamura ng 'punyeta'.


"Grabe, ang ganda dito 'no, Luna?" sabi sa kaniya ni Suzy pagpasok nila sa kwartong kanilang tutulugan. Silang dalawa ang magkasama sa kwarto habang si Chance at Paul naman ang magkasama.


"Super. Hindi ko akalaing may ganito pala kagandang resort sa Batangas."


"I know! Hindi ko rin akalain na big time pala boyfriend mo!"


"Hindi naman sila Paul ang may-ari nito. Tita niya lang."


"Sus, gano'n na rin 'yun! For sure, rich din parents niya, hindi lang siguro nakikwento. Sa kotse palang 'e tsaka sa mga suot na damit, medyo evident na."


"Si Paul ang bumili ng kotse niya. Simula nang gumaraduate siya from College, hindi na siya nanghingi ng kahit isang kusing sa parents niya. Kung ano mang meron siya ngayon, he earned it."


"Wow, really?"


Proud na tumango si Luna.


"You must really be proud of him then."


"Of course," sagot niya. "E ikaw, Suzy? How are you liking Chance so far?"


"Well, he's clumsy at madalas magspace-out, bigla-biglang nawawala on our dates, tapos nakikita ko na lang na may tinutulungang kung sino. It's a bit annoying sometimes, pero narealize ko, it's what makes him charming. 'Yun ang pinaka-nagustuhan ko sa kaniya, the fact that he has such a big heart. I mean, yes, no'ng una, talagang sa looks lang niya ako nahulog. Pero the more I get to know him..."


"Bonus na lang 'yung looks, gano'n?"


Ngumiti si Suzy at tumango. By the way she talked about Chance, you can tell that she's already past the point of just liking him. In love na ito kay Chance, 'yun ang nakumpirma ni Luna.


"Madalas sakit sa ulo si Chance, but he's so fine the way he is right?" sabi niya kay Suzy.


"True. His weirdness is so funny too." Hinawakan nito bigla si Luna sa kamay. "Maraming salamat talaga sa pagpapakilala mo sa akin sa kaniya."


"Walang ano man. Thank you for liking him too. Para ko nang anak 'yong si Chance."


Natawa silang pareho. "I know right? Nanay na nanay ang dating mo always pagdating sa kaniya. I can't believe na napagselosan kita noon. Sorry."


"Wala 'yon, gets naman kita. Kung ako nasa posisyon mo, gano'n din naman mararamdaman ko. Pero, rest assured, parang magulang at anak lang talaga turingan naming dalawa. We're purely platonic, promise."

By any chance... will you marry him?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon