Introduction

164 6 2
                                    

Introduction

"Okay, so ibig sabihin confirm na lahat? Lilipat na ako sa school na 'yun?" Naiirita kong tanong kay Adrian.

"Oo, kasalanan mo rin yan! Kung nagtino ka lang sana hindi ka mapapalayas sa GHS!" Nag-enjoy lang naman ako sa panggagago sa bagong teacher namin, kaya ayun nagsumbong sa panot na principal. Kasalanan ko bang kakatawanan siya?

"Punyetang buhay 'to! Aish!" Iniwan ko yung best friend ko sa sa classroom namin. Dalawa nalang kasi kami natira dito dahil sinamahan niya ako sa principal office para alamin ang tungkol sa pag lipat ko ng school. At sa kasamaang palad, hindi ko na na-sales talk si princepal kaya ayan goodbye GHS.

By the way, let me introduce myself. My name is Sabrina Fortes or you can call me Sab for short. Masyado kasi mahaba yung Sabrina kaya Sab nalang, syempre inaalala ko rin ang kapakanan niyo. Ayokong mahirapan kayo dahil sa mahabang pangalan ko.

Naglalakad ako pauwi ng bahay dahil walking distance lang naman yung bahay namin mula dito sa school.

Naramdaman ko may nag vibrate sa bulsa ko. Ibig sabihin may nag text kaya agad-agad ko kinuha ang phone ko at chineck.

From: Kups

Huy! Nasaan ka ba? Kanina pa kita hinihintay dito sa gate!

Ito talagang best friend ko mahal na mahal ako. Hindi pa naman ako nakakalayo ng school namin kaya binalikan ko ulit siya.

"Ang hunghang mo talaga kups, bakit hindi ka sumunod?" Nagpaalam ako sa kanya kanina na mauuna na ako e.

"Sorry naman, hindi kasi kita nakita e. At tsaka isa pa tigilan mo nga pag tawag sa 'kin ng kups." Reklamo niya sabay akbay sa 'kin. Nakakahiya!

"Ayoko."

"Hard mo talaga Sab. Tara na nga!" Matagal na akong hard kaya masanay na siya.

"Bukas kana pala lilipat ng school, iiwan mo na ako dito." Naka-pout pa siya yuck. Para talagang bakla 'to si Adrian kahit kailan. Akala niya ba cute? Pwe!

"Balita ko, pinaka worst sa lahat ng worst yung school na lilipatan mo ah." Kwento niya habang nag lalakad kami pauwi ng bahay. Isang street lang kasi ang layo ng street nila sa amin kaya kasabay ko siya palagi tuwing uwian. Bata pa lang kami close na close ko na si Adrian, kahit palagi kami nag aasaran at tinatawag ko siya na kupal mahal na mahal ko yan. Hindi yung mahal na gusto ko siya maging boyfriend at papakasalan ko siya. Mahal ko siya bilang kaibigan. Siya lang yung nag iisa 'kong totoong kaibigan. Well, wala naman akong kaibigan bukod sa kanya?

"Sus, pakealam ko sa mga estudyante dun? Kapag nakalipat na ako mag titino na talaga ako promise." Umayos ka Sab huling chance mo na 'to patay na talaga ako kay daddy.

Amindo akong tarantada ako. Lalo na sa mga classmates ko. Si Adrian lang talaga ang hindi lumalayo sa 'kin kahit binging bingi na siya sa bunganga ako. Nasanay lang talaga ako na palagi ko sila pinagtitripan, ang saya kaya makita na nasasaktan sila.

Kinabukasan ng tanghali, 11:30 na ako umalis sa bahay para pumasok sa bago kong school. Simula na 'to ng pagbabago ko, sana wala na akong makaaway. Baka itakwil na naman ako dito! Mahirap na baka tuluyan na akong ipatapon sa ibang bansa.

***

Maayos ang school na lilipatan ko. Hindi mukhang stupidents ang mga estudyante kaya mukhang wala akong makakalaban dito. Syempre kunwaring mabait muna ako sa unang araw ko, naka nerd glass at may dalang libro para madali ang magiging buhay ko dito.

Gaya ng kinaugalian sa school ko dati, sa canteen ang diretso ko.

Mahilig talaga ako kumain pero sexy ko parin. Kung dati kahit anong kainin ko pwede kahit walang bayad dahil takot sa akin ang mga staffs sa GHS (Dati kong school) ngayon hindi na. Aayusin ko lang talaga records ko at good moral sa Southmoor tapos babalik agad ako sa GHS next year.

Matapos umorder ng kakainin ko, naghanap ako ng vacant na lamesa na kunportable ako.

"Ang dami naman tao dito tss." Mahinang bulong ko. Kung nasa GHS ako tapos ganito karami ang mga tao sa canteen papatunugin ko lang ang emergency alarm then bam! Maglalaho lahat ng tao dito.

"Ayun!" Dali-dali kong pinuntahan yung bakanteng lamesa sa may sulok ng canteen. Maganda ang pwesto doon dahil nakatapat sa aircon at malapit sa bintana.

"Kainan na!" Sabi ko sabay kagat ng malaki sa hamburger na inorder ko.

"LINTEK!" Bwiset! Sino yung namatok sa akin!? Lumingon ako para tignan kung sino ang walan hiyang bumatok sa maganda kong ulo. Aba aba! Hindi porket naka nerd outfit ako pwede niyo na akong batok batukan.

"TABE!" May lalaki na kulay blonde ang buhok ang nakatayo sa tabi ng lamesa ko. Pwe! Akala niya ba kinagwapo niya ang blonde na buhok? Mukha lang siyang sisiw ewww.

"Bakit? Ako ang nauna dito ah!" Bastusan lang huh? Siya kaya magpakahirap humanap ng mauupan sa crowded place like this? Walang modo.

"Puwesto ko yan kaya umalis ka dyan." Kalma Sabrina, nandito ka para mag bago hindi gumawa ng bagong gulo.

"May pangalan ka ba dito huh? Hindi ako aalis dito hangga't wala akong nakikitang nakasulat na pangalan mo. Bleh!" Bahala na kung ano ang susunod na mangyayari. Ako si Sabrina Fortes ang ultimate bully ng school ko dati magpapaapi nalang sa sisiw na 'to? No way!

"Miss, hanap kana lang ng ibang vacant table para walang gulo." Lumapit sa amin yung isang lalaki na kamukha ni sisiw pero itim ang buhok. Nagpapalit palit ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"KAMBAL KAYO!?" Shems, may kambal pala ang sisiw na 'to? Mas mukha naman matino ang kambal niya ng 2%

"Hindi ba halata?" Sabay pa sila ng pagkakasabi! *erase erase* Dinelete ko na yung sinabi ko na matino pwe! Nako... mapapatrouble na naman ata ako ah.

THESE BASTARDS VS SABRINA? DALAWA LABAN SA ISA? MASAYA 'TO.

Trouble TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon