Chapter | Two

642 16 4
                                    

Sabrina | Nagmadali akong kinuha ang susi ng aking sasakyan atsaka bumaba sa garahe. Tinanong ako nila mama at papa kung saan ako pupunta at ang sabi ko ay sa kaibigan ko lang. Hindi ko alam kung natatandaan nilang lahat ang tungkol kay Emerson dahil hindi naman sila nadasalan ni Aldrin nang gawin niya ang rtiwal para maalala namin ang lahat kung anuman ang mangayari. 

        Mabilis ko itong pinaandar atsaka humarurot sa daan. I need to see him now. I need to know that he's okay. Na hindi siya napahamak sa pagliligtas sa'kin. Na maayos lang siya gaya nang inaasahan ko.

        Nag-red ang traffic light kaya kinailangan kong ihinto ang sasakyan. May limang sasakyan sa harapan ko bago ang main road. Tiningnan ko kung ilang segundo pa bago mag-green at meron pang trenta segundos. Tahimik lang ako sa driver's seat at matamang nakatitig sa unahan nang may kumatok sa bintana ng kotse ko sa may passenger seat. Agad kong tiningnan ang mukha at babae ito na may katangkaran at may samut-saring kulay ang kanyang buhok at nakatirintas ito. Ang hugis ng kanyang mukha ay maliit. May dalawang pares siya ng mga malalalim na asul na mga mata. Patuloy siyang kumatok sa transparent na bintana. Hindi ko siya kinikibo dahil natatakot ako na kung sakaling buksan ko ito ay baka kung anong gawin niya sa'kin. Ilang pagkatok pa ang ginawa niya bago siya may inilabas na kakaibang armas mula sa kanyang tagiliran. Hindi ko sigurado kung anong hawak niyang iyon pero kulay silver ito at may maliit na butas sa duluhan.

        Baril ba 'yon? tanong ko sa'king isip.

Itinutok niya sa'kin ang armas at doon ko napagtantong nakakamatay ang hawak niya. Inapakan ko ang silinyador at pinatakbo ang sasakyan ng mabilis na mabilis. Mabuti na lang at maluwang ang daan kaya mabilis akong nakalayo sa lugar na iyon. Nang masigurado kong malayo na ako ay binawasan ko na ang bilis ng pagpapatakbo ko. 

        Medyo malayo pa ang bahay ni Emerson mula sa kinalalagyan ko ngayon dito sa Cubao. Hindi makagalaw ang kotse ko dahil sa sobrang traffic. May nagbanggaan ata dahil napakaraming taong nagkukumpulan sa may intersection. Napakamot na lang ako sa'king noo at nag-ayos ng sandal sa'king kinauupuan. Sinigurado kong naka-lock ang mga pinto kung sakaling magpakita muli ang babaeng 'yon. Sino ba siya? At bakit parang papatayin niya 'ko? May ginawa ba 'kong masama na hindi ko alam?

        Fifteen minutes pa ang nakalipas at hindi pa rin ako makaalis-alis sa pagkakabuhol ko sa traffic na 'to. Unti-unti nang sumisibol ang pag-init ng ulo ko. Kinuha ko ang telepono ko at sinubukang tawagan muli si Emerson pero 'cannot be reached' pa rin ang linya niya. Kinakabahan na 'ko. Baka may nangyari sa kanya.

        llang sandali pa ang nakalipas ay hindi na 'ko nakatiis at bumaba na ako ng sasakyan. Iiwanan ko na ba ang sasakyan ko sa gitna ng daan para makita ko si Emerson? Magta-taxi na lang siguro ako.

        Pag-apak ko sa semento ng daan ay tila nagbago ang paligid ko. Parang 'sang-kisap mata lang ay nasa ibang lugar na ako. Marumi ang paligid at sira-sira ang mga istraktura sa paligid ko. Maraming nag-iiyakan na mga tao. Tao? Parang hindi sila mga tao. Naglakad pa ako nang kaunti para mas makita ko ang itsura nang mga nasa paligid ko. Hindi nga sila tao, sabi ko sa isip-isip ko―mga anghel sila na nahulog mula sa langit. Dumadaing sila dahil nawala ang kanilang mga pakpak. Nagkalat ang dugo kung saan-saan at ang mga balahibo. Tumingala ako sa kalangitan at patuloy pa rin ang pagkakahulog ng mga nagsusumigaw na mga anghel mula sa langit. Sa kanilang pagbagsak ay walang kasing-sakit ang kanilang pagdaing. Nakasuot sila ng mga puting damit na ngayon ay puro bahid na ng dugo.

        "Anong nangyayari dito?" tanong ko sa babaeng tumatangis pa rin dahil sa nangyari sa kanyang mga pakpak. Puno ng simpatiya ang tinig ko para maramdaman niyang hindi ako kalaban o anupaman.

        "Nagkakagulo sa langit," wika niya nang lumingon sa'kin, "nagtagumpay si Ergott sa pagsira ng balanse ng mga mundo. Ngayon ay mayroon ng digmaan. Ito na ang wakas."

When Forever Ends [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon