D- Anne’s POV
“ang kukulit ng mga tae niyo! Sinabi ko na kasing cacao leaves nalang ang gawin nating main ingredient! Ayaw niyo kasing maniwala! Pwede naman kasing yun nalang eh!” pasinghal na sabi ni Vincent a.k.a. Barsi sa harapan ng mga muka namin isang hapon habang nagdedecide kami kung anong main ingredient ang gagamitin namin sa project namin.
Eto kasi ang isang requirement namin sa subject na Chemistry. Ang mag-imbento ng kung anong produkto gamit ang kalikasan o kung anu mang useful na pwedeng pakinabangan. Nahati sa apat na grupo ang class. bali Ako, si Mo, Michie, Jully, Rona, Kamille, Madz, France, Ace, Vincent, Josh at Peter ang magkakasama sa group One. At si Mo nga ang naging Leader namin since siya na naman kasi yung Class President namin. Ewan! Napagtripan na naman siya! Alam kong ayaw niya na maging President dahil nung 2nd year namin siya daw ang class President ng Dos. hm, hindi naman kasi ako taga Dos dati. Section One ako. Nademote lang ako sa Do. Well, hindi naman ako nag sisisi.
“shonga ka pala eh! Sasabihin ng ibang nanggagaya tayo kapag kinuha natin ang idea ng iba! Saka hindi naman natin sure kung effective nga talaga yan!” tutol naman na sabat ni Peter. Napanood na kasi namin sa Internet yung ginawang Pesticide out of Cacao Leaves.
“napatunayan na nga diba! Nagpatunay na nga yung mga experiments na ginawa diba!” si Barsi ulit.
“mas tanga ka! Bobo! Ah basta! Kapag hindi ako ang nasunod, I quit! Bahala na kayong gumawa ng project na yan!” si Peter
“hindi ka marunong mag isip eh! Dih bahala ka! Bwiset!” saka nag-walk out na naman si Barsi. Talagang gusto niyang maging main ingredient nalang namin yung Cacao Leaves since plano talaga naming gumawa ng isang Pesticide or Insecticide.
Alam naming madami nang nakagawa ng mga kung anu anong Insecticide at Pesticide, kaso wala na talaga kaming ibang maisip ng pwedeng gawin pang ibang products. May mga naiisip naman kami eh kaso iniisip palang namin ang mga procedures kung pano gawin, agad na kaming umaayaw dahil tingin namin mahirap. Kami kasi yung tipo ng grupo na ayaw mahirapan. Kumbaga puro madadali lang dapat yung gawin namin dahil ayaw namin mahirapan. Lalo nat si Mo ang leader. Ang leader na walang kwenta at mukang walang pakialam sa gagawing project. Kasalukuyan lang kasi siyang nakaupo sa gilid at nakikinig ng musics sa walkman niya at ni hindi pa magawang maki-round table samin. sila Barsi at Peter tuloy ang pasubong nag iisip ng project!
“isipin niyo kasi muna kung ano yung mga kailangan ng merkado para naman maging kapaki-pakinabang ang isang bagay. Yung main purpose kasi natin ay kung ano ang makakaginhawaan ng isang Pilipino sa everyday life.” Napatingin kami kay Ace nang magsalita siya matapos basahin ang isang Romance Novel na kanina niya pa binabasa.
Lahat tuloy kami natahimik saka nag isip. Ako, natahimik lang naman ako. Hindi ako nag isip. Nag try akong mag isip pero yung muka lang ng crush ko ang naisip ko. alam kong ganun din si Michie dahil nagtinginan pa kami saka pasimpleng nagtawanan. Alam kong wala din siyang iniisip na seryoso o kung anu mang tungkol sa project.
“ganito nalang, kung gusto niyo talaga gumawa ng Pesticide, magi sip pa kayo ng ibang pwedeng gawing main ingredient maliban sa Cacao Leaves. Kasi pwedeng gagamitin natin yung project ng iba!” si Kamille naman ang nagsalita.
“ano ba kasing sinabi ni Leader?” tanong ni Jully sabay baling kay Mo na ngayon ay may kausap na sa touch screen phone niya. Napatingin naman niya kami pero agad ding nagbawi ng tingin saka lumabas ng room.
“hayaan niyo na nga siya! Parang wala namang pakialam yan lagi eh! Meron akong nabasa sa Internet, pwede din daw ang bawang sa pag gawa ng Insecticide.” Si Madz ang nagsalita.
BINABASA MO ANG
Ang Istorya ng DOS!
Fiksi Remajaeto ang apat na taong istorya ng DOS! mga nangyaring hindi naman inasahan. kwento ng pagkakaibigan at barkadahan. mga memories na kahit kailan ay hindi nakakasawang balik-balikan.