Peter’s POV
“magkano ambagan?”
“bente-bente lang…. akin na bayad mo.”
“ang mahal naman!”
“nagtanong ka pa kung hindi ka lang din naman pala magbabayad! Wag kang kumain ng mga snacks kapag andun na tayo kina JUlly!” sumigaw na siya
Ang kapal talaga kahit kelan ng muka ng Kamille na to kung makasingil naman kasi parang hindi magbabayad ang tao! Anong akala niya sakin? POOR??? Her Face! Ang kapal ng muka niya sabihing pinang dodota ko lang lahat ng pera ko! ang sakit niya magsalita! Ano siya!? Feeling niya maganda siya! Ang kapal talaga ng muka niya!
“hindi ka na naman magbabayad!” sigaw na naman niya
“ahy…. Bat mo alam?” pang aasar kong sabi. “bat naman kasi ang mahal. Dapat singko lang yan! Ano ba kasing bibilhin niyo? Bibili pa ba kayo ng three-layered cake?! Hah!”
“OO! BIBILI KAMI! AT WAG NA WAG KANG KAKAIN NI TITIKIM DAHIL WALA KANG PINANGBAYAD DITO! WALA KANG AMBAG!”
Nilayuan ko nalang siya. Baka kapag malapit pa ako sa kanya, baka makalimutan ko pang babae siya! Babalian ko siya ng buto kahit payatot pa siya! Wala akong pakialam kahit maglupasay pa siya sa sakit! Itong babaeng to ang nagpapainit ng dugo ko sa tuwing nakikita ko siya! Nagsisisi akong nademote pa ako sa section two! Hini na ako magtataka kung bakit madami talagang galit kay kamille sa room.
“solohin mo yan three-layered cake mo! Pakarami ka ng kain para magkalaman ka naman! Mas kawawa ka pa sa pusang gala na walang makain eh! Tignan mo nga yang sarili mo, feel mo sexy ka?! Tapos yung suot mo pang t-shirt nung outing niyo nung second year sa Maynard’s… nakasuot ka ng white t-shirt na may nakasulat na “may mas sesexy pa ba sakin?” ang kapal mo namang mag suot ng ganun! Yuck! Payatot!”
“anong sabi mo?!” napatingin na siya sakin na parang mangkakain na ng taong buhay.
“sabi ko payatot ka! Bingi lang te?” nanggagalaiti na siya sa galit! Akmang susugod na siya kaso pinigilan siya nila Maryjune at Angela Canceran.
“bitiwan niyo ako!” sabay nagpupumiglas na siya sa pagkakahawak sa kanyan ng dalawang alipores niya.
“wag niyo siyang bitiwan! Hayaan niyo siya!” sabi ko pa habang kunware ay hindi nagagalit. Pero sa too lang, may takot narin ako kay Kamille dahil sa itsura niya! Natatawa naman yung iba na nakakapanood sa eksena.
“hoy tama na nga yan! Para kayong mga bata! Wag na nga kayong mag away jan! para kayong mga bata. Tama na nga yan!” napatingin kami sa nagsalita. Si mam pamittan pala. Ang Math teacher namin na paulit ulit binibigkas ang mga words na nabigkas niya na.
“mam si kamille kasi inaaway ako!” sumbong ko na tonong bata pa.
“bakit anong ginawa niya sayo?” mas isang sutil naman tong si mam dahil lalo niya pang sinakyanang trip ko. yung boses niya rin parang nagpapatahan ng bata.
“kinukuha niya kasi yung lollipop ko!” lalong lumagapak sa pigil na tawa nila Mo at Michie.
Yung muka ni kamille parang may isang napakalaking question mark sa ulo!
“hoy Peter! Wag kang gagawa gawa ng kwento ah! Wala kang kwenta! Hayup ka! Bwiset!” sabay walk out. Ayos! Ako na naman ang panalo.
BINABASA MO ANG
Ang Istorya ng DOS!
Teen Fictioneto ang apat na taong istorya ng DOS! mga nangyaring hindi naman inasahan. kwento ng pagkakaibigan at barkadahan. mga memories na kahit kailan ay hindi nakakasawang balik-balikan.