Prologue
Dear Diary. Blah Blah Blah..
Gusto ko talagang mag Diary kaso tinatamad ako eh. Procrastination at its finest! Ilang araw na walang pasok pero ni isa sa mga dapat kong basahin ay hindi ko nabasa. Ano kayang magagawa ko kung walang ilaw sa bahay dahil sa bumaha sa loob ng bahay dahil sa malakas na ulan at hindi nakayanan ng bubong nang bahay ni Lolo? Matanda na din kasi ang bahay na yun. Kapag nagpunta naman ako sa bahay namin at dun matulog o kaya magbasa wala din akong mapapala sa gulo ng mga kapatid ko.
Naguluhan ba kayo? Aayusin ko na nga. Nakatira ako sa bahay ni Lolo para naman maliban sa Tita ko na may habling at kanyang makulit na anak, may mag aalaga sa kanya nang maayos. Malapit lang naman kasi bahay ni Lolo sa bahay namin, ilang hakbang lang. May kwarto ako sa parehas na bahay, Cool no? Madalas sa bahay ako ni Lolo. Yung bahay namin ay nasa likod lang ng bahay ni Lolo.
"Iha, ibili mo naman ako nang biogesic."
"Sige po." Malamang masakit ang ulo niya dahit sa tita kong habling. Sama ko no? Masanay na kayo. Ganito talaga ako.
"Arf Arf." Sa paglabas ko nang gate bumungad sakin si Brownie. Common name na ng Dog no? Ewan ko ba sa kapatid ko. Ang payat ni Brownie.
Lumabas na ko at baka abutan pa ako ulit ng malakas na ulan, wala pa man din akong dalang payong.
"Pagbilan nga po ng Biogesic." Bungad ko sa tao sa tindahan.
"Uy, tignan mo yung nasa likod mo. Yung naka-kulay Black." Ano na naman ang pakana ni Jopay. Ako naman si uto tumingin sa likuran. Nakakita ako nang dalawang lalaki, yung una medyo matangkad naka yellow at katabi niyang mas maliit ng konti sa kanya naka Black. Black and Yellow! Balik naman ang tingin ko kay Jopay.
"Anong meron?" Siguro tipo niya yung lalaki. Wala akong masasabi.
"Ang hot no? Itaas mo pa. Itaas mo pa! Daliiii." Hala, ang halay talaga nang baklang ito. Nakakasira sa Brain cells ko ang kahalayan nito.
" Oy, Jepoy magtigil ka nga dyan" ani naman nang nanay niya.
" Type mo ba?"
" HA? Hindi eh. Sayo na. Di ko kailangan niyan. Biogesic ko?" sagot ko sa kanya na tila bored ako sa pinaggagawa niya. Inabot naman niya agad yung Gamot at binigay ko naman yung bayad ko tsaka naman ako tumakbo at pumasok sa loob ng bahay.
" Lolo"
".." Hindi ata ako narinig?
" Lo, ito na yung pinabibili ninyo." sabay lingon niya sakin. Hindi nga ata ako narinig kanina -.-" Inabot ko na yung gamot at pumasok sa Kwarto ko. Self-designed lang yung kwarto ko kasi maliit lang naman siya. Folding Bed tapos may damitan at study table yung electric fan ay wall fan. Walang bintana kaya kulob ang kwarto ko. MAy konting uwang sa taas tapos sa kabilang kwarto may bintana kaya may pumapasok naman na hangin sa kwarto ko. Ibang iba at kabaliktaran ang kwarto ko sa bahay ni Lolo sa bahay namin, dahil dalawa naman kami ng kapatid kong babae ang nagkwa-kwarto dun at may sariling Cr pa. Sosyal! Pero mas type ko pa din yung sa bahay ni Lolo, may background! Duon sa kwarto ko at sa pwesto mismi ng folding bed ko namatay si Lola. Hindi naman ako natatakot kasi naman, wala akong atraso dun kaya hindi sakin magpapakita yun.
Pumunta ako sa bahay dahil kadadating lang ni Daddy daling Saudi. Vacation niya ngayon. Ayun ang daming bata samin kasama na ang mga kapitbahay na bata. Nanonood sila ng Paul, kasisimula pa lang kaya nakinood na din ako kahit na hindi ko hilig. Habang nanonood kami ay kumakain kami ng Vcut. Lol.
" Aina. guto ko tokolet." ( Ate Sefina, gusto ko tsokolate) HAHA. Si Bon Jacobs. Bunso kong kapatid, bulol pa din kahit na 4 years old na.
"Bawal Bon. Later na lang ha?" Halata mo sa mga mata ni Bon na paiyak na siya. Spoiled kasi kila Mommy kaya ganyan. Hayaan ko nalang kaya? Nandiyan naman si Mommy.
" Plet." (Please). Aba, saan natuto mag pout ang batang ito? Paawa effect?
"Oo na. Pero isa lang ah." Tumango naman siya, ako naman pumunta sa kusina at kumuha ng cadbury flakes at kumuha na din ako ng isang basong tubig. XD Ipapainom ko sa kapatid ko yun. Evill. Pero Joke lang.
"Oh. After eating the chocolate. Drink this water. Okey?" inilapag ko yung water sa side Table na malapit sa kanya. Tumango lang siya as a response.
Nga pala, Ako si Sefina Lorrie Fontanilla, 17 years old na at 2nd Year College na. May tatlo akong nakababatang kapatid. Yung sumunod sakin si Sean Lorenz Fontanilla (12 years old) First Year High School, at yung ikatlo si Sophie Lorraine Fontanilla (8 years old) at nasa ikatlong baitang na sa elementarya. Napansin niyo na iba yung name nung bunso namin no? Next time ko na kwento kung bakit. Concentrate muna ako sa pinapanood namin.
" Nak, Alis muna kami ng daddy mo. Ikaw na bahala dyan sa mga kapatid mo ah." Okeyy, Babysitter, as usual.
" Oh, sige po. Uwi ko ah. XD"
" O'sige. Text niyo nalang ako kapag may gusto kayong pabili."
"Opo dad." Nag kiss na ako. Hindi na nakapag paalam sila Daddy sa mga kapatid ko kasi nagmamadali sila at ayaw nilang makita sila ni Bon at baka umuiyak at sumama pa. Bumalik na ko sa Pwesto ko.
*Kung ako ba siya, mapapansin mo.. Kung ako ba siya, mamahalin mo? Kung ako ba siya mapapansin mo?" - Ringtone ko.
" Hello?"
" el, punta ako dyan!"
" O'sige. Kalapit mo lang may patawag tawag ka pa. Yaman talaga!"
" tot tot* Ang bastos talaga binabaan pa ko.
BINABASA MO ANG
Heartprints
Teen FictionThings in life are difficult as we all know it. Problems always came for every reason that we will know in the future. A girl that hopes for his perfect match and a guy that hopes for his unperfectly perfect princess. Do the two people meet for no r...