21

403 13 4
                                    

                 DENNISE POV

"Love ikaw nalang ang iniintay nila sa loob, hindi pa ba tayo papasok don? Baka nandon na din mommy at daddy mo" sabi ko kay Aly . Kanina pa kase kame dito sa kotse nya nakaparada ito sa tapat ng bahay nila, bahay nila Lolo Anton.

Nung nasa condo kase nya kame tinawagan sya ni Ate Alexa may mahalaga daw na pag uusapan sila kasama ang parents nila.. nung una ayaw pa nya pumunta dito kung hindi ko lang sya kinausap hindi talaga sya pupunta dito.

"Pero.. love" marahan nyang sabi. Alam ko naman na parang hindi pa sya handa harapin ng mga magulang nila pero ramdam ko kay Aly na gusto nya din itong mangyayari ngayon.. Na makita ang buong pamilya nya.

"Wala naman mawawala kung mag uusap man kayo, love" sabi ko at hinawakan ko ang pisngi nya at ngumiti sakanya.

Hindi naman ako nabigo ng makita ko syang napangiti kaya mas lalo ako mapangiti sakanya.

"Sasamahan mo ko, Love. Dito ka lang sa tabi ko" natawa naman ako ng mahina dahil parang bata kase sya ng sabihin nya iyon.

"Opo baby boy ko" natatawang sabi ko kay Aly at mahinang kinurot sya sa pisngi nya tsaka ko sya ginawaran ng isang mabilis na halik sa labi.

"Tara na.. Kanina ka pa nila iniintay sa loob" sabi ko.

"Yes my love" sabi ni Aly at lumabas na nga kame sa kotse nya.

Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng bahay nila. Hindi mo talaga iisipin na bahay lang ang tawag mo dito dahil sa laki at ganda ng loob nito.

-----

                        ALY POV

"Nandyan kana pala apo, nasaan si Dennise?" sabi ni Lolo Anton ng makarating ako sa living room.

Nandon din si Ate Alexa na nakaupo at busy sa ginagawa nya sa cellphone nya nandito din ang magulang namin. Nag mano ako kay lolo at bumeso naman ako kay ate bago sagutin ang tanong ni lolo saken.

"Nasa kitchen po si Dennise Lo, dun daw po muna sya kila manag fe" sabi ko at umupo na din sa tabi ni Ate Alexa.

Katapat namin ang magulang namin ni ate. Bumalot ang katahimikan dito sa living room naka'y walang gustong mag salita .. Buti nalang si lolo na ang bumasag ng katahimikan dito.

"So.. Diba gusto nyo silang makausap kaya nandito kayo" sabi ni lolo kila daddy.

Tungkol saan naman kaya iyon? Buti nalang hindi nila kasama ang hilaw na anak anakan nila na si John kung nandito yon baka maulit yung nangyare sa party. Hindi ko parin nakakalimutan yung sinabi nya kay Dennise, sa girlfriend ko. Wala syang respeto sa mga nakapaligid sakanya.

"Tungkol saan at kung baket kailangan nyo kaming kausapin ni Alex?" tanong ni Ate Alexa sa magulang namin.

"Alam namin na galit kayo saamin ng daddy nyo at alam namin na ayaw nyo na samin pero anak.. Gusto namin ulit kayo makasama ng daddy nyo, alam naman namin na may pag kukulang kame sainyo anak" sabi ni mommy.

Nakatungo lang ako habang nag sasalita si mommy. Ayokong tingna sya alam kung pag tinignan ko sya ay baka bigla mawala agad agad yung galit ko sa kanila. Iintayin ko muna sila na mag salita pa at mag paliwanag saamin nila Ate.

"Kayo din naman ang may kasalanan kung baket umalis kame at nag watak watak tong pamilya na to" sabi ni Ate Alexa.

"Binigay lang namin yung atensyon bilang magulang kay john alam naman nating wala na syang magulang, wala ng nag aaruga sakanya." --Daddy.

"Okay lang naman samin kung bibigyan nyo ng atensyon si John pero halos lahat ibinigay nyo sa kanya. Hindi nyo ba alam na may anak din kayo, kame ang dapat na mas bigyan nyo ng atensyon kase anak nyo kame, kame ang tunay na anak. Kailangan din namin ng atensyon nyo. Kami mismong anak nyo hindi nyo na makuhang bigyan ng atensyon, aruga, kailangan din naman namin ng kalinga nyo bilang magulang. Hindi yung ibagay nyo lahat lahat sa John na yon." --Ate Alexa.

AD HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon