Ang kwento ng isang torpe.

166 1 1
                                    

 

" haaaaay ! " nandito ako ngayon sa isang bench. nag iisip kung paano ako makaakwala sa pesteng sakit ko. anong sakit ko? well common sya sa mga lalaking coward. ang katorpehan syndrome. di ko kase maipagtapat sa long time bestfriend ko na si Yza na mahal na mahal ko sya eversince. palage akong binibigyan ni GOD ng mga chances, pero lahat ng chances na yun sinasayang ko lang kase ng natotorpe ako. natatakot kase ako ng baka kapag nagtapat ako sa kanya eh ireject nya ako o kaya naman layuan nya ako. minsan nga parang gusto ko nalang magpasagasa sa tren o kaya truck dahil sa katorpehang meron ako. napatingin naman ako sa paligid ko nang may mahagip yung mga mata ko. si Yza, papunta sa sya dito.

 

"Zac!" nakangiting sabi nya.

" h-hi Yza. mukang masaya ka ata ngayon ah?" tanong ko.

"may good news ako sayo." kinikilig na sabi nya.

"ano yun?" i asked in confusion

"alam mo ba? si Jigger? yung long time crush ko? nililigawan na ko ! " sabe nya sabay yakap saken. tama ba yung narinig ko?

"h-ha? k-kelan pa?"

"kanina lang sya nagpaalam saken. haysss ! kinikilig ako !"

 

ouch. </3 dahil sa katangan, kabagalan, kapalpakan at katorpehan ko, mukang mapupunta na sa iab yung babaeng mahal ko.

 

"n-nice to hear that.'' i fake a smile. " ahm si-sige Yza, alis na ko. malelelate na ko sa next class ko eh. bye."

"bye Zac." nag wave naman sya saken.

 

 

 

God? wala na ba talaga akong pag asa? hindi ko na ba talaga maaamin sa kanya na mahal na mahal ko po sya? hays. halos boung araw akong tuliro habang nagkaklase. naiiyak ako na ewan. masaket kase. parang gay man tignan pero wala akong magawa. tao lang din naman kameng lalake. hindi lang talaga namen pinapakita na nasasaktan kame para di kame mag mukang mahina. nang matapos na yung klase, pumunta ulit ako doon sa bech kung saan kame nag usap ni Yza kanina. habang nagmumuni muni ako, nagvibrate yung phone ko.

From; Yza

hey? san ka?

 

Lord god. kung eto na po yung pinaka last chance na ibibigay nyo saken. salamat po. nireplayan ko sya.

 

To:Yza

here sa bench. punta ka dito. may sasabihin ako.

bahala na mamaya. kahet mareject ako oakay lang. at least nasabe ko na. maya maya, nakikita ko na sya na papalapit saken.

"Zac? ano ba yung sasabihin mo?" sabe nya at saka umupo sa tabi ko.

[now playing:ordinary song]

bumuntong hininga muna ako bago nagsalita. "Yza. promise me one thing. ako lang muna ang magsasalita. makinig ka muna. okay?"

"Zac --"

"please?" she just nodded. okay eto na. " Yza? alam mo ba na nagsisisi ako kase ang dame ko ng pinalagpas na pagkakataon para lang masabe ko sayo to? ayoko naman guluhin yung happiness na nararamdaman mo ngayon kase alam kong malulugkot ka." i gave her a weak smile.

"ako naman tong si tanga, kung kelan naman huli na, tsaka naman ako nagtapat. pero kase kung di ko sasabihim to, baka di na mauubos ang 'sana" sa utak ko. mahal kase kita Yza. mahal na mahal." napayuko na ko. di ko na kase kaya. nagulat naman ako ng bigla nya akong yakapin.

 

" haaaaayyy. ang bestfriend ko talaga. akala ko di mo na gagawin yan eh." ha? ano daw?

"w-what do you mean?"

" tinetest lang kita kanina. akala ko nga di ka bibigay eh." she chuckled.

"ibig sabihin--"

"mahal din kitang torpe ka."

 

 

 

 

 

 

~FiN :)

 

 

Ang kwento ng isang torpe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon