Miss Moving On (One shot)

301 11 0
                                    

Pag ba ang pag-ibig napasaw, katanggap tanggap?
Yon ba yong sinasabi nilang pera na, naging bato pa?
Naranasan n'yo na ba yon?

No way, hinding hindi ko mararanasan iyon ano! Ako pa ba?

"Bata pa kasi ako noong time na iyon eh. Sariwang puso, sisibol pa lang ang utak...no, I mean, kung magpapakulo ka ng tubig, hindi pa talaga kumukulo, papakulo pa lang. Did you get it?"

Napatango na lang ang kaibigan kong nakikinig sa explanation ko.

"Sino ba kasing nagsabi sa iyo na ibigin mo ang tulad niya? Di ka nag iisip."

"Worth it naman eh! Worth it naman lahat ng sakit. Hayaan mo na."

Napangiti na lang ako habang inaalala ko ang nangyari apat na taon na ang nakalilipas.

---

Harold De Monte

Nakatitig kaming lahat sa pangalang isinulat ng aming guro sa Philippine History.

Pangalan n'ya yan. Di na lang sabihin, may paeffect pang ganyan.

I am a freshman student and heto ako ngayon, nakatitig at parang wala sa sarili. Wala naman kasi sana kaming class ngayon dahil summer, buwan ng Abril. Kaso may summer class lahat ng first year, tatlo ang subject na meron kami kaya no choice!
Pero nang inihampas niya ang kanyang kamay sa pisara, agad nagising ang diwa kong kani-kanina lang ay mahimbing na natutulog.

Hmm, hindi naman mahimbing na natutulog, pero parang ganun na nga. Wala na akong ganang kalabanin pa ang sarili ko. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa harap.

Maya-maya pa, napamura talaga ako sa isip ko dahil sa narinig ko.
Nagmura yong teacher namin. Yep! Nagmura siya ng napakalutong na PI.

Tsangina! Guro ba talaga ito?
Sabagay, ganun naman sa college. May mga gurong birsukol, di pumapasok pero mas makapal ang mukhang magbigay ng tres kahit lagi kang present at kahit todo effort ka naman. Diba? Err.
Ganun lang ng ganun ang mga pangyayari tuwing biyernes, sabado at linggo. Tatlong araw sa loob ng isang linggo lang kasi ang sched namin sa Philippine History. Mabuti naman tatlong araw lang diba? Pero halos ikamatay ko na ang mga kaganapan sa loob ng tatlong araw na iyon.

Terror kasi ang teacher naming si Harold. Five times magparecitation sa loob ng isang araw, hindi yong usual ah. Gusto nya pag magrerecite ka, dapat makaabot ka ng kulang-kulang five paragraphs with ten sentences each.

Pero naiba lang ang takbo ng klaseng iyon nang....

"Miss Red Sandoval! Umupo ka na lang. Sa susunod, ugaliin mong magbasa. Hindi dapat binabalewala ng history! Ang past."

Matatawa pa sana ako sa sinabi niya dahil parang gusto pang humugot ni sir, kaso mas pinili kong umupo na lang agad dahil sa seryoso niyang pagmumukha.

Past na nga diba? Hirap sa mga tao, binabalikan pa ang mga walang kwentang pangyayari.

O ayan, tama na! Tama ka na Sir!
Katatapos ko lang magrecite non, halos sigawan nga ako ni Harold dahil hindi ko masagot ng maayos yong tanong niya at hindi ko maidiscuss ang topic na kailangan kong ipaliwanag sa buong klase. Oh yeah, medyo mahinahon pa yong pagkakasabi niya kanina.

Malay ko ba naman kasi sa mga expedition na yan!

Lolo nga ng lola ko, hindi ko inaalam, yan pa kayang mga expedition na iyan!?
Aba'y sobra naman.

Busy ako murahin sa loob-loob ko ang bwesit na lalaking hindi naman marunong magturo ng history nang maagaw ang atensyon ko ng babaeng pumasok at diretsong umupo sa likod.

Miss Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon