Tahimik lang akong nakaupo rito sa round table kasama ang ilang kaklase namin no'ng college.
"Sayang, Karlo. Akala ko pa naman kayo ang magkakatuluyan." Sabi ni Rom, isa sa mga tinuturing kong malapit na kaibigan sa room no'ng nag-aaral pa kami.
Ngumiti na lamang ako bilang tugon.
Akala ko rin kasi eh..
Pero, nagkamali ako.
Dahil hindi lahat ng maganda ang umpisa, maganda rin magtatapos. Katulad na lamang sa sitwasyon namin ni Ynah.
"And now, let's hear a congratulatory speech from the bride's childhood bestfriend, Mr. Karlo Tejada."
Nagpalakpakan naman ang mga tao kasabay nang pagtayo ko mula sa upuan. Naglakad ako papunta sa stage at kinuha ang mikropono sa emcee. Tumingin ako sa dalawang nasa gilid ng stage... si Harold na kaklase rin namin ni Ynah no'ng college, at si Ynah mismo...
Ang bestfriend ko na mahal ko simula pa lang.
Tumikhim ako at saka ngumiti. "Uhm, hello?"
Nakita kong ngumiti si Ynah at halos nagtawanan naman ang karamihan sa mga tao sa reception ng kasal na 'to.
"Hindi ko na 'to mas'yadong pahahabain. Ayoko naman maging madrama dahil moment n'yo itong dalawa. Harold, hindi kita ka-close no'ng college kaya hindi talaga kita gano'n kakilala. Pero, alam kong mahal mo si Ynah kasi hindi naman kayo hahantong sa gan'tong sitwasyon kung hindi, 'di ba? May iilang bagay lang akong hihilingin sa'yo na alam ko namang gagawin mo kahit hindi ko sabihin..."
Tumigil ako saglit, tumingin kay Ynah at saka ngumiti ng kaunti. Binalikan ko ng tingin si Harold. "Alagaan mo s'ya ng mabuti, ha? 'Wag na 'wag mo s'yang sasaktan. Make her happy always, and love her unconditionally, eternally. I'm wishing you both a happy life, and happiness all throughout the upcoming years." Napansin kong nagpupunas ng luha si Ynah kaya naman pinigilan ko ang sarili kong maiyak din no'ng mga oras na 'yon.
"And for you, Ynah... you know how much I love you, right? Wala na akong hihilingin pang iba kun'di makita ang mga ngiti sa labi mo. Gusto ko masaya ka palagi, dahil sa paraan na 'yon din ako sumasaya. So, be happy always. Be happy with Harold, and make the best out of your lives. Congratulations sa inyo." Ngumiti ako sa kanilang dalawa at saka iniabot ulit ang mikropono sa emcee.
Naglakad na ako palabas. Palayo sa lugar na 'yon. Paalis sa buhay ni Ynah.
-----
Harold's POV
Thirty minutes after ng speech ni Karlo ay napansin kong balisa na si Ynah. Panay ang tingin n'ya sa mga tao na tila ba may hinahanap s'ya.
Lolokohin ko ang sarili ko kapag sinabi kong hindi si Karlo 'yon. Alam ko naman, una palang. Pero, natatakot din ako na mawala sa akin si Ynah dahil matagal ko na s'yang gusto.
Ano nga ba ang uunahin ko? Sarili kong nararamdaman, o nararamdaman ng mahal ko?
Tumayo ako bigla kaya naman napatingin sa akin si Ynah. Tinignan ko s'ya at saka ako ngumiti.
"Halika? Samahan mo muna ako saglit sa may hall." Malambing na sabi ko sa kan'ya. Inalok ko ang kamay ko na kinuha n'ya rin naman agad para matulungan ko s'yang tumayo.
Nang makarating kami sa hall ay hinawakan ko na ka'gad ang dalawang kamay n'ya.
"Ayokong maging selfish, Ynah. Alam mong mahal na mahal kita at gusto ko rin ay masaya ka. Iniisip ko kung totoong sasaya ka ba sa piling ko, pero nasasaktan ako kasi una palang alam ko na ang sagot do'n."
"A-ano ba ang s-sinasabi mo, Harold, ha? Wala akong maintindihan..." sabi n'ya. Tumutulo lang ang luha n'ya.
"Tignan mo nga. Wala pa nga tayo halos nasisimulan, umiiyak ka na rito sa'kin. Tahan na... ayokong umiiyak ka." Pinunasan ko ang mga luha sa mata n'ya. Then, I patted her head.
Hinawakan ko ulit ang kamay n'ya, at tinignan ang singsing na isinuot ko kanina sa daliri n'ya. I sadly smiled as I slowly remove it from her ring finger.
"H-harold? A-anong ginagawa mo??" Tarantang tanong ni Ynah sa akin.
Nang matanggal ko na totally ang singsing ay humakbang ako ng tatlo palayo sa kan'ya. I tried my best to smile.
"Run, Ynah. Find your happiness."
Natigilan s'ya sa sinabi ko at nakita ko kung paano ulit pumatak ang mga luha sa mata n'ya. She mouthed "Thank you", and went out of the hall.
Out of the place.
Out of my life.
Totally... forever... eternally.
- E N D -
YOU ARE READING
Love = Sacrifice (One Shot)
FanfictionOut of the place. Out of my life. Totally... forever... eternally.