You Belong With Me [Chapter 49: Always and Forever]

1.1K 16 9
                                    

Jasmine's POV

Birthday ni bestfriend ngayon! Anong regalo ko? SECRET! Hihihi. At ang pinaka-manang na babae sa lahat ay walang balak maghanda. Gawd. Ewan ko nga ba diyan sa babaeng yan! Sabi nga namin kahit man lang Yakisoba eh ilibre kami. Aba't gastos lang daw! Paki daw namin? Birthday lang naman. Hay naku! 

"Red!!!" Kukulitin ko lang siya. Hehe. Lam niyo na! I'm sure may regalo yan.

"What?"

"O chill ka lang! Ba't parang galit ka?"

"Eh wala lang. Badtrip. Di pa dumadating yung gift ko para kay Sab."

"KYYYYYYYYYYYYYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA~~~~!!!" Napatili ako! Hahaha! "OH MY GOD! SABI KO NA NGA BA BONGGA YUNG SAYO! KAILANGAN TALAGANG IPADELIVER!? ANO YAN CABINET!?"

"Aray ko po! Ang tenga ko! Secret! Sows. Kahit naman bundok ang iregalo ko dun di niya ma-aapreciate eh. Ano kayang regalo ni Cyrus? Sarili niya? :))"

"San galing yang joke mo? Sa pwet mo? Hay naku. Musta na nga pala kayo, Valerie? Kayo na ba? Sinagot mo na?"

Biglang kumunot ang noo niya. Haha "Funny. San galing yang joke mo? Sa pwet mo?"

Inasar ko lang siya nang inasar. Eh kasi nakakatuwa sila ni Valerie eh. Gusto niya ngang mainis minsan pero hindi niya daw alam kung seryoso si Valerie o hindi. Hindi niya daw magets. Distraction daw sa buhay. Di siya makapag-aral ng mabuti.

"Aaaayyyiiieee~ Diyan nag-uumpisa yan." Panalo strategy ni Valerie ha! Makahingi nga ng tips minsan.

"Ayie pala ah!" *hampas ng notebook sa ulo ni Jas*

"Masakit yun ah!"

"Mahilig makialam ng love life ng iba paano kasi siya wala!" sabay pasok sa classroom nila. Da hel.

Medyo na-bore naman ako sa loob ng room namin. Recess kasi ngayon at wala si Sab dahil may pinagawa yung teacher namin. Sila na active! Anyway, I'm super bored na talaga kaya lalabas na sana ako ng classroom ng biglang pumasok si Cyrus. Eeeeeehhh. Awkward. Kami lang dito.

"Hi Cyrus!"

"Hi Jasmine." Suplado talaga kahit kelan.Hmp

"Anong regalo mo kay Sab? Birthday ng best friend mo ngayon di ba? Baka kasi nakalimutan mo dahil nagpi-PMS ka na naman. You know, baka nage-expect yung best friend mo for so many years. Palibhasa duwag ka. Che!"

"Pucha! Jasmine! Ano bang problema mo?" Paktay tayo diyan! " Nananahimik yung tao dito eh. Ano bang gusto mong palabasin? Sino ba ang may kasalanan kung bakit kami ganito ngayon? Sino ba ang unang nagsinungaling? Nak ng tokneneng." Nagalit ang lolo Cyrus niyo! Di ko carry!

*hingang maalim* "Cyrus, sabihin na nga nating naglihim si Sab pero dapat mo siyang intindihin di ba? Bawal bang magkamali? Kailangan ba sabihin niya sayo lahat? Sino ka ba, Cyrus? Anong karapatan mong magalit ng ganyan? Boyfriend ka ba? Pinagsabay ba kayong dalawa ni Red? Hindi naman di ba?" Nung nabanggit ko yung boyfriend biglang kumunot yung noo niya at nung Red naman ay he clenched his fist! Katakot lang po! Pero back to the ball game!

"Sabihin mo nga sa akin nang maintindihan ko! Please lang! At alam kong mainit ang dugo mo kay Red pero anong magagawa natin kung sila na? Nasaan ka ba kasi nung mga panahon na tumitingin na si Sab sa iba?" Yumuko siya. Yiiiiiieee~ Anong meron? Narealize niya na? Dang tagal naman nun ah! "Busy ka sa iba! Tapos ngayon magagalit ka kasi yung taong dati ikaw yung center ng mundo eh bigla na lang hindi na pala ikaw. Iba na at what's worse eh sa taong ayaw mo pa. Ayaw mo ba kay Red dahil ayaw mo lang sa kanya o dahil gusto niya si Sab at ramdam mong gusto din siya ni Sab? Wow. Possessive ka pala Cyrus." Actually knakabahan talaga ako pero para matapos na itong ka-echosan na ito! Gora lang! Ako na lang kasi ang matino sa kwento na ito! Ako lang walang lovelife eh! Bwisit

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon