The Dreamer

16 0 0
                                    

"Ako ay 10 taon pa lamang ng maghiwalay ang mga magulang ko. Si Papa ay isang American at si mama naman ay Pilipino.lumaki ako sa alaga ni mama simula nang umalis si Papa papuntang Amerika, may dalawa akong nakababatang kapatid na lalaki at ako ang nagiisang babae lumaki akong independent at maaga namulat sa hirap ng buhay, 17 yrs old ako simula nangnagtrabaho ako bilang isang modelo sa mga magasin pandamit at minsan naman ay paextraextra ako sa mga commercial o palabas Wala akong ibang inisip kundi ang Future namin ni Mama at ng mga kapatid ko, Masaya na si mama ngayon sa piling ng aking step father kaya naman hindi mapigilan pumasok sa isip ko kung masaya na rin ba ang Papa ko sa Amerika, kung may kinakasama na siya o kung may mga kapatid rin ba ako sakanya. minsan naisip ko kung kilala pa ba ako ni Papa at ngayon nasa tamang edad na ako nagsisiskap ako para makita muli si Papa ,Ako ay nangangarap namakarating sa Amerika..... "   

Napatigil magsulat si Chloe nang marinig ang kanyang Mama.

"Chloe, anak bumaba kana dito at mag almusal" Sigaw ng mama ni Chloe, Si Chloe ay nagmamadaling bumaba ng kwarto para mag almusal at hindi tinapos ang kanyang isinusulat, "Ma, baka ma-late pala ako ng uwi kasi pag tapos ko magphotoshoot , may on-call ako para sa taping ng commercial, Sayang yun ma e" Nag sisikap si Chloe na magdoble kayod para makaipon at makapunta sa Amerika ngunit lingid sa kanyang kaalaman na mahirap makarating roon. 

Pinigilan naman siya ng mama niya na huwag na munang tumuloy sa photoshoot dahil sa pagaalala.
"Ano kaba naman anak anong oras ka na naman makakauwi, masayado mo naman pinapagod ang sarili mo, baka kung ano naman ang mangyari sayo anak hindi paba sapat ang sinasahod mo kapag nanalo ka sa mga Pageant, hindi ka na nga nagtapos ng pag-aaral para lang makapagtrabaho, Ano ba talaga ang binabalak mo anak?"

Hindi maiwasan ng mama ni Chloe na itanong ang kanyang binabalak dahil sakanyang pagsisikap.

"Ma, Alis na po ako gusto ko lang makaipon para makapag aral sa private schools ang mga kapatid ko, wag po kayo masyado mag alala ma, malakas pa ko sa kalabaw at uuwi ako pag tapos ng taping. Loveyou!" Hindi tinapos ni Chloe ang kanyang almusal at lumabas na kaagad ng bahay dahil isinisikreto niya sa kanyang ina ang kanyang plano na umalis at hanapin ang kanyang Ama sa Amerika. 

(At Taping)

Nagpapahinga sa taping si Chloe ng marinig niya ang pinagkkwentuhan ng mga kasama niya. Nakaupo ang grupo ng mga babae kung saan malapit na nagpapahinga si Chloe
"Uyy girls, Yung kapatid ko kukunin na ako para mag migrate sa US, pero mahaba haba pa pala ang proseso dahil 21 nako 10 years pa raw ang aantayin ko para maayos yung mga documents ko."

Dahil sa narinig ni Chloe tila ikinagulat niya na hindi pala ganoon kadali makarating sa Amerika mas lalo pa siyang lumapit at nakinig sa grupo, "nako girl, kung ako sayo mag apply ka nalang ng trabaho sa US Thru Online para makarating ka kagad dun, yun nga lang dapat may backer ka o kaya magaling ka talaga kaya goodluck!" Sa Sobrang bahala ni Chloe sa kanyang mga narinig di na niya naitapos ang Taping at umuwi kaagad.

Pagkauwi ng bahay, naabutan niyang gising ang kanyang mama at step father habang nanonood.. 

"O anak aba at ang aga mo akala ko ba ay gagabihin ka? Nag hapunan ka na ba?" Hindi pa rin mapakali si Chloe kaya ba dali dali niya kinausap ang kanyang mama."Di natuloy ang Taping ma tapos na rin po ako kumain, akyat nako ma. Goodnight po" pagkaakyat ni Chloe sa kwarto ay humiga agad at kinuha ang kanyang cellphone para maghanap ng kakilala na baka sakaling makatulong sakanya sa pagpunta sa America pero bigo siya at nawalan siya ng pag-asa kaya kinuha niya ang unan at paulit ulit na sinutok dulot na rin ng sobrang inis. 

" Ayan Chloe, Masyado ka naman kasi mataas mangarap sinabi ko naman sayo na hindi ka makakarating don, saka yung tatay mo di kana kilala non kasi kung talagang kilala ka pa nun aba'y sana manlang, ireach out ka kahit sa Facebook manlang! MANGARAP KANA LANG NG TULOG PARA DI KA UMASA CHLOE!"

Chloe's Diary: "The Hired Fan" (Tagalog-English version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon