Got home late last night...but here's an update....as promised:) njoy!
********************
Naninibago siya sa mood ni Hans parang ramdam niyang malungkot ito parang Nahawa tuloy siya. Kung kanina nagkukulitan sila ngayon naman parehas silang tahimik kaya ang awkward tuloy masyadong tahimik. Tumingin nalang siya sa labas ng bintana. Pinikit niya ang mata niyang sumasakit at ngayon niya lang naalala na di pa pala niya natatangal iyong contact lense sa mata niya ng ilang araw! naglagay lang siya kanina sa ospital ng solution sa contact lense saka niya ulit sinuot kahit gustong gusto na niyang tangalin pero hindi pwede dahil red alert siya ngayong at mahirap na baka mahanap nanaman siya, Buti naalala niyang dala pala niya iyong solution na nakalagay sa maliit na pouch niyang siya ring suot suot niya nung nakita siya ng mga panget na goons, nanghihinayang siya sa naiwan nyang paninda, kahit man lang sana eh nadala niya iyong napag bentahan niyang pera pero dahil minamalas nga eh naiwan niya dun sa matandang napagbilinan niya ng siya'y maihi muna saglit.
Dasal niyang huwag naman sana siyang mabulag sa suot suot niyang lenses dahil ramdam na niya ang panakit ng mata niya, naisip niyang baka siguro tuyo nanaman ito kaya ganun, sayang din iyon bigay sa kanya ni ate Fatima Pag bigla itong masira. Tinulungan siya kasi ng dalagang magtago kaya pina ayusan siya nito. pinakulay ang buhok niya saka pinagupitan at pinag suot din siya nito ng contact lense pero Minsan naman eh malalaking eyeglasses. Pero iyon ngalang nahanap din siya ng mga panget na iyon aksidente kasing nabanga niya iyong isa ng saktong papaya as na siya ng comfort room sa may palengke.
"Hey, are you okay?" Ramdam niya ang mahinang pagyugyog ni Hans sa balikat niya. Agad naman siyang dumilat pero agad ding napapikit bigla kasing sumakit iyong ulo niya. Huwag naman sana ngayon please lang mamaya kana umatake takte naman. Dati na niyang nararamdaman iyong pabigla biglang sakit ng ulo niya at kapag nangyayari iyon eh kadalasan nahihimatay siya. "Oo, medyo nahilo lang saglit pero ayos lang naman ako." Pagsisinungaling niya. Tinignan niya ulit iyong nakita niya kanina. Isang malaking mansion. Napakunot nuo siya, hindi niya alam pero bakit parang kinakabahan ata siya?
" you sure na okay ka lang? You look pale." Nag-aalalang tanong naman ni kuya Stan. Tumango lang siya saka ngumiti at muling tinignan ang bahay pero this time sa isang partikular na bahagi ng bahay lang siya nakatingin. May ilang Sigundo na siyang ganun ng sumakit nanaman bigla ang mata niya at medjo nanlalabo nanaman ang paningin niya pero di na niya pinahalata at pasimple nalang siyang pumikit saka tumingin sa dalawang magkapatid na ngayoy parang nawiwirdohan sa kanya.
"Baba na tayo?" Tanong niya sa dalawa napansin niya kasing sila nalang ang inaantay na bumaba sa sasakyan. Tumango naman iyong dalawa. Kaya pinagbuksan na sila ng pintuan ng mga bodyguards. Napahinga siya ng malalim at saka lumabas. "Welcome to our home Erin." Nakangiting bati sa kanya ng Mama nila Hans at kuya Stan. Parang gusto niyang umiyak sa oras na iyon sa hindi alam ang dahilan pero pinipigilan niya lang baka sabihan pa siyang OA mahirap na. "Salamat po." Nahihiyang sabi niya.
"Oh my!! Tristan apo, Are you hurt? Saan sabihin mo at gagamutin ni grandma." Napalingun naman siya sa pinangalingan ng boses na iyon. Nakita niyang may isang matandang nagmamadaling papunta sa kanila. "Grandma! Dahan dahan lang baka Mapano kayo." Natatarantang sabi ng. Magkapatid.
"Ikaw bata ka! Ano nanaman bang ginawa mo Stan ha? Naku Naku talaga." Nangigigil na sabi ng matanda kay kuya stan at kinurot kurot ito. Tatawa tawa naman ang binata habang sinasalo ang kamay nong matanda saka biglang itong niyakap.
"I missed you grandma. Di nanaman kayo nagsabi na darating kayo para nasundo ka namin." Paglalambing naman nito sa matanda gayon din si Hans.
"Oh no need, we're planning to surprise you guys, but unfortunately we became an I. Susunod nalang daw ang grandpa niyo." Sabi naman ng matanda saka pinaikot ang mata sa huling sinabi nito.
"Come here and give your grandma a hug Tristan." Sabik din na sabi ng matanda sa bata na ngayon naman ay tumatakbo papunta sa matanda. "Oh I was so worried. Bumigat ka ata apo." Masiglang sabi ng matanda at saglit na tinignan ng masama si kuya Stan. Dahilan para tumawa naman Si Hans at ang magulang nito. kinakausap ng matanda ang apong bibit niya ng matigilan ito. Matagal din itong nakatingin sa kaniya, di niya alam pero basta nalang siya napangiti sa matanda. Eto nanaman na iiyak nanaman siya pero syempre pinigilan niya ulit. Naisip niya kasi kung gano naman kaswerte tong pamilya na ito.
Gulat ang matanda sa hindi niya alam na dahilan. Lumapit nalang siya dito para magbigay galang. Pinunasan muna niya ang kamay niya gaya ng lagi niyang ginagawa, saka kinuha ang kamay nito saka nagmano pagkatapos ay nilagyan niya ng cross ang palad ng matanda at dahan dahang sinara ang kamay nito. "kaawan ka ng Diyos." Sabi naman ng matanda sa kanya.
Ngumiti siya saka tinignan ang matanda pero gulat siya dahil umiiyak ito. Nataranta naman siya pero bigla nalang ngumiti ang matanda. "Hija, ano iyong ginawa mo kanina pwede ko bang malaman?"
Nagtataka man siya kung bakit nagkakaganun ang matanda pero tumango nalang siya saka ngumiti. "Marka po para lagi niyong kasama ang panginoon sa lahat ng pagkakataon." Nakangiti paring sabi niya. "G-ganun ba hija salamat ha. Kabait na bata." Nakangiting sabi ng matanda habang mamasa masa parin ang mata niya. "If she's still with us I'm really sure that she's as big as you." Sabi nito.
"Ma she's the one who saved Tristan, her name is Erin." Nakangiting sabi ng mama nila Hans at pasimpleng suminghot. Napansin niyang mamula mula din ang mata ng ilan sa mga nandon.
"I'll be in my room I need to change my clothes first." Nakayukong sabi ni Hans at dirediretsyong naglakad. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanila. Tinignan nalang niya Si Hans habang naglalakad papalayo sa kanila. Ang lakas talagang manghawa ng mood swing nitong mokong na to Naisip niya.
Narinig niyang tumikhim naman Si kuya Stan. " err. I think we better get inside it's getting hot in here." Sabi nito at inakay nalang papasok ng bahay ang matanda. Samantalang ang mama nila naman ang humawak sa Braso niya at sabay sabay na silang pumasok sa loob. Ramdam niya ang init ng kamay ng ginang. Na-alala niya tuloy ang nanay niya sana mabuti ang lagay nito.
********************
Hey folks! Update later afternoon! Totoo na yan;) spread the word "Missing Reflection"! Yehey....okay that was lame haha.

BINABASA MO ANG
Missing Reflection (on hold/editing)
AçãoRoses for the scent of love, chocolates for the sweetness of affection and balloons for the long run......NANINIWALA parin ba kayo sa mga ito?...Well I do....CLICHE right?....for you but not for LOVE....there's no cliche in love...but in wrong choic...