Part 7

714 41 2
                                    

NAPATITIG si Xien kay Jadd nang mabungaran ang lalaki sa tapat ng pinto ng kubo. Kagigising lang niya at lalabas sana para magpahangin at magpaaraw. Naging habit na niyang gawin iyon pagkagising sa umaga bago maghanda ng almusal.

"Hindi ka pa umalis?" tanong ni Xien pagkatapos mapakurap. Sa lampas isang linggo nang nasa kubo, unang beses iyon na nagising siyang naroon pa si Jadd. Kadalasan, sa lunchtime na ito nagpapakita, may bitbit na pagkain para sa kanya. Kung hindi magsi-siesta sa balkonahe ng kubo, sa itaas ng paborito nitong puno o sa kubo ng mga kaibigan nagtatagal.

Hindi naging mahirap para kay Xien na mag-adjust sa bagong lugar. Hindi na rin kasi niya kailangang isipin si Jadd. Pakiramdam niya, ipinaubaya na nito ang kubo sa kanya.

"Paalis pa lang," sabi ni Jadd. "Gusto mong sumama sa labas ng village?" Napansin yata nito na mas gusto niyang nasa loob lang ng kubo.

"Saan ka papunta?" Unang beses din na nag-imbita si Jadd. Alam na ni Xien na ang motorsiklo nito ang gagamitin nila.

"Sa bayan. Kung may mga bibilhin ka, bilhin mo na ngayon."

Pinaghandaan ni Xien ang paglipat niya sa Owl Village kaya kompleto siya ng pang-isang buwang gamit. Kung may gusto man siya, fresh na prutas at gulay sa palengke.

"Safe ba tayo?" Naalala niya ang pakiramdam na may nagmamasid sa kanya habang magkasama sila ni Jadd. Ang lalaki lang naman ang alam niyang nag-a-a la stalker na niya. Kung may iba pang nagmamanman sa kanya bukod kay Jadd, hindi niya gustong bigyan iyon ng pagkakataong makalapit.

"Kasama mo naman ako, Xi." Marahang ngumiti si Jadd.

Umangat ang kilay ni Xien. Xi?

Ngumiti pa talaga ng nagpapa-cute ang bampira!

Tumalim ang tingin ni Xien. "Babaerong bampira," mahinang sabi niya, para kay Jadd lang. Huling-huli niya ang pagliliwanag ng mukha nito bago ang buong-buo at masiglang tawa.

"Maganda ka pa sa umaga, Mari—"

"Jadd!"

"Xien," pagtatama ni Jadd, ngingiti-ngiting nilampasan siya at pumasok sa kubo. "Labas ka muna, girlfriend. Maghuhubad ako pero puwede namang tumingin—" Hindi na nito natapos ang sinasabi. Nakalabas na si Xien at malakas ang ginawang pagsara ng pinto.

Sumagap siya ng hangin. Ilang minutong hinayaang tumama sa kanyang balat ang sikat ng papataas pa lang na araw. May ilang beses na napatitig siya sa sariling anino. Naalala niya si Abby na ngiting-ngiti, pinipilit tapatan at lampasan ang kanyang anino. Gustong-gusto ni Abby na nakikitang mas matangkad ang anino nito kaysa sa anino niya.

Napabuntong-hininga si Xien. Tumingala na lang siya sa maaliwalas na langit para pigilan ang mga luha. Nami-miss niya ang kapatid.

"Okay na ako, Xi," boses ni Jadd na nagpabalik ng tingin niya sa kubo.

Paglingon ni Xien, nakabihis na ang lalaki—all black na naman hanggang sa jacket at sapatos. Tahimik na bumalik siya sa kubo. Siya naman ang nagpalit ng damit. Nagsuot siya ng T-shirt na pinatungan pa ng long-sleeves, parehong puti. Ang jeans niya, super faded blue. Puti rin ang rubber shoes. Kung parang uniform na ni Jadd ang all black, siya naman ay mahilig sa puti.

Isinuot din ni Xien ang paboritong white cap para maitago ang humahaba na uli niyang buhok.

Paglabas niya, nasa harap na ng kubo ang motorsiklo ni Jadd.

"Xander!" nakatawang sabi ni Jadd na careless na nakasalampak sa lupa. Pagkatapos dumaan sa kanya ang mga mata, tumayo na ito, lumapit sa motorsiklo at kinuha ang isang helmet.

Hindi pinansin ni Xien ang maluwang na ngiti ng bampira. Mukha talaga siyang "Xander" kaysa Xien sa suot niya.

Pagdating niya sa tapat ng motorsiklo, iniabot ni Jadd ang helmet. Walang tanong-tanong na isinuot niya iyon. Hinayaan din niya ang lalaki na tulungan siyang maayos ang helmet sa kanyang ulo, at maging komportable siyang suot iyon.

"Okay na?" tanong nito.

Simpleng tango lang ang sagot ni Xien. Inihanda na niya ang sarili para umangkas.

Hindi iyon ang naging una at huling pag-angkas niya sa motorsiklo ni Jadd. Hindi niya namalayan na nasasanay na siya sa presence ng lalaki sa kanyang buhay. Puwede naman pala niyang pagkatiwalaan ang salita ng isang bampira.

At ang pinakagusto ni Xien, wala siyang maramdamang panganib na nagmumula kay Jadd. Ligtas ang pakiramdam niya habang nasa kubo at tulog, wala man si Jadd o nasa isang parte ito ng kubo.

Nang mga sumunod na linggo, kusa nang sumasama si Xien kay Jadd tuwing lalabas ito ng village. Sa pagsama-sama niya sa lalaki, paisa-isa na rin niyang nalaman ang mga ginagawa nito kapag wala sa kubo. Isa sa mga iyon, may mga tinutulungang tao si Jadd. Laging may binibigyan na senior citizens na groceries, prutas, at gulay.

Tahimik lang ang matatanda pagkatapos kunin ang mga dala ni Jadd. Ngiti lang ang reaksiyon. Napaisip man, pinigilan ni Xien ang sarili na magtanong. Matagal na niyang sinabi sa sarili na kung may dapat man silang pag-usapan ni Jadd, tungkol lang sa pamilya niya...

Jadd & Xien (Liwanag At Dugo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon