PANG-LIMANG ARAW na ni Cairlle sa ospital. Walang pasok kaya umaga pa lang e nandirito na kaagad si Iriah para bantayan siya. Pati na ang kambal na si Bryle at Bryce ay sinamahang bumisita si Iriah. Dalawang oras ang nakalipas ay may bago na naman siyang bisita, si Frahn at si Fhaust.
Bukas na bukas din ay pupwede ng idischarge si Cairlle sa ospital dahil kinakailangan na lang niya itong ipahinga. Kasi kung magtatagal pa siya sa ospital, edi goodbye wallet, hello walang laman ang magiging lagay nila.
Masaya silang nagkukwentuhan sa loob nang biglang magtama ang mata ni Bryle at Bryce at agad na tumango ang dalawa. Tumayo sa kinauupuan niya si Bryle at dumapo ang paningin niya kay Frahn.
“Anlei, right?” At agad namang tumango si Frahn. Sinenyasan niya ito na lumabas kaya agad din itong sumunod sa kanya.
Maangas na tinignan ni Bryle si Frahn. Alam mo ‘yun? ‘yung pa-cool na moves tapos may pa lagay-lagay pa ng kamay sa bulsa ng pantalon. Like ganern. Hehe. No’ng makaramdam ng ilang si Frahn ay saka pa lang siya nagsalita.
“So, bakit niyo po ako gustong makausap?” Seryosong tanong ni Frahn. Tumaas ang isang sulok ng labi ni Bryle sa tono ng pananalita nito.
“Ikaw ba ‘yung tinutukoy ni Deine na lalaking may apat na mata?” Nakangising tanong niya sa lalaki. Wait, bakit siya nakangisi? Nakita niyang kumunot ang noo ni Frahn. Hindi niya lasi naintindihan ‘yung sinabi ng lalaking nagtatanong sa kanya.
“Pardon?”
“Ikaw nga. Nasa aura mo ang vibes ng mga nakakaaway ni Deine. Hahahahaha. Ang galing pumili ng tadhana ah. Pero matanong nga kita.” Sumeryoso ang itsura ni Bryle.
“What is it?”
“Kilala mo ba ang nagugustuhan ni Deine ngayon? Pansin ko kasing sabog siya lately at wala sa sarili. Baka lang naman.” Ngumiti si Bryle ng bahagya. Pero sa likod no’n ay nakabungisngis na siya. ‘Kaaway na, crush pa. Jackpot ka, Deine!’ Aniya sa isipan.
“Ah, oo. ‘Yung pinsan ko. Nahuli ko kasi siya one time na namumula ang mukha no’ng nagkaharap silang dalawa e. Kilig na kilig pa nga siya e. Tsk.” Asar na sabi ni Frahn. Tumaas naman ang kilay ni Bryle.
‘Selos ka lang, e!’
“Really? To be honest, you’re wrong.” Ani Bryle.
“What?”
“Iba ang tipo ni Deine. I know it, trust me. Nagkakamali ka dahil wala siyang gusto sa pinsan mo kaya no worries. Huwag ka na magselos!” Sabi ni Bryle saka tumawa ng malakas. Baliw, lahat sila mga baliw!
“Magpinsan nga kayo ni Iriah, parehas kayong baliw!”
***
Noong nakaraang tatlong buwan e nakagraduate na sina Cairlle, Frahn at Fhaust ng Senior High.
At syempre bilang kaibigan, masayang-masaya si Iriah.
At dahil magcocollege na sila ay naghanap na sila ng eskwelahang papasukan. At nalungkot si Iriah sa ideyang iyon. Nasanay na kasi siyang nandiyan sila sa tabi niya. May malapit naman na university sa school nila pero wala doon ‘yung gusto nilang kurso.
Minsan na ring pinagbantaan ni Iriah si Mirai na kung iiwan at sasaktan ni Mirai si Cairlle ay hinding hindi siya magdadalawang isip na saktan ang babae kahit na kaibigan niya pa ito.
Isang araw ay inanyayahan ni Mirai sina Iriah, Cairlle, Frahn at Fhaust para magbonding. Pero hindi talaga iyon ang motibo niya sa pag-anyaya.
“Minna, baka ito na ang huli nating bonding. I’m leaving.” Malungkot na saad ni Mirai habang nakayuko. Bigla namang kumunot ang noo ni Iriah.
“Is it because of me?” Seryosong tanong ni Iriah kaya gulat na napatingin sa kanya si Mirai at may pagtatakang tinignan siya ng iba.
“No, no, no! It’s not because of you! Pinapabalik na ako ni Oto-sama sa Japan. Baka do’n na rin ako mag-aral. But don’t worry! Magvivideo call naman tayo e!” Ngusong sambit ni Mirai.
“Ah, aalis ka rin. Iiwan mo rin ako. Ikaw na nga lang ang natitirang ka-close ko na kabatch ko e, pero iiwan mo rin pala ako katulad nila." Malungkot na wika ni Iriah. Napangiti naman si Mirai sa nakita niya kaya agad niyang dinamba ng yakap si Iriah at natawa.
***
Nakatitig lang si Iriah sa gitarang nakalapag sa desk niya. Wala lang, masama bang tumitig dito?
Bagot na bagot na siya. Wala siyang makausap. Wala na ‘yung bestfriend niyang si Cairlle at ang dalawang mokong na sila Frahn at Fhaust. Nasa ibang school na kasi ito. Isama mo pa si Mirai na nasa Japan na.
Grabe lang ‘yung lungkot na dinadanas niya ngayon. Kawawang Iriah.
Isa pa ‘yung wala siyang kausap sa classroom niya dahil ilag sa kanya ang lahat.
Kung sana hindi na-reshuffle ang pagsesectioning, edi sana kahit papaano ay may makakausap siyang Sage.
“Miss,”
Nakatitig pa rin si Iriah sa gitara niya. Tila walang pakialam sa mundo.
“Miss, ‘yung notebook niyo po.”
Sobrang nalulungkot na siya. Dalawang buwan magmula ng first day of school e iniiwasan na talaga siya ng lahat.
Nagulat na lang siya ng may humawak sa balikat niya kaya tinitigan niya ito ng masama.
“What!?” Inis na bulyaw nito sa babaeng humawak sa balikat niya.
“Ah-eh Miss, ‘yung notebook niyo po kasi.” Ani ng babae kaya agad na dumapo ang tingin niya sa notebook na hawak ng babae. Agad na lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at tipid na ngumiti.
“Salamat.”
Mabilis na naghugis puso ang mata ng babaeng nasa harapan niya kaya medyo napangiwi siya. Nagulat naman ang mga kaklase niya sa nasaksihan.
“Ngumiti siya.”
“Nagpasalamat din siya.”
“Huwag kayong magpapalinlang. Nagbabalat-kayo lang ang babaeng ‘yan.”
“Pero pre, ang ganda niya talaga ‘no?”
“Sa likod ng ganda niya e mapanganib talaga siya!”Hindi iyon bulong para kay Iriah dahil dinig na dinig niya iyon ng mas malinaw pa sa mata niya kapag nakakakita ng mga nakasalamin pero ipinagsawalang bahala na lang niya ito.
“I’m Aij Enaria Cruz. Nice to meet you, the Notorious Lady Bernadeine Alcantara.”
Napaawang ang labi ni Iriah dahil sa babaeng nagngangalang Aij, dahil sa weirdness nito.
“You’re weird.” Aniya.
“I know.”
“Now you’re weirder.”
“I also know that.”
“Ah, you’re the weirdest.”
“Thank you.”
Natigilan ang lahat dahil ngayon lang may kumausap ng ganyan kay Iriah. Bukod kay Frahn na kinalaban si Iriah, si Mirai na biglang hinatak si Iriah at ito naman, ang kaklase nilang si Aij na naglakas-loob na kausapin si Iriah.
“The Notorious Lady is now lively again.”
•••
Aij (Ayj)
BINABASA MO ANG
Change of Hearts
Teen FictionFor him, she's the badass of them all. But for her, he's the clumsiest of the clumsiest. Meet Bernadeine Iriah Alcantara, but you can call her Bernadeine. You don't have the rights to call her Bernadita. Just Bernadeine. Kilala siya bilang sanggano...