" ι wιѕн ι coυld вe тнe perғecт daυgнтer "
вy, "мoana" нow ғar ι'll go.Trisha's POV
Kasalukuyan akong nakadapa sa aking kama, habang nag l-laptop at tinitignan ang mga update sa twitter account 'ko, btw. I'm Trisha Aligarves, 18 Years Old, nag aaral sa Roy---
*BLAAAAG*
"Lagi mo nalang ako pinapahiya sa school niyo! Trisha, Hindi kana bata! Dalaga kana dise-otso kana. Please be matured enough. Hindi kana bata!"
Pasigaw na pangaral sakin ni mommy, pero hindi ko ito pinapansin. Pasok sa isang tenga labas sa kabila ang aking ginagawa tuwing pinapagalitan niya 'ko.
"Manang-mana ka talaga sa tatay mo! Lagi nalang ako pinapatawag sa school niyo, dahil sa gulong pinaghihimasok mo! Stop acting like you're still a kid, Trisha."
Tinigil ni mama ang pagsigaw niya sa'kin, atsaka ako tinignan ng seryoso.
"'Wag mong gayahin daddy mo'ng iniwan na tayo"
Huling sabi ni mommy bago siya umalis sa kwarto ko.
Again, nag-aaral ako sa Royal Academy, mga mayayaman lang na nakakapasok do'n. May kaya lang kami ni mommy, nakapasok ako do'n dahil sa scholarship 'ko, nung mga panahong buo pa kami ng pamilya 'ko.
Nagsimula lang ako magloko simula no'ng iwan kami ni daddy at sumama sa ibang babae, do'n din nagsimula ang lagi ako pinagsasabihan, pinagagalitan dahil sa ugaling meron ako. Kesyo baka mawala ang scholarship 'ko sa pinag-gagawa 'ko.
Pero malaking epekto sa'kin ang paglisan ng papa 'ko at sumama sa ibang babae na buo ngayon ng pamilya, na sa'min ay ngayon sira na.
Meron akong isang kapatid, pangalan niya ay Thea Lhyn Aligarves, Siya yung laging pinupuri, binibigyan ng reward pag top 1 sa klase niya, 16 years old naman siya, dalawang taon ang tanda 'ko sakanya, minsan nagaaway kami. Pero siya kinakampihan kahit na siya ang nauna, lagi niya kong pinagtatanggol kay mama. Mabait siya sakin, pero karibal tingin ko sakanya
Sinarado ko na yung laptop 'ko at humiga ng maayos sa aking kama. Pinilit 'kong matulog kahit hapon palang, at kalimutan ang nangyari sa'kin ngayong araw at sa nakaraan ng pamilya 'ko.
Kinabukasan...
Pinilit 'kong magising ng maaga kahit na maaga ako natulog kahapon, feeling ko antok na antok pa 'ko.
Nag-inat muna ako bago bumangon, tumingin ako sa aking orasan sa gilid ng kama 'ko.
5:23 AM
ang aga palang pala, 8:30 ang pasok 'ko. Pero mas pipiliin 'ko maagang pumasok kesa mag stay sa impyernong bahay na'to.
Naligo na 'ko at nagbihis, nag-ayos. lumabas na 'ko sa kwarto 'ko ng nakita 'ko si mama sa kusina (hays, mas sanay ako sa mama kesa sa mommy, okeh?) Hindi 'ko siya tinapon ng tingin, dire-diretsyo lang ako hanggang sa makaabot ako sa pinto.
"Ayusin mo pag-aaral mo, ng may magawa ka naman maganda sa buhay mo"
Sabi ni mama habang nagluluto, hindi ko na siya pinansin. Binuksan ko na yung pinto ng bigla akong tawagin ng kapatid 'ko.
"Ateee! Sabay na tayoooo!"
Patakbong lumapit sa'kin si Thea at yumakap sa braso ko, hindi ko na siya pinansin.
Dumiretsyo na 'ko sa kotche ko na bigay sa'kin ni papa noong nascholarship ako.
Sumakay na 'ko sa driver seat, bubuksan niya na sana yung pintuan sa likod ng kotche ko ng magsalita ako.
"Hindi mo 'ko driver, lumipat ka dito"
"Osige po"
Lumipat siya sapassenger seat, nagsimula na ko magmaneho papunta sa school na papasukan namin. Same school kami, same Scholar 'din.
Tahimik lang kami habang nagmamaneho kami, nakakabingi yung katahimikan. kaya inopen ko yung radio sa kotche ko.
Nakarating na kami sa Royal Academy, nipark ko muna ng maayos yung kotche ko. Bumaba na kami pareho. Nilock ko na yung kotche ko at naunang pumasok sa school.
Hindi kami nagsasabay pumasok, dahil sabi ni mama 'wag na 'wag daw siya sasabay sakin, dahil daw baka sumira daw image niya sa school. tss
Nagmamadali akong pumasok sa school, tinignan 'ko yung relo sa wrist 'ko
6:56 AM
Maaga palang pala, pumunta muna ako sa Cafeteria para kumain, nagugutom ako e.
"One Carbonara, bottled of water and sandwich please"
"Okay, wait a sec"
Wao englis, ilang minuto lang ay nakuha ko na yung inorder ko. Umupo ako isa sa bakanteng lamesa at nagsimulang kumain mag isa.
Habang busy ako sa pagnguya, may biglang umupo sa harapan 'ko. Tinignan 'ko siya ng malamig.
"Maraming bakante diyan, lumayas ka sa harapan ko"
Cold na sabi ko sakanya, pero di niya ko pinansin. Kumain siya na akala mo'y walang kumakausap sakanya.
Tss, binilisan ko ang pagkain ko at saka mabilis na tumayo dala ang mineral water ko ng bigla niyang hawakan ang wrist ko
"I'm Mike Angeles"
"Hindi ko tinatanong" Tinignan ko siya ng malamig saka tinabig kamay niya at tumalikod na, maglalakad na sana ako ng bigla siyang nagsalita.
"Tandaan mo pangalan ko, dahil 'yang pangalan na 'yan ang mapapangasawa mo"
Tinignan 'ko siya at nakita ko siyang nakangisi, inirapan ko lang siya at binilisan ang paglakad papunta sa room ko.
What the fudge?!
---
Please read this story, comment and rate. This is my firstime. thank you

YOU ARE READING
Hard Headed
RomanceI always get my mother's mad, it's about time to obey her rules? or make my own life without her. Lagi niyang sinasabi na hard headed daw ako, simula ng iwan kami ng tatay 'ko. "Trisha! Come here! Let's talk!"