Pagbukas ko ng pinto, Nakatingin lahat sakin. Napansin ko yung isang nakaupo sa gitna sa huling upan ng leftside row.. Uhm Uhm.. Ano idedescribe ko ba? Hahaha.. Owkay, Yeah He's not skinny nor chubby tama lang sakto, Haircut nya? Semi Mowhawk na kulay brown may earings sya. Since kakapasok ko lang di ko alam kung anong ugali mayroon sya. Pero sa itsura nya mukha syang din gagawa ng magnda dejoke lang.. Kasi sa mga ganung itsura kasi yun yung mga tumatimer.
"Sabi ko wag papalate, Akin na registration card mo." Nakatayo na pala si Ma'am akala ko nakaupo pa, Hehe. Bad ko nuh? Peborit kong professor yan.. Nakakahiya nga kasi minsan na niya ako nahuling nangongoya last sem eh kasi naman kasi bigla na lang nagpapaquiz. Humanap muna ako ng mauupuan saka ko hinanap yung form ko, Pinili kong upuan yung huling row ng right side so nasa gilid ko yung masama tumingin, Problema neto? Kakatakot.
Nang mahanap ko na yung registration form ko, Tumayo na ako at ipinasa kay ma'am para mapirmahan na niya.. Tapos nung mapirmahan na niya babalik na ako sa upuan ko, Ano ba 'to sama makatingin ng lalaking 'to ah? Mainit ba dugo nya sakin? Mamaya bigla na lang ako harangin sa labas tapos.. taposss...
"Hoy ikaw pangit." Papalabas na ako ng room, Nakatalikod ako sa kanya.. Humarap ako tapos nagtataka akong tumingin..
"Ako?" Napakamot pa ako sa ulo ko, Tapos lumapit ako.
Binigay nya sakin yung bag nya, Ambigat naman.. "Tara na! Bagal nakatunganga pa."
WAAAAA!
Umiling iling ako, Hindi maaari.. Hindi maaari. Nagdidiscuss na si ma'am ano ba 'to wala akong maintindihan sa mga sinasabi ni ma'am, Hoy Vanj Alphie Rodriguez ayus ayus din paano tataas score mo kung tuliro ka? Saka hindi naman siguro ako sasaktan ni kuyang siga. Di ba?
"Class dismiss." Kinuha ko agad yung bag ko at umalis para sa susunod ko pa sanang klase, Kaso pagkapasok ko sa room wala namang estudyante, Tinignan ko yung phone ko aba may mga text? Matignan nga.
From Classmate Sec3:
Ateng ganda, Wala po tayong class kay sir. Basa na lang daw tungkol sa Tourism management.
From unknown:
Mi Please sagutin mo tawag at text ko.