01

12 2 0
                                    

"Nasaan ang sagot sa mga Tanong"

Gusto kong malaman kung bakit ako ay tinatrato mo ng ganito naging kaawa awang tao dahil sa pangiiwan mo. Gusto kong malaman kung bakit ganoon na lang kadali para sayo na iwanan at palitan ako. May nagawa ba ako na hindi mo nagustuhan? o di kaya ay nasabi? Bakit ganito? naguguluhan na ako, napapaisip kung ano ba talaga? kung bakit ba? unti unti na akong nalalamon ng pag iisip kung bakit?

Bakit mo ko iniwan? May pagkukulang ba ko na nais mo makamtan? bakit umalis ng walang paalam? Ganun nalang ba kadali para sayo kalimutan ang lahat ng ating pinagsamahan?

Bakit kailangang ipagpalit nang di man lamang sinasabi kung anong dahilan, kung bakit.Bakit ka nanakit?, nanakit ng taong ikaw lang ang laman ng pusot isip!

Hindi pa ba ko sapat? hindi ba ako naging tapat? o talagang ginusto mo lang lumisan dahil sa araw araw na paguusap ay nagsasawa ka nat tinamad. Hindi ba ito naman ang ginagawa ng mga taong magkarelasyon? o masyado lang kitang pinrioritize kaya't inakala mong kahit iwanan mo ako ngayon ay may babalikan ka pa ding ako ng buong buo na ni isang wasak ay walang bakas at na tatanggapin ka ng buong buo?

Nasanay ka ba na sa sobrang kabaitan ko kahit alam mo sa sarili mong nasasaktan mo na ako, ay wala kang pakialam bastat may sumasalo sayo.Hindi ka ba nadadala? Hindi ka ba naaawa?, naaawa sakin na ngayoy patuloy na lumuluha.

Hindi ka ba nagsisisi? Hindi ka ba nasasaktan pag nakikita mo akong ngumingiti ngunit sa kalooblooban ay nagdadalamhati?

Masaya akong makita kang masaya kasama ang bagong babaeng kasama mo, Oo nakikita ko kayo at nasasaktan ako. pero kailangan kong tanggapin kasi wala na, nagawa mo naman na, naiwan mo na akong walang kaalam alam kung bakit? naiwan mo na ako ditong luhaan habang kayo ay pinagmamasdan, Pinagmamasdan kang may kaakbayan. May katawanan. Kahit masakit para sakin,handa kong tanggapin. Bastat sumaya ka lang ng lubusan, lubusan hanggang ang saya ay mapunta sa luhaan.Tandaan mo ito mahal ko, lahat ng iyong kahangalan ay may katapusan.Katapusan na sa huli ay ikaw ang uuwi ng sawi, sawi dahil ang iyong ginawang pangiiwan ay babalik, hindi man sa ngayon pero sa pag dating ng panahon, Hindi ako gaganti. at kung ikaw man ay babalik, asahan mong hindi ka na tatanggapin. Dahil puso'y napahod na kaya Mahal ko,

Hanggang dito na lang, paalam

*****

by: zsha084 and Allyza_Z

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 10, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now