CHAPTER 19

43 2 0
                                    

Guinevere's Pov

heto ako nasa kwarto hindi makalabas dahil hanggang ngayon hindi ko parin matanggap ang mga nangyari kahapon. Hanggang ngayon sariwa parin ang mga sakit.

"Anak please kumain ka na kanina ka pa walang kain nag-aalala ako sayo baka magkasakit ka sa ginagawa mo." sabi ni mommy habang may pag-aalala sa tono niya.

Pero hindi lang ako umimik. Nagagalit ako kasi itatransfer na nila ako bukas sa US wala na naka set up na lahat. Maya-maya pa ay napagdesisyunan kong lumabas pero matamlay akong naglalakad pababa at halos wala na akong pake sa mga sinasabi nila yung tipo na hindi lang ako umiimik pero sila salita lang ng salita oo bastos tingnan pero hindi ko kasalanang nasasaktan ako ng ganito........

"yesha anak may sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ni mom.

"Wala po ays lang ako" maikling sabi ko.

"Kabata-bata mo nagiinarte ka nang dahil sa lalaki na akala mo mauubusan ka ng lalaki." sabi ni dad habang kumakain kaya napa-poker face nalang ako at hindi na umimik.

"Tapos na po ako mom" sabi ko at nagmadaling tumayo maglalakad pa lang sana ako papuntang kwarto nang biglang nagsalita ulit si dad.

"Ubusin mo yan"

"I'm full" sabi ko at dumiretso na sa kwarto.

"Nga pala bukas na yung flight mo ppapuntang US magimpake ka na sumabay ka nalang sa mommy mo and after a week iiwan ka niya dun sa tita belle at tito ken mo." sabi ni dad with a cold voice. Buti nalang sila ang makakasama ko mabait sila kaso masunurin sila sa mga gustong ipagawa ni dad.

" Wag kang aasa sa pera nila dahil ikaw mismo ang magtatrabaho para sayo." pahabol pa niya.

Pagkatapos nun dumiretso ako sa kama at dun ko nilabas lahat ng luha ko. Naiiyak ako kasi bakit ganito grabe na toh. Hindi ko toh kaya sobra-sobra na lahat ng parusa na pinapagawa niya.

Tok tok tok!!

" Ija kumain ka na 7:30pm na baka gutom ka na" sigaw ni manang sa labas ng aking kwarto. Nakatulog pala ako.

"Sige po manang wait lang po" sabi ko at nag-ayos muna bago bumaba.

At pagbaba ko nakita ko sila mom and dad na nag-uusap.

"Good evening po" sabi ko at dumiretso na sa kusina para kumain.

"Ah y-yesha naka handa na ba ang mga gamit mo? Bukas na yung flight" mahina at nauutal niyang sambit.

"Hindi pa po mom pero ihahanda ko na po mamaya" sabi ko at binigyan siya ng isang ngiting hindi man totoo pero pinilit ko paring bigyan siya ng ngiti.

"A-anak mag-iingat ka dun ah wag mo masyadong pagurin yung sarili mo." sabi ni mom habang may konting namumuong luha sa kanyang mga mata.

At dahil wala akong masabi binigyan ko nalang sya ng tipid na ngiti.

Pagkatapos nun pumasok nako agad sa kwarto ko at habang nag-aayos ako ng mga gamit ko may konting mga luhang tumutulo na nagmula sa mata ko.

Siguro ito na nga ang huli.....ang huli ng aming istorya. Sana pagbalik ko maalala mo parin ako, sana pagbalik ko ako parin, sana pagbalik ko mapatawad mo pa ako. Paalam at patawad zach.....

Pagkatapos kong ayusin lahat ng gamit ko, napagdesisyunan ko nang matulog para bukas hayst... Bukas na nga pala yun. 

*********KINABUKASAN********

Mahal Kita Pero Hindi PwedeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon