"Good morning class, i will introduce our new transferee Ms.Anjeru Akiyama she will be your new classmate, be nice to her ok?" Sabi ni Mrs. Paralejo
Nahihiya akong ngumiti sa mga new classmates ko.
Galing nga pala akong Japan. Hehe. Pero hindi ako mayaman. Sakto lang. Dun kasi nagwowork si Mama. Tapos nabuntis sya ng isang Japanese na manloloko pala,sya yung Papa ko.
"Hi!" Bati sakin ng magiging seatmate ko na lalaki. "I'm Xarles Leeroy(Taehyung), Xarles for short."
"Ingat ka dyan kay Leeroy, bakla yan." Kulbit naman sakin ng nasa likod ko.
"Wag ka mag papauto dyan, babaero yan." sabi naman ng katabi ko pang isa.
"Lanjung yan, iyak na sa paninira nyo eh. Papapakasuhan ko kayo." Sabi ni Xarles.
Napatawa ako ng mahina.
"Ayaaaan. Dyan nagsisimula yan, yung nakakapagpangiti agad yang si Leeroy!" Sigaw ni Laurence(Jimin).
Gwapo silang lahat. Pero di ko sila type.Pag-aaral lang aasikasuhin ko dito noh. Hindi jowa.
"Mr. Madrigal and Mr. Villa. Will you please quiet?"Biglang sabi ni Mrs. Paralejo."Kabago bago ni Ms. Akiyama tinatakot nyo."
"Mas mukha pong nakakatakot si William(RM)." Asar ni Laurence sa isang lalaki sa tabi na pinaglalaruan ang lollipop.
Tawanan ang mga kaklase ko.
"Ay grabe naman kayo kay Kuya William. Ang gwapo kaya nyan," sabi ng isang kaklase namin na mukhang foreigner sa ganda. "Diba, Kuya?"
"Isa kpa Maia ha."Natatawang sabi naman nung William. "Manahimik nalang kayo dyan."
"Hi!" Biglang kung saan ay may lumabas na isang babaeng maganda. May color ang hair nya na blonde. "I'm Boonsri Ratanarak, I'm half Thai kaya ganon name ko., I thought you're Japanese. Tama ba ako?"
"Yan ang pinakamaganda dito sa class." Nakangiting sabi naman ni Maia. "She'll be our pambato sa lahat ng pageant."
"Whaaa beeees, na-Pressure naman ako dun!" Nahihiyang sabi naman ni Boonsri.
Natawa ulit ako ng mahina.
"Okay, let's start our lesson for today." Sabi ni Mrs. Paralejo na nakapagpaupo sa dalawang magandang babae sa harapan ko. "Let's try your knowledge about chemistry, Give your definition about chemistry."
"Chemistry is the branch of science that deals with the identification of the substances of which matter is composed."
Pumalakpak ang classmates ko.
"Very good."
Maya-maya pa ay kinuha na nito ang libro at umalis ng classroom namin.
Breaktime na pala.
Lunch muna ako. Gutom na din naman ako.
Lalabas na sana ako mag isa nang lumapit sakin si Maia at Boonsri.
"Lets eat together." yaya ni Boonsri.
"Yes," nakangiting sabi naman ni Maia. "Lets be friends."
Nginitian ko sila at nahihiyang tumango.
"Sama naman kami bonsay!" Bigla kung saan ay lumapit naman si Xarles. "Gusto ko kasi makilala tong si Anjeru eh."
"Excuse me-."
"Daan na." si Laurence
"Urgh. Its Boonsri not Bonsay!" Sabi ni Boonsri ng pagalit. Pero kunwari lang.