Seth Kyrie
Hindi na magkamayaw ang mga tao sa Emergency Room na nasa North Wing. Hindi narin ako magtataka kung bakit Level 01 Emergency & Trauma Hospital itong napasukan ko. Sunod-sunod ang mga ambulansyang dumarating, nababalot ng wang-wang ang buong paligid.
"Buencamino! Wag kang tatanga-tanga diyan, remember my rules"
Isa pa tong anak ni Daenerys, kanina pa ako binubugaan ng apoy. Gwapo sana ngunit pinaglihi ata sa sama ng loob.
"Buencamino! Anong inaantay mo pasko?"
"Sorry Doc"
Tinapos ko na nga ang tinatahi kong sugat at sinundan si Dr. Draco.
Sunod sunod na apat na stretcher ang pumasok sa ER, pinaliwanag ng mga medics isa-sa ang mga cases. May nabalian ng buto, may nabiyak ang tiyan, naputulan ng paa, may natusok ng bakal.
"Santillan - ortho patient to curtain 3, Miranda - lacerated stomach to Curtain 4, Amante - trauma 2, Vincencio - trauma 3"
Lahat na ng kasama ko ay tinawag. May masamang tinapay ata tong doktor na ito sa sakin. Wag mong sabihin magtatahi nanaman ako ng sugat.
Nalaman ko na may nahulog nanaman na bus sa skyway at halos kalahati daw ng pasahero ay dead on the spot.
Maya-maya pa ay may pumasok ulit na pasyente.
"Male, age 42 probably the bus conductor BP at 80/55, pulse rate at 52/bpm, respiration at 28, close head wound, major contusion in the forehead, broken ribs and a fractured tibia"
Napansin ko na parang hindi makahinga ng maayos ang pasyente. Magsasalita na sana ako pero biglang sumigaw si Doc.
"Buencamino to Trauma 4"
Dali-dali naming dinala sa room 4 ang pasyente at agad na sinuri ni Doc Draco ito. Habang ako naman ay abala sa pagkabit ng mga wires ng aparato sa pasyente.
"Prepare for intubation Buencamino. Do you know how to intubate?"
"Yes doc"
Kinuha ko ang laryngoscope at ipinusisyon ko ito sa bunganga ng pasyente, inabot ko ang ET Tube saka ko ipinasok. Pero bago ko pa maiposisyon ng maigi ay narinig ko na ang pagtunog ng aparato.
"He's crashing!" sigaw ko,
"He's gone" sagot naman ni Doc Draco.
"What? Wala tayong gagawin?"
"I said he's gone. And our job is to make it official, now call it"
"Inutusan mo akong mag-intubate doc and he's gone? Ganun ganun lang yun?"
"So? I did it para matuto ka, this is a teaching hospital by the way. Now call it"
"Sorry but I'm an intern doc, I'm not allowed"
"Damn it, call it!" sigaw nito.
"Time of death 21:42"
Agad kaming lumabas sa room na yun at lumipat sa ibang pasyente.
"Don't you ever question my judgement again"
Tumango nalang ako.
Simula umaga ay pinag-iinitan na niya ako, di ko alam kung anong nagawa kong mali. Dahil ba galing ako sa bundok kaya ang baba ng tingin niya sa akin.
"Buencamino, to radiology please. Order an Xray & a CT and please page Dr. Castañeda. And prepare an OR too"
"Sino po sa kanilang tatlo?"
BINABASA MO ANG
One in a Million Chances (BoyxBoy)
RomantikIf you've given a one in a million chance to go back in the past, will you grab it? May mga bagay sa mundo na kailangang i let go. May mga bagay rin na kailangan mong kumapit. The cycle of life is waking up, letting go & holding on. Mahirap kalabani...