Pagkatapos kong basahin ang ilang libro na gawa ng mga pilipino authors, lalo akong nagkainteres na magsulat at maging manunulat. Wala akong masyadong alam sa mundo ng mga punong ginawang papel at tinta na nakalagay at nakadisplay sa mga bookshelves. Iilan lang ang mga kilala kong sikat na manunulat at libro bukod sa mga textbooks ng paaralan, dictionary at bible (Sa totoo lang, hindi ko pa natatapos basahin ang bible.)
Hindi ko alam kung bakit ko nakahiligang magbasa at magsulat. Nagsimula ito nung grade 5 ako, may maliit na library kase yung school na pinapasukan ko. At alam mo ba kung ano ang una kong binasa? Isang libro na tungkol sa mga extreme sports. (Nakalimutan ko na yung title, pero ire-research ko yun para sayo.) Ewan ko ba kung bakit yun ang pumukaw sa atensyon ko. Wag mo nang itanong.
Nakahiligan ko rin ang pag susulat ng kung ano-ano sa notebook o papel na makikita ko. Minsan pa ay sa pader ng school ko dati nung highschool ako at ano pa nga ba? Nahuli ako ng isang teacher at dinala sa office. Ipinabura saakin ang isinulat ko sa pader. (Alam kong Vandalism yun at bawal yun, siguro hindi lang napigilan ng kamay ko na magsulat nung panahong iyon. Haha!) Madalas na isulat ko yung mga salitang namumuo sa isipan ko, mga pangalan at pirma ko. (nagre-ready kase akong pumirma sa mga book launching ko. A-S-A) Nakagawa narin ako ng original poem na tungkol sa pagibig. Mga lyrics ng kantang ako lang ang gumawa. (Hindi ko lang alam kung paano ko sasabayan ng mga music instruments dahil gitara lang ang alam kong tugtugin, basic pa.) Nakapagsulat narin ako ng mga romance novel. (pero hindi ko natapos ang una kong ginawa dahil nawala ang notebook ko kung saan nakasulat ang nobela.) Mahilig akong mag drawing ng kung ano-ano, mag lettering ng kung ano-ano, at kung ano-ano pa. Para bang pag may nakita akong papel at ballpenay automatic na yung kamay ko na magsulat ng mga walang kwentang bagay.
Noong highschool ako, paminsan minsan ay dinadala ako ng mga paa ko sa mga bookstore kahit pa wala naman akong pera pambili ng libro. Kahit hanggang ngayon, pumapasok parin ako sa mga bookstore kapag pauwi nako galing sa pinuntahan ko. Masarap sa pakiramdam na nakakakita ako ng maraming libro (kahit nakakalula at hindi mo na alam kung ano ang uunahin mong basahin sa mga ito.)
Naalala ko rin nung first time kong mag basa ng english novel. Maganda naman ang istorya, romance. Pero may mga parte na hindi ko maintindihan. Siguro na-BOBO ako sa part na yun. Kaya ko naman magbasa, umintindi at magsalita ng ingles pero hindi ko masasabing mahusay ako doon. Taglish? pwede? (Siguro kapag sinapian ako ng ispiritu ni kris baka pwede pa?)
Mahilig ako sa mga informative books. Yung tipong mapapa “AAAAHHH! GANUN PALA YUN!” ka. Nagbabasa rin ako ng mga romance, fiction, non-fiction, horror at pocket books. (baduy daw yung pocket books oh? Hahahaha!)
May mga nabasa na akong article at libro na nagsasabing mahirap maging writer. Lalo na dito sa pilipinas dahil hindi sapat ang atensyong ibinibigay ng gobyerno sa mga manunulat. (Halos lahat naman yata, hindi lang sa mga manunulat.) Pero hindi ako madaling matinag sa mga ganun. (BWAHAHAHA!)
Sabi nga nila, “kung may tiyaga, may nilaga” naniniwala ako sa gasgas na kasabihan na yan. Eh, ano nga naman ang mapapala mo kung hindi ka magta-tiyaga, kung hindi mo susubukan.
Naalala ko yung binasa kong libro ni sir ‘Bob Ong’ na stainless longganisa. Sa isang parte ng librong ‘yon (Page52-54) ay naliwanagan ako na ang pag susulat ay hindi para sa tamad.
-------------------------
Pag tinanong ako ng mga tao kung ano ang maganda sa trabaho ko, sinasabi ko na amo ko ang sarili ko. Pag tinanong nila kung ano naman ang pangit, sinasabi ko ring amo ko ang sarili ko.
Hindi para sa tamad ang pagsusulat. Lahat kasi ng aspeto ng trabaho nakaasa sa’yo. Ikaw ang boss at ikaw din ang tauhan. Alam nila pareho kung natulog lang maghapon ang isa’t-isa. Pag nag-AWOL ang boss at nag desisyong mag-mental bungee jumping, automatic na on-leavedin ang tauhan. Tigil ang produksyon.
Hindi para sa tamad ang pagsusulat. Hindi mo maloloko ang time card ng opisina. Hindi ka mareregular. Walang promotion. Walang13th month. Walang bonus. Nowork, no pay. Walang half-day. Walang holiday. Walang overtime pay. Wala man lang perks o company give-away. Walang christmas party. Walang outing. Wala kang katrabaho. Wala ka man lang masabihan na badtrip ka kay boss bukod sa kamay mong drinowingan mo ng mukha.
Hindi para sa tamad ang pagsusulat. Buong kumpanya nakaasa sa’yo. Wala kang ibang paghuhugutan ng sipag, tiyaga, at diterminasyon kundi sarili mo. Walang deduction sa late o absences dahil ang usapan lang lagi ay kung may natapos ka o wala. Piece work wage. Walang mga palusot na kailangan dahil wala ring mga palusot na uubra. Wala kang ibang hahagupitin kundi sarili mo, at walang ibang hahagupit sa’yo kundi ikaw. Lahat, self-service.
Hindi para sa tamad ang pagsusulat. Pag binisita ka ng idea, gana o insipirasyon, kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo para lang di masayang ang pagkakataon. Walang “sandali lang” o “teka muna.” Dahil pag lumagpas ang maikling panahong iyon, kahit mag-umpog ka ng ulo sa pader mahihirapan ka nang maghabol.
Hindi para sa tamad ang pagsusulat. Doble ang hirap sa trabahokung masakit ang ulo mo dahil ulo mismo ang kailangan mo sa trabaho. At hindi mo rin pwede lunurin sa trabaho ang mga naiisip mong problema sa buhay dahil ang mag-isip ang mismong trabaho mo.
Hindi para sa tamad ang pagsusulat. Mata lang ang kailangan ng pintor para malaman kung pangit o maganda ang produkto nya. Tenga ang sa musikero. Dila at ilong lang ang sa kusinero. At dalawang oras lang ang sa mamemelikula. Pero sa manunulat, kailangan n’yang basahin nang paulit-ulit at intindihin ang mga naisulat n’ya para malaman kung nakakaantok, matabang, sintonado, o maputla ang naging resulta.
Hindi para sa tamad ang pagsusulat. Araw-araw may shootout ang manunulat at ang suki n’yang demonyo. May general assembly ang iba’t-ibang tao at pokemonsa loob ng ulo nya. At may riot ang mga prinsipyong nasungkit nya noong mga nagdaang dekada. Lahat yan nangyayari habang pinipilit n’yang maging mas matinong tao kesa kahapon. Tulad ng magsasakang nagtatanim ng palay sa gitna ng giyera.
Hindi para sa tamad ang pagsusulat. Kaaway nya ang ingay, pero kalaban nya rin ang lungkot. Kaya nga nagtataka ako kung pano ko ‘to naging trabaho.
---Bob Ong, ‘Stainless longganisa’
-------------------------
Sa puntong iyon ng pagbabasa ko ng libro napagtanto ko na mahirap ang magsulat at maging manunulat. Magiging madali lang ito kung hindi mo gagamitan ng utak.
Naniniwala naman ako na lahat ng tao ay may kakayanang magsulat at magpahayag ng kung ano ang nasa isip at nasa lamang loob nila, pero hindi lahat ito ang linya, hindi lahat kayang gumawa ng isang magandang obra.
Kung iisipin ko, sa ngayon hindi ko kaagad makakamtan ang pinapangarap ko. Kailangan dahan-dahan, step by step, kailangan lagyan ng effort ang bawat gawa, kailangan ko pang matuto. Marami pa akong kakaining libro, este babasahing libro.
Pero pag dating ng panahon, makakagawa rin ako ng libro...
Magiging mahusay na manunulat ako...
Kahit sa ngayon eh, nag Ta----t--a----e-----A---n--g-----b--a---l--l--p---e--n-----k--o...
BINABASA MO ANG
B-A-L-L-P-E-N
HumorNataihan ka na ba ng nagtataeng ballpen? kailan? Saan? Bakit? at Papaano? Mga tunay na nangyari, nangyayari at mangyayari. mga gawaing pangaraw-araw. hindi lang pang-pamilya, pang-isports pa!