Valentines Day Poem

43 2 0
                                    

Sarap ng simoy ng hangin, kislap ng mga bituin.

Bulaklak sa isang hardin, at tayog ng bulubundukin.

Sa ganitong paraan mailalarawan ang babaeng parang anghel na hulog ng langit para sa akin.

Nasasabik sa muling pagkikita, na pinagtagpo ulit ng ng teknolohiya.

Sa anim na taong di nagkita, sabik na sabik nang masilayan ang kislap ng iyong mga mata.


Sa tatlong araw nating pagsasama, namasyal at kung anu anu pa.

Di ko namalayan na ang damdamin koy nahulog na, habang hawak hawak ang iyong kamay at nakatingin sa iyong mga mata.

Di ko inaasahan na ang babaeng pinapangarap ng karamihan, na punong puno ng kagandahan at kutis na pangtanghalan.

Ay ngayo'y nasa aking kanlungan at iniibig ko na ng lubusan.


Di man ikaw ang babaeng pinangarap ko noon, ngunit ikaw naman ang bumihag ng puso ko ngayon.

Ikaw babaeng ubod ng ganda ang kalooban, na punong puno kabaitan kahit di mo pinagsisigawan.

Isa ka nga ka sa mga babaeng karaniwan, ngunit ni ngiti mo mo'y di nila kayang pantayan.

Kaya'y di ako maghihinayang kailanman, kahit sunduin pa ako ngayon ni kamatayan.


Sa paglipas ng panahon, alam kong ito'y totoo.

Di na nagpaligoyligoy at wala ng halong lito.

Minamahal kita ng totoo, talagang mahal kita Mayumi M. Epanto.

Di ko man maibigay ang mga gusto mo, ngunit isa lang ang aking maipapangako.

Na mamahalin kita sa ayaw at gusto mo, at hinding hindi ako magsasawa sa iyo.



Jerick

February 14, 2017

Valentines PoemWhere stories live. Discover now