Yasmine and Sally

145 3 0
                                    

Guys this is just a short chapter, one of the most important part of the story.....anyways enjoy! :))

*****************************

Katatapos niya lang maligo. Pagkarating kasi nila ay pinagpahinga muna siya ng mga to. Nilibot niya ang paningin sa kwartong inihanda para sa kanya, kapansin pANsin ang kalinisan sa loob ng kwarto, mga gamit na kompleto at naka ayos ang pag kakalagay sa mga aparador, malaki at malambot na Kama na walang makikitang ni isang gusot, at malawak na walk-in closet na halos langhap ang mga bagong damit, sapatos at kung ano-ano pang gamit pambabae, indikasyong walang gumagamit nong kwarto, nagtataka man siya kung kanino at nasaan iyong may ari ng kwarto pero Dasal niyang huwag sana itong magalit kasi pinagamit sa kanya iyong kwarto.

Tinignan niya iyong damit na nakalatag sa may paanan ng kama. Sinuot niya ang damit na kinuha ng mama nila Kuya Hans kanina dun sa closet, naalala naman niya ang sabi ng ginang "I thinks she won't mind if we borrow some of her clothes, I'll just change it." Na-alala pa niyang tila namumula pa ang mata nito. Hindi siya mapalagay lakad siya ng lakad na tila alam ng paa niya kung San siya pupunta. Ayaw naman niyang maging kumportable pero parang ganun na nga iyong nararamdaman niya. Namalayan nalang niyang nasa harap siya ng box na maliit sa gilid at may maliit na corona sa Taas nito na siya namang sinubukan niyang iikot pero wala namang nangyari, nawala ang ngiti sa labi niya ng biglang sumakit ang ulo niya at kapag ganitong sumasakit ang ulo niya ay kadalasan ding nahihimatay siya, kaya naman Hawak ang ulo ay dahan dahan siyang naupo sa sahig. Nagulat siya ng may dalawang batang masayang naghahabulan papasok sa kwarto niya.

Ramdam niyang unti unting nawawala ang sakit ng ulo niya, kaya napamulat nalang siya. "Dali Sally, I'll show you where we'll hide our necklace pag hindi natin ginagamit para di mawala." Masiglang sabi nong isang batang babae. " wait lang yasmine baka pagalitan ako ni mama pag nalaman niyang naglalaro tayo Dito sa taas." Nag-aalalang sabi nong isang bata. "No, she won't, tsaka wala naman sila kuya they won't be here till the party starts kaya walang mangungulit at walang mag-aaway like last time." Sabi ni yasmine at bahagyang humagikhik. "Come on Dali bago pa tayo tawagin nila mom." Pilit na tawag nong Yasmine kay Sally kaya naman tuluyang lumapit ito. Nakita niyang papalapit iyong Yasmine sa kanya. Nginitian niya ito pero parang di naman siya nito nakita kaya umurong siya kunti ng nakita niyang iyong maliit na box pala ang tinitignan nito. Siguro sa kanya iyon naisip niya ng dahan dahang hinawakan nong bata iyong box.

Pinanood niya ng mabuti ang ginagawa nito. Inikot ni Yasmine iyong maliit na korona. Sunod naman ay bigla nalang nito iyon hinila. Sasabihin sana na niyang huwag nito sirain dahil sayang maganda pa naman. Pero bigla nalang itong tumunog. "Yasmine baby what are you doing? Is Sally there? You're tita Li is looking for her." Sigaw ng isang papalapit na boses. Humagikhik naman iyong dalawang bata at biglang nagbulungan. "Shush mom might here. Only the three of us should know about it. It's our secret now." Sabi ni Yasmine.

"Oh there you are. Come on you two I made some caramel puffs, and Sally you need to change your clothes first." Sabi naman ng isang tinig mula sa pintuan. Nakita niya si tita Stella ang mama ni kuya Stan at Hans. Ngayon niya lang nakitang ngumiti ng ganun ang ginang. Nag-unahang tumakbo palabas ng kwarto ang dalawang bata. Nakangiti namang tinanaw sila ni tita Stella. Tinignan niya ulit iyong box. Ngunit paglingon niya kay tita Stella...

"Erin?..Erin??...oh god Erin are you okay? Federick!" Nagulat nalang siya ng may nag-aalalang tita Stella kasama ang asawa nitong naka luhod sa harap nito. Magkasunod namang pumasok sina kuya Stan at Hans at sumunod naman Si lola strelya kasama ang ibang yaya. Nagtataka siya kung bakit parang ibang iba ang tita Stellang nakikita niya mas mukha itong mature kompara sa nakita niya kanina.

" why? What's happening Stella?" Tanong naman ng matandang ginang. "I don't know ma. I just found her like that parang di niya ko naririnig tsaka nakatulala nalang siya and...... I panicked." Mahinang sabi ng ginang sa matanda. Palipat lipat naman ang tingin niya sa kanila.

"Tita Stella pano po kayo nakapag palit agad ng damit eh kanina blue na dress ang suot niyo" takang tanong niya eh Di na niya matiis ih abay kanina pa siya naguguluhan ang bilis naman mag change outfit ni tita Stella. Kanina naka dress siya ng blue tapos ngayon naka white na jeans nalang at naka polo ng peach? Magic lang? Nah....

"Blue Dress? no hija ito iyong suot ko kanina. You must be hungry." Amused na natatawang sabi ng ginang pero agad ding natigilan na parang may naalala siya saglit. "Ayos ka lang ba? Tatawagin sana kita kanina para magmeryenda na tayo gumawa kasi ako ng caramel puffs." Dun naman siya natigilan. "Ayos lang po ako tita." Na-alala niya iyong dalawang bata kanina nag-uunahan pa silang bumaba. Baka maubusan siya nung niluto ni tita! Agad siyang tumayo. "Tara na po.?" Masiglang tanong niya. "You're really hungry." Natatawa namang sabi ni Hans at napatawa nadin iyong iba.

*******************

Sorry folks gang dito lang muna...don't worry there's more to come.....pero di ko lam kung kelan next update....huwag kalimutan ang drill. Drop by at the comments section below, vote, follow and spread the word "Missing Reflection" ....ayt papyeeeee!

Missing Reflection (on hold/editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon