• FINAL WAVE •
Channel's Pov:
Andito kami ngayon sa taal sa bahay nina Tyron, anlaki neto grabe katabi nito ang restaurant nila at take note anlaki din, sikat na sikat ang resto nila dito, sayang lang at sarado ang resto nila ngayon for sure dami ngayong customer sana, at dahil mamayang 12 ay new year na excited nako sa panibagong taon hihi. Kelangan kopang tumalon mamaya ng exact 12 para naman madagdagan height ko.
Kasalukuyan akong nandirito sa couch nila Tyron sa baba habang nakatingin sa kanilang busy sa kani kanilang ginagawa, ansaya lang na andito kami lahat as in lahat pero anluwag luwag padin ng bahay nila. Si Kuya andito kasama si Ate Miles at take note ulit kasama ang family ni Ate specially Echo, joke lang may Gino na ako. Nandito rin ang family ni Cindy malamang sya yung girlfriend ni Tyron, tapos sina Tita at Tito, buti napapayag sila ni Gino kasi as always andaming pinagkakabusyhan nila, di nadin ako magtataka na ang unlad ng buhay nila, kaya siguro sila nakapagpatayo ng school na ganon kalaki, ansipag naman talaga nila eh kainggit . And syempre ang may bahay na si Tyron kasama ang family nya din pati Lola at Lolo nya andito.
Pinikit ko sandali ang aking mata at huminga ng malalim, sa kabila ng lahat andito ako ngayon walang problema masaya lang walang inaalala at walang kinakatakutan.
Nakaramdam naman ako ng braso na umakbay sakin kaya napamulat ako
"Anong iniisip mo dyan?" nagtatakang tanong ni Echo.
"Wala, masaya lang ako bakit ba!" pagtataray ko.
Natawa naman sya sa inasal ko at tinapik ako sa balikat bago lumabas ng bahay, san naman kaya pupunta yun.
"Ehemm" napatingin naman ako sa nagehem na yun at di ako nagkamali si Gino nga .
"Mukang may -----" pinutol kona ang sasabihin nya, kahit kelan talaga to.
"Tumahimik ka nga kung ano ano na naman iniisip mo" sagot ko at sinamaan sya ng tingin. Tumabi naman sya sakin.
"Lagi ka kasing hot na hot dyan" sagot nya.
"Ikaw kasi " sagot ko at nag pout
Tulad ni Echo inakbayan nyako. Inihilig konalang ang ulo ko sa kanya, habang nanatiling nakatingin sa mga taong mahahalaga sa akin na masasayang nagtatawanan at nagtutulungan .
_______
Nakaramdam ako ng kamay na umaalog sa akin, unti unti ko namang minulat ang mata ko at nakita ko si Gino.
"Uyy, gising na di ka na makakatalon mag twetwelve na, pano kanalang tatangkad nyan" natatawang bungad sakin ni Gino kaya agad agad akong bumaligwas, tinignan ko ang oras sa orasang nakasabit sa may pinto.
11:54pm na.
"Bat ngayon molang ako ginising sabi ko 11:30 eh" inis na sabi ko habang nangangamot ng ulo, dali dali naman akong nagpunta sa cr at naghilamos . Paglabas ko ng cr nakahiga sya sa kama. Tumingin ulit ako sa orasan at 11:57pm na.
"Wuahhh" sigaw at agad agad na tumakbo pababa. Di ko nalang si Gino pinansin dun.
"Oh Chan!! Happy New Yearr!" sigaw na bungad sakin ni Cindy, nalimutan kong batiin si Gino.
"Happy New Year" mahina kong sagot.
"Tara na dali tatalon na tayooo!" muling sigaw nya at hinila nako palabas.
"1_2_3 taloonn"! sigaw ni Cindy.
Sinabayan ko naman sya at dun nagsimula ang ngiti sa aking mga labi, pinikit ko ang mga mata ko habang tumatalon kasabay ng mga fireworks na nagsisi ingayan sa langit ang kasabay ng pagtalon talon ko. Maya maya pay nagpaputok nadin ang mga guard nina Tyron duon, ibat ibang klase pero hindi ko alam ang tawag, sobrang ingay ng paligid, napalinga ako sa likod ko at andun silang lahat maliban kay? Gino?
BINABASA MO ANG
Unexpected Love Story (BOOK1-COMPLETED)
Fiksi RemajaUN-expected LOVE Story.. Saan nga ba nagsisimula ang pag-ibig? Kailan nga ba natin ito nararamdaman? O kailan nga ba ito dadating? Marami tayong tanong tungkol sa pag-ibig na napakahirap sagutin, minsan pa nga masasabi mo sa sarili mo na, IMPOSIBLE...