Chapter 5

1.2K 33 0
                                    

Chapter 5

Linggo ngayon kaya pahinga muna sa trabaho. At heto ako ngayon naisipan kong magupdate ng profile ko sa online writing site ko. Matagal na rin since last akong nagupdate ng biography ko. Ang simple nga lang ng description. Pero ngayon I’ll make it somehow detailed para naman matuwa si Crystal ang girlfriend ko.  Tanging siya ang inspirasyon ko sa mga novel series ko. Kasalukuyang  nasa U.S. siya ngayon for their 2 weeks business travel sa company nila. Lihim pa rin ang relasyon naming dalawa kahit isang taon na kaming magkasintahan. Ayaw pa naming ilantad dahil sa mga mapanghusgang mata lalo na at sa prestiyosong kumpanya kami nagtatrabaho. Ngunit kahit ganoon,  masaya kaming dalawa dahil hindi naman halos nagkakalayo ang workplace naming. Ako na yata ang pinakamaswerteng tao bukod sa may maganda at mapagmahal akong girlfriend eh maganda pa lahat ng resulta ng mga company projects ko.

Humilata muna ako sa bed ko matapos magupdate dahil 7:00PM pa lang naman ng gabi. Sigurado akong tulog pa si beb, dahil kabaliktaran ang oras doon sa US, 7:00am. Nagsasounds ako ngayon at tinitingnan ang mga pictures naming dalawa pero biglang nagring ang phone ko. Laking tuwa ko dahil girlfriend ko ang tumatawag  at sinagot ko agad.

“Hello beb, I miss you!” --bungad ko kay Crystal

“Good Morning sayo beb, I miss you more... I just woke up.”

 

“Ang aga mong nagising, nakakaakit tuloy yang bedroom voice mo.”

 

“Talaga beb? Sana nandito ka. Namimiss na talaga kita.”

 

“Ohh huwag ka ng sad diyan, dalawang araw na lang babalik na kayo ng Manila di ba. Magkakasama tayo uli.”

 

“Sana nga ngayon na beb eh. Para may breakfast in bed ako lalo ngayon...”

 

“Hmmm naglalambing ka beb... Sige na magshower ka muna, sa skype na lang tayo magusap. I love you!”

 

“Okay sige, I love you too, mwah! Bye!”

 

Haayyy ang sarap talaga sa pakiramdam kapag siya ang kausap ko. Marinig ko lang boses niya nawawala na pagod ko. Para siyang musika sa pandinig na nakakarelax.

Kahit alam kong bawal na pagibig sa mata ng karamihan, hindi pa rin ako nawawalan ng tiwala na balang araw, mailalantad din namin ito sa lahat. Hindi madali ang pinasok naming relasyon dahil pareho kaming nagiingat lalo na sa mga magulang namin. Pareho kaming may pagkaconservative ang family tree.

Hinatak ko ang unan ko at niyakap. Nakaramdam ako ng antok, kaya iidlip muna ako saglit. Nakaringer naman ang phone ko incase tumawag si beb. Papikit pa lang ang mata ko ng may marinig akong katok sa pintuan.

“Elize, gising ka pa ba anak? Pwede ba tayong magusap sandali kung okay lang ba?”

Tinungo ko agad ang pintuan para pagbuksan si Mama.

“Ahh Ma, hindi pa naman ako tulog. Ano pong meron? Pasok po kayo.”

Naupo kaming dalawa ni Mama sa bed. Pansin kong parang malungkot siya.

“Ma, okay ka lang po? May problema ba? Pwede mo sabihin sa akin.”

“Elize, kailangan mong malaman na ang totoo.”

“Ano yun Ma, makikinig ako.”

“Kailangan nating ibenta yung farmland sa province, hindi na kakayanin ng Papa mo ang pagmamanage dun kulang tayo sa tao at pampasweldo. Hindi pa tapos yung bunso mong kapatid sa Engineering. Ayaw naman naming iasa sa iyo lahat ng Papa mo ang mga gastusin pa.”

Mama... Huwag niyo ibenta ni Papa yung farmland, gusto ko yun eh. Kaya ka ba parang balisa lagi nitong mga nakaraang araw?”

 

“Kausapin mo uli si Papa, gusto ko yung farmland please Ma? Kung kinakailangang doblehin ko yung budget gagawin ko huwag niyo lang ibebenta yun Ma, please?”

 

“Susubukan ko anak na kausapin si Papa mo. Pero mahihirapan ka, masyado ng malaki ang responsibilidad na inatang namin sayo anak.”

 

“Okay lang yun Ma, kayo ang dahilan kung bakit ko narating ito. Huwag ka na magalala ako na din sasagot sa gastusin ni bunso. Basta asikasuhin niyo lang yung sa farmland ni Papa. Kung kinakailangang tumanggap ako ng madaming projects, gagawin ko yun.”

 

“Elize...” –Yan na lang ang tanging nasabi ni Mama kaya niyakap ko na lang siya.

Lumabas na ng kwarto si Mama at ako naiwang nagiisip. Ayokong ibenta nila Mama yung farmland na yun dahil pinaghirapan nila yun, doon kinuha ang lahat ng pampaaral sa akin at sa dalawa ko pang kapatid. Binuksan ko ang laptop at tiningnan ko savings ko at ang mga contracts nun mga projects. Napabuntong hininga ako dahil mukhang mahihirapan ako yata ako pero kailangan kong kayanin.

Napansin kong tumatawag na si beb sa phone ko. Kinancel ko ito saka ako nagonline sa chat.

“Beb Im sorry, sa Skype na lang tayo magusap para di masyadong mahal yun phone bill mo.”

 

Pagkasend ko sakto naming tumatawag na siya through Skype. Kaya sinagot ko agad.

“I’m sorry Beb, kinancel ko yun call.”

 

“No it’s okay, magkausap naman na tayo live cam eh. Bakit parang malungkot ka beb?”

“Huh? Ahh, hindi naman inaantok lang siguro. Madami kasing ginawa kanina sa bahay. Nagbreakfast ka na ba?”

 

“I’m done, mwah! Look at this one beb, I bought this one for you. Blue Bear yung nagustuhan mo online.”

 

“Wow talaga? Ang sweet mo talaga kaya kita mahal na mahal eh. Ahh beb, sunduin kita sa airport sa uwi mo ha. Miss na talaga kita sobra.”

 

“Okay sige sunduin mo ako, sa condo ko na lang ikaw matulog on that night.”

 

“Sure beb! Mwah!”

 

Lumalim ang gabi at kung ano anu pang pinagkwentuhan naming dalawa. Mag ala una na ng madaling araw nung magpaalam ako sa kanya sa Skype. Dahil maaga pa ang pasok ko kinaumagahan. Napagaan niya ang loob ko pero wala muna akong balak sabihin sa kanya yung plano kong magextend lagi ng working hours para masalba yung farmland namin. Gagawan ko na lang ng paraan yung oras ng paghatid sundo ko sa kanya pagbalik niya ng Manila.

 ***************************************

 Thanks for reading. :)

© Islandtr3kker

**************************************** 

Crossing the Limits (Lesbian Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon