Author's POV:
Waaaahhhhh!!!! Paano ko ba sisimulan ang istorya ni Manang Sabel? Parang wala ako sa mood....Hehe...Ikukuwento ko ba ang talambuhay ni Manang Sabel o gagawin ko siyang isang misteryosang matandang babae na hindi intensyong manakot kundi magbigay lang ng isang babala.....kaso mukhang walang thrill dun eh....hmmmmmm......Ano nga kaya..?
"Sabel!"sigaw ni Edwardo.
(sino naman kaya si Edwardo?)
"Opo sir, nandyan na po!" sagot naman ni Sabel.
"Asan na ba yung pinakukuha ko sayo?" tanong ni Edwardo.
"Alin pong pinakukuha?" pagtataka ni Sabel.
"Yung pinakukuha ko sayong polo ko! Ano ka ba Sabel!" galit na sagot ni Edwardo.
"Eh sir, wala naman po kayong iniuutos sa'kin eh." sagot sabel.
"At saka sir, di pa ho ako umaakyat dito." dugtong
pa nito.
Naku, sino kaya yung nakita ni Edwardo? Doppelganger ni Sabel...hala...:)
"Pero nakita kitang pumasok dito kanina. Kaya nga pinakuha ko sayo yung polo ko." sagot naman ni Edwardo.
"Pero sir, di pa ho talaga ako naakyat sa kuwarto nyo." pagpupumilit ni Sabel.
"O sya sige, kalimutan mo na. Kunin mo na lang yang polo ko." utos ni Edwardo.
"Eto po Sir." maamong sagot ni Sabel.
"O Sabel, bantayan mong maigi ang mga bata ah. Huwag mong pababayaan. Matagal kaming mawawala ng Sir mo." paalala ni Esperanza.
"Opo madam. Ako na pong bahala sa mga bata." nakangiting sagot ni Sabel.
"Ma, tara na! Baka malate tayo sa flight natin." pagmamadali ni Edwardo.
"Eto na nga't ikaw na lang ang hinihintay ko eh." sagot naman ni Esperanza
Ayun na nga't bumaba na ang mag-asawa.
Tok..tok..tok..tok..
Blag..blag..blag...
(tunog ng maleta at sapatos na suot ni Esperanza)
Lumabas si Sabel para buksan ang gate.
(Eeeeeekkk!!!) tunog ng gate..
Beep beep.. busina ng sasakyan ni Edwardo. Senyales na nagpapaalam na ito kay Sabel at ipinagakatiwala na ang buong mansion kay Sabel.
Bahagyang ibinaba ni Esperanza ang salamin ng sasakyan upang paalalahanang muli si Sabel.
"Ang mga bata ha?" paalala ni Esperanza.
Isang ngiti ang iniwan ni Esperanza kay Sabel. Senyales na buong puso nyang ipinagkakatiwala ang dalawa nyang anak kay Sabel.
Isang ngiti din ang isinukli ni Sabel kay Esperanza.
Matapos makaalis ng mag-asawa ay isinara na muli nito ang gate.
Pagpasok nya ng mansion ay nagkakagulo ang dalawang bata.
"Huwaaahhhh!!!!" iyak ni Ramon.
"Nye nye nye nye nye." pang-aasar naman ni Randy.
"O ano nanaman yan?! Nag-aaway nanaman kayo? Hindi 'bat sinabi ko ng huwag na huwag kayong mag-aaway." paalala ni Sabel.
"Eh kasi 'tong si Ramon eh." sagot ni Randy habang nakanguso.
"Anong ako.? Ikaw ang nauna eh. Bigla mo kasing hinatak yung ipit ko sa buhok eh." sagot ni Ramon...
TOINKSSS!!!
BINABASA MO ANG
Bakasyon (UPDATING)
Mystery / ThrillerIsang grupo ng mga kabataan ang masayang nagbabakasyon sa isang liblib na probinsya sa antique. Ngunit ang kasiyahang ito ay napalitan ng takot ng mapadpad sila sa isang lugar na walang sinuman ang nangahas na magpunta. Ano ang mangyayari sa kanila...