Chapter 4

386 6 0
                                    

CHAPTER 4 

Nakakunot ang noo ni Nathan habang umiikot ang mata sa paligid.

Hinahap nya kasi si Drake. Gusto na niyang kausapin ito tungkol kay Princess.

Ilang linggo na din kasi niyang pinagmamasdan ang dalawa.

Si Princess lagi niyang napapansin na umiiwas it okay Drake. Minsan naman matutulala nalang ito o kaya ay mukhang malalim ang iniisip pagkatapos nitong tingnan si Drake. Minsan naman nakikita niyang pinagmamasdan nito si Drake ng patago.

Bestfriend ng maituturing ni Nathan si Hazel. Lagi niya itong kasama, kakwentuhan, kakulitan at parang kapatid na rin niya ito. Magaan ang loob niya dito unang kita palang niya dito. Kaya naman naiinis siya kapag may nananakit o may sinasabi ang iba na masama o nilalait ito.

Hindi naman niya masaway ang mga ito dahil ayaw naman ni Princess na ipinagtatanggol niya ito. Nagagalit pa nga ito sa kanya kapag ginagawa niya iyon. Sabi nito kaya naman daw niya at ayos lang naman daw sakanya. Pero sa kanya hindi ayos iyon. Pero wala siyang magagawa kaysa naman magalit ito sa kanya at siguradong hindi siya kakausapin at papansinin nito.

Maganda naman ito, kaso itinatago lang nito ang magandang mukha nito sa pagkalaki-laking salamin nito.

Nuong una ay hindi naman niya alam na maganda talaga ito. Alam niya na maganda ito, maganda ang kalooban.

Pero minsan nagpaparty ang mama nito. Ayaw nga ni Princess ang plano ng mama nito. Pero wala na itong nagawa dahil nai-set na ito ng mama niya.

Napilitan din itong mag-ayos at magsuot ng magandang damit, kaya lumabas ang tunay ganda nito.

Nuong mga panahon na iyon ay nagkagusto pa nag siya dito. Pero pinilit niyang tanggalin at kalimutan ang damdamin na iyon dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nilang dalawa. At nagtagumpay naman siya na gawin iyon. Ngayon ay kaibigang matalik nalang ang tingin niya dito at may iba narin siyang nagugustuhan at iyon ay ang pinsan nito.

Si Drake naman ganun parin ang trato kay Princess. Palagi niyang nakikitang nakatingin ito kay Princess. Tingin na mapanuri. Mapanuring tingin na parang inaasure kung maayos o may mali bas a tinitingnan. Minsan naman ay ngingiti nalang ito bigla pagkatapos mapatingin kay Princess. Minsan pa nga ay bigla nalang niya itong tutulungan pagkatapos ay aalis ng walang sabi sabi at ngingiti pagkatalikod.

Kaya naman sa tingin niya ay may gusto ito sa kanyang matalik na kaibigan.

Si Drake ay isang taong napaka-seryoso kung titingnan pero kung makikilala niya siguro ito o nang kung sino man ay malalaman na isa din itong mabait, mapagmahal at maalagang tao.

Matalino, mayaman, talentado, gwapo at seryoso ang laging description ng mga tao dito. Pero hinid nila alam na marunong din itong ngumiti, tumulong at mag-alaga.

Kung titingnan mukhang bagay naman ang dalawa at mukhang gusto din ng dalawa ang isat isa.

Hindi niya lang sigurado kay Princess pero parang meron nga, the way itong tumingin kay Drake, at si Drake kung hindi mo mamatyagan si Drake hindi mo makikita na may gusto pala it okay Princess pero kung pagmamasdan napakahalata na may gusto ito kay Princess.

Nagpaluloy lang si Nathan sa pagtingin sa paligid para makita ang isang taong gusto niyang makausap.

‘Princess, malapit ka naring magka-lovelife’ sabi niya sa loob loob niya saka ngumiti.

Sa kabilang banda, hindi naman namamalayan ni Nathan na may mga dalawang pares ng mata ang nakatingin sa kanya.

*

Ano Tinitingin Tingin Mo? (Short Story) - CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon