I can't
Hindi ko maintindihan kung bakit excited akong pumasok kanina pa, kakarating ko lang sa school at nakita ko si Kim kaya agad akong lumapit
"Si Joaquin?"napatakip ako sa bibig ko nung narealize ko kung ano ang sinabi ko, si Rosas dapat ang itatanong ko sakanya
"Wala pa eh, sasabihin ko nalang sakanya na puntahan ka pagdating niya"nakangisi niyang sabi at bago pa ko magreklamo ay umalis na siya, napailing nalang ako at nakita ko si Loch na nakangiti sakin
"Sabi sakin ni Kim hinahanap mo daw si Waki ah?"sabi niya sakin at agad akong umiling
"Hindi, si Rosas dapat itatanong ko sakanya"sabi ko at nag 'ayiiee' siya sakin at tinutusok pa ang bewang ko kaya nakikiliti ako
"KHRIZIARA"napatingin ako sa tumawag sakin, si Joaquin na tumatakbo palapit sakin
"AYOWN NAMAN"asar ni Loch samin kaya kinurot ko siya tagiliran
"Aray naman!"saway niya sakin hanggang sa nakalapit na samin si Joaquin
"Zi, sabi ni Kim hanap mo daw ako"sabi niya sakin kaya nahiya ako, huhu bakit ko ba siya iniisip kasi palagi?
"Ahh hehe namali lang ako ng pangalang nasabi"napangiti siya sa sinabi ko at gusto ko ng magpalamon sa lupa dahil sa hiya
"Ah sige, wala ka bang sasabihin?"agad akong umiling kaya natawa siya sakin
"Ako kasi meron"sabi niya sakin sabay lapit ng bibig niya sa tenga ko
"Gusto kita, Khriziara"
Joaquin's POV
Natatawa pa din ako sa galaw ni Zi ngayon, lunch break kasi ngayon at nasa tabi ko siya dahil sa mga kupal kong kaibigan.. Pagkatapos ko kasing umamin sakanya di na siya komportable na malapit sakin"Kumain ka na"pagkasabi ko non ay napatalon pa siya sa upuan niya haha ang cute
"OA mo naman be"sabi sakanya ni Rosas kaya natawa sila Kim kaya napakunot ang noo niya
"Ay alam mo ba be? Si Waki kanina, grabe kinikilig ako"sabi ni Loch kaya tumaas ang kilay ni Zi
"Tumahimik ka nga"naiirap na sabi ni Zi kaya natawa kami, siniko ako ni Drew
"Umamin ka na pala? Naayos mo na ba"tanong niya sakin at umiling ako. Ayaw akong tigilan ni Freya kaya magpalalit nalang ako ng number para di niya ko matext/matawagan
"What?"pabulong niyang sabi at umiling ako kasi aalam ko ang iniisip niya
"Hindi ko masasaktan si Zi, I'm protecting her while I'm fixing this"sabi ko sakanya kaya lumiwanag ang mukha niya
"That's good to know, andito lang kami para tulungan ka"sabi niya sakin napangiti ako, maswerte talaga ako sakanila
"Tas si Zi biglang hinanap si Waki"napatingin na kami kay Kim dahil kinukwento niya talaga kung ano ang nangyari kanina
"Bwisit kayo"napanganga ako dahil bigla siyang nagsabi non at nag walk out
"Hahaha Zi! Joke lang!"sabi ni Kim pero di siya tumigil kaya nagmamadali akong hinabol siya
"Saglit guys!"paalan ko sakanila saka sinundan si Zi, nakita ko siya sa isang classroom na walang tao kaya pumasok na ko
"Zi"napatingin siya sakin pero agad din itong umiwas
YOU ARE READING
Joaquin's Regret (Regret Series 1)
Fiksi Penggemar"She loved me, she gave me the feeling of heaven but I tortured her by giving her the feeling of hell. Now she is gone, my angel left me now. Will she give me a chance if I already showed her the hell she did not deserve?"-Joaquin Zane Mendoza