Chapter 30

58 2 8
                                    

Vincent's POV

Sinamahan ko kinabukasan si Bianca sa ObGyne. Noong una nga ayaw pa niya magpasama dahil baka mamaya ay umasa na naman daw kami.

Pero katulad ng naiisip ng mag-asawang Oshin at Stanley, positive! Buntis nga si Bianca. Abot-abot ang tuwa niya nang malaman niya ang resulta.

"Basta po Mrs. Novales, ingatan ang sarili. Take your vitamins, eat healthy foods. Iwasan ang mapagod at ang mastress."bilin ng ObGyne.

"Thanks talaga Doc."

Dahil sa bawal siya mastress at kailangan niya mag-ingat. I hired more maids na gagawa ng lahat para sa amin ng asawa ko. Isa pa ay mas dinagdagan ko pa ang oras ko kasama si Bianca kaysa  sa trabaho ko sa opisina.

"Baby Boy, pwede bang paabot naman ako ng water? Nauuhaw ako."utos ni Bianca.

"Heto na po."saka ko iniabot ang isang baso ng tubig na siya namang agad niyang ininom. "Nabusog ba kayo ni Baby?"malambing kong tanong dito. Tumango lang ito bilang tugon sa akin.

Mabilis na lumipas ang ilang buwan. Naging maayos naman ang pagbubuntis ni Bianca. Nag-aalala din ito sa kompanya dahil nga sa madalas ay nasa tabi niya ako. Gusto kong bumawi sa kanya. Gusto kong alagaan sila ng anak namin. Wala ako sa tabi niya noong mga panahong si Calvin ang nasa tiyan ni Bianca.

Inilapit ko ang mukha ko sa bumubilog na dyan ni Bianca saka nagsalita. "Baby, 'wag mong pahihirapan si Mommy. Daddy's here para alagaan kayong mabuti ni Mommy. I love you Baby."saka ko hinalikan ang ito. Bago ko pa man alisin ang mga kamay ko sa pagkakahawak sa tiyan ni Bianca, nagulat ako nang maramdaman ko ang paggalaw ng baby sa loob nito. Tumingin ako kay Bianca. Ngumiti ito sa akin. "Sumagot si Baby?"natutuwa kong tanong dito. Nakangiti itong tumango sa akin.

"Baby? I love you."muli kong sabi. Walang pagsidlan ang saya ko nang muli itong lumikot sa loob. He knows my voice. Alam niya na ako ang Daddy niya. I feel amazed kapag gumagalaw siya sa loob ng tiyan ni Bianca.

————————————

8 months na ang ipinagbubuntis ni Bianca. Thank God na nalagpasan na niya ang maselang paglilihi niya. Pati kasi kami ni Calvin nadadamay sa mood swings niya. Sabagay, ganoon naman daw talaga ang mga buntis. Madalas, mainit ang ulo sa kanilang asawa. At madalas din na horny ang mga ito. Hindi ko maitatanggi iyon. I asked the OB kung okay lang bang may mangyari sa amin habang buntis siya. Well, okay lang daw basta hindi maiipit ang tiyan ni Bianca sakaling gawin namin iyon. Isa pa, ang akala kong kalokohan na sinasabi ni Migs sa akin ay totoo pala. Sex is helpful para mas maging malambot ang kwelyo ng sipit-sipitan ni Bianca. Haha, nakakatawa pero ito talaga ang sabi ng OB.

It's Friday morning nang magpaalam ako para magpunta sa office to check all the reports na regarding sa nakukuhang kita ng kompanya. I was on the meeting when my phone rings. Noong una, hindi ko ito pinansin pero when I saw the name who's calling; I immediately stand to dismissed the meeting.

"Dad?! Kanina pa ako tawag nang tawag!"si Calvin.

"Bakit ka napatawag?"

"Si Mommy. Sumasakit daw ang tiyan niya kanina pa."

"Ha?! E 'di ba hindi pa niya kabuwanan?"

"We're going to Mark James Hospital."

"Okay, papunta na ako."

Nagmadali akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot ang pagdadrive nito. It was an emergency! Bakit ba hindi ko nasagot agad? Baka kung mapaano ang mag-ina ko.

Padabog kong binuksan ang kwartong sinabi sa akin ng nurse sa entrance. Kahit na humahangos ay agad kong ikinalma ang sarili ko nang makita kong nakahiga si Bianca sa kama. Nilapitan ko siya at hinalikan sa noo dahilan para magising siya.

"Vincent?"

"Kamusta na pakiramdam mo? Si baby? Kamusta siya? May masakit pa ba sayo?"sunud-sunod kong tanong sa kanya dala ng pag-aalala ko.

"Mr. Novales, she's okay now. Siguro, nireready lang ni baby ang paglabas niya. I suggest na mas tutukan ni Misis ang pagpapahinga niya. Malapit na siyang manganak kaya kailangan niya ng lakas."si Doc.

"Salamat, Doc."

"Pwede n'yo na siyang iuwi."

——————————

Nang makauwi kami ay hindi pa din maialis sa isip ko ang mag-alala ng sobra. Nakakakaba pala kapag ganito. Mas nangingibabaw ang kaba kaysa sa saya.

"Don't worry Vincent, magiging okay din ako at si Baby."si Bianca na pilit ang ngiti.

"May masakit pa ba sa'yo?"I asked her.

"Medyo. Masakit na kapag lumilikot si baby sa t'yan ko."

"Ganoon ba? Magfile kaya ako ng vacation leave? Gusto ko kapag manganganak ka na, nasa tabi n'yo ko"

"Paano 'yung trabaho mo? Yung kompanya? Kailangan ka nila."

"Bianca, mas kailangan ako dito. Paano kung maulit 'yung nangyari? Si Calvin lang ang kasama mo. Atleast, kung ako ang nandito maaaalalayan kita."

"Sige. Wala naman akong magagawa di ba?"

"Bianca, gusto kong makita si baby sa araw na ipanganak siya. Ayoko nang maulit ang nangyari dati."

"Sige."pagpayag nito.

——————————

Bianca's POV

Bago ako matulog ay pinakain ako ni Vincent ng calamansi. Nakinig kasi ito  sa sinabi ng isang maid namin. Wala naman daw masama kung susunod sa sinsabi ng matatanda. Siguro, naninibago lang ako. Noon kasi, wala namang nag-alaga at gumabay sa pagbubuntis ko kundi si Oshin.

Tumingin ako sa phone ko para icheck kung anong oras na. It's past 11:00pm na. Nahiga ako sa tabi ni Vincent para matulog na. Nang maipikit ko ang mga mata ko ay bigla akong nakaramdam ng paghilab sa t'yan ko. "Aaarrayy!"daing ko.

Napabalikwas ng bangon sa kama si Vincent. Bakas sa mukha niya ang antok. "Anong nangyayari sa'yo?"

"Ang sakit! Ang s-sakkiit ng t'yan ko!"bulyaw ko.

Inalalayan niya ako tumayo at dahan-dahang naglakad palabas ng kwarto. Dahil nga malalim na ang gabi, nabasag ng isang malakas na sigaw ni Vincent ang katahimikan ng buong bahay. Agad din namang naalerto ang mga maids maging ang driver para ihanda ang lahat.

Mahigpit ang kapit ko sa kamay ni Vincent habang nakasakay kami sa backseat ng kotse niya. Ang driver naming si Mang Greg ang nagdadrive. "Kaya mo 'yan ha."si Vincent. Hinawakan niya ang t'yan ko saka muling nagsalita. "Baby, 'wag mong pahirapan masyado si Mommy ha." Hindi ko mapigilan ang ngumiti sa naririnig ko mula kay Vincent sa kabila ng sakit na nararamdaman ko.

Nang makarating kami sa isang private maternity clinic ay kasama si Vincent sa mga umalalay sa akin papuntang delivery room. Hindi na ako makalakad ng ayos dahil sa sobrang panginginig ng mga tuhod ko. 

Naiwan sa labas si Vincent kasama ang driver at isang maid namin. The midwife pop my water bag after kong maihiga doon. Naramdaman ko ang paggupit sa parte ng pagkababae ko. Hindi ko na nagawa pang dumaing sa sakit. Basta ang nasa isip ko, mailabas ko ng maayos ang anak ko. "Push."ang midwife. Buong lakas akong umire. Hindi ko alam kung ilang beses kong ginawa iyon. Hanggang sa makaramdam ako ng ginhawa kasabay ang isang matinis na iyak na para bang isang musika. Ang sarap pakinggan sa tenga ng iyak niya.

"It's a baby girl."narinig kong sabi ng midwife. Agad akong napatingin dito. Walang pagsidlan ang saya ko nang makita ang malikot at malusog kong baby.

Habang nililinisan ako ay tanaw ko ang anak kong umiiyak sa kabilang side na nililinisan rin. After nito malinisan ay inilagay ng nurse sa dibdib ko na nakadapa ang baby ko. Wala pa rin itong tigil sa pag-iyak. "Ang lusog ng baby n'yo Mam."nakangiting sabi ng nurse sa akin. "Ano pong ipapangalan n'yo sa kanya, Mam?"tanong nito.

"Maevin. Maevin ang pangalan niya."

—————————

Epilouge na po ang next! Salamat sa lahat ng bumoboto! 😘😘😘

Unedited.

Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon