Chapter Twenty-Eight: The Missing Heiress

1.4K 38 11
                                    

Third Person's POV

Sayawan na ang nagaganap ngayon at talaga namang nag-eenjoy ang lahat, pati si Vilma ay kahit paano naman na nae-enjoy ang gabi kahit na alam niyamg ito na rin ang gabing hinihintay nilang lahat.

"After this, gusto ko sana ako mag-a-announce sa kanila..." bulong ni Marco kay Vilma. Napangiti naman ang dalaga, kahit ano namang ay papayag siya, malaki-laki na rin naman kasi ang atraso niya sa fiance. "Anything," bulong naman niya.

She swears na haharapin naman niya ang mga nangyayari sa buhay niya. She said this before, her pieces are emotionally attached to her, kaya naman nahirapan siya sa mga gagawin. Pero na nga ang gabing hinihintay nila. Matatapos na sa wakas ang ilang buwan din nilang paghihirap.

"What is it?" biglang bulong ni Marco na parang nabasa ang isip niya.

Napangiti lang siya at mas niyakap na lang ito. She admitted for a long time, she is a control freak. Control Freak na talaga namang magaling sa trabaho niya. Pero simula noong nagpumilit na manligaw ang lalaking ito sa kanya, sino mag-aakalang magiging tunay na babae pa pala siya.

"Marco, thank you," bulong niya din. Hindi siya ang tipo ng babae na talaga namang madrama at emotional pero kapag dating dito sa fiance niya, bumalik siya sa pagka-teen niya.

Kung baga sa mga couples ngayon, Kilig Much lang.

Ramdam din niya ang closeness nito sa kanya. "You're welcome but I think I should thank you more. Sa tagal ko ba namang nanligaw sayo, sinagot mo rin ako at ngayon nakatali ka na sa engagement rings natin."

Hindi napigilan ni Vilma na matawa na lang. No comment na lang siya kasi totoo naman ang sinabi nito, ang mali lang ay hindi siya nakatali sa mga engagement rings kundi sa mahal niya mismo. Nakatali siya nga mahigpit kay Marco.

Sila Apollo at Jean din ay masaya at malambing sa isa't isa habang sumasayaw, sinong mag-aakala na babalik pala sila sa ganito. Tama nga na hindi basta basta kapag nagmahal ka na, may mga problema pero alam niyo naman kung paano ito susulusyonan. Basta ba mahal niyo talaga ang isa't isa.

"Apollo, ilang baby ba ang gusto mo ?" parang isang batang nagtatanong na naman si JL. Pang-ilan beses na rin itong tanong niya para sa pagbubukas ng topic nila kapag sakaling mag-asawa na daw sila.

Natawa lang naman si Apollo, hindi dahil natatawa siya kay JL kundi hindi niya alam kung paano pa maipapakita na sobrang saya niya ngayon. Sino ba naman kasi ang hindi sasaya kung ang mismong mahal mo na ang nagpaplano para sa future niyo. Lalo na ngayon at usapang bata nga ang hiling nito. "Ikaw ba, how many babies would you like?"

Buti na lang at malamig ang hangin kahit nasa loob sila, ang init init na naman ng mga pisngi ni JL kaya naman nakatulong ang malamig na hangin para hindi daw siya pumutok na lang bigla. Hindi na rin niya maitago ang ngiti kaya naman ihinilig na lang niya ang ulo sa dibdib nito.

"Kahit ilan, Apollo. Basta ba ikaw ang daddy ng mga magiging anak ko, why not?" kinikilig pa rin niyang sagot.

Pati si Apollo ay ang ganda ganda na rin ng ngiti. Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal sa kanila. Oo, cassanova silang naturingan pero kagaya ng Dad nila, nakahanap at nakahanap pa rin sila ng babaeng talaga namang magpapatino sa kanila.

"I love you most, Ms. Grey," bulong ni Apollo at hinalikan ang temple ni JL.

Hindi na alam ni JL kung maiiyak pa siya o sasabog na sa kilig dahil sa lalaking ito! "I love you most, Mr. Ashford."

~~~

June's POV

Kanina pa ako nandito, nandito nagsasaya kahit na naghihirap na pala siya. Hindi na ako nagpaalam kila Mommy at nagtext na lang. Hindi na ako pwedeng magtagal doon kung natanggap ko na ang tawag na kanina ko pa hinihintay.

Casanovas' Nanny (FIN / UNDER EDITING AND REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon