My Sweet Knight In Shinning Armour

27 0 1
                                    

Intro: :))  TO MSKIS CHAPTER 1

Hi Guys I want to share lang my piece.. :))

Warning: PG 13

MAY MGA SCENE AND WORDS PO SA CHAPTER NA ITO NA DI PO MAGANDA SA MGA BATA.. HOPE KONG MAINTINDIHAN NILA.. :))

CHAPTER ONE:

Kasalukuyan siyang naglalagay ng make-up nang marinig niya ang malakas na pag busina sa labas. Mabilis na pumunta si Samantha sa terrace para dumungaw. Ang kwarto kasi niya ay nasa tapat lang mismo ng driveway. Nakita niya si Jacob na lumabas ng kotse at tumingala.

"Wait Bababa na ako malapit na," sabi niya na medyo malakas na tone ng boses. Nakita nyang dala nito ang kulay maroon na Honda City sa dulo ng driveway.

"Sam! bilisan mo.. It's almost seven na.. tinuro nito ang relo sa braso.

Agad syang bumalik sa kwarto. pumunta sa salamin at binigyan ng final look ang sarili at agad dinampot ang black bag at shawl sa bed at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Halos takbuhin na niya ang mahabang hagdanan.

Sa ibaba, hindi na niya nakita na nakabukas ang pinto ng library at nakita siya ng kanyang Mommy. Nakalagpas na siya ng marinig ang malakas na tawag nito.

"Samantha Gale!"

Biglang napahinto sa paglalakad si Samantha. Bumalik siya sa kinaroroonan ng kanyang mommy sa library.

"What is it,Mum??" Sabi nya na bagamat hindi malakas ang pagkakasabi ay hindi naitatago ang iritasyon. Lalo na ng makita ang Tito Ricky niya na nakaupo sa harapan ng Executive desk.  Ang stepfather niya.

"At saan ka na naman pupunta hija?"Aalis ka na naman na hindi ka nagpapa alam sa akin. magkahalong awtoridad at sama ng loob sa boses nito.

Birthday ni Jacob ngayon mom. sinusundo na niya ako sa baba.... nasa boses na nito ang pagkabagot.

tiningnan siya ni Alessandra. "Pero, hija, bakit ganyan ang suot mo?"

she rolled her eyes."Whats wrong with my dress mom?" Niyoko nito ang sarili. Isang manipis na Strapped off white mini dress. at kalahati na ng likod nito ang nakikita.at sa harap ay nakalitaw ang cleavage nito.

It's too reaveling... sabi ng ina.

"Come on, Alessandra, masyado kang old fashioned, Si Ricky na sinulyapan siya attuamas bumaba ang mga mata sa kakatingin sa kanya sa paghanga.

"Mum, I have to go.." hinihintay na ako ng sundo ko sa labas. sabi ni Samantha

pero hija anong oras ka na naman uuwi?

hindi na sinagot ni Samantha ang tanong ni Alessandra at nagmamadaling lumabas ito ng pinto.

Nakita nyang nakaabang sa labas ng sasakyan si Jacob at iritable na.

Sorry for waiting..  ngumiti ito ng matamis para mawala ang pagkabagot ng nagsundo sa kanya.

"Where are you going again Samantha Gale?" isang boses ang kanyang narinig.. Dalawang tao lang naman sa buhay nya ang tumatawag sa kanya ng ganoon.. ang isa ay si Alessandra na kanyang ina at ang pangalawa ay Si..

Si Sajo ang nakakatandang kababata nya..

ohh guys bitin ba?? haha okay lang yan marami pa naman  Chapters ang susunod  :))

ABANGAN!

Sino ba si Sajo? Bakit ganon na lang din ang pag aalala nito kay Samantha?

hmmmm.. :))

Chapter Two

THE CONFRONTATIONS

May dalawang tao lang naman sa buhay ni Samantha ang tumatawag sa kanya ng ganoon. Una ang kanyang ina na si Alessandra at ang pangalawa ay si...

Si Sajo.. ang nakakatandang kababata nya. Agad siyang napalingon sa gawing daan kung saan nakatayo ang kanyang kababata.. "At bakit??"sagot nito kay Sajo. "Kailan pa kita naging kuya?" sagot nya uli. Malamang noong mga panahong kumakain ka ng lollipop sa daan at kinagat ka ng aso ni aling Miding sa puwet. Isang malakas at nakakalokong tawa ang sinagot sa kanya ni Sajo..

~¤¤Reminiscing¤¤~

8 years old ako ng panahon iyon habang naglalakad ako, napadaan ako sa tindahan ni Aling Sonia. bumili ako ng paborito kong candy." Aling Sonia, pabili nga po ng lollipop 10 piraso po." Lumabas ang matabang babae na lagi nalang na ka suot ng rollers sa buhok. Agad akong binigyan ng lollipop. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad, nakarinig ako ng isang malakas na sigaw galing sa aking likuran Boses ng isang babae na takot na takot..

Nakaramdam nalang ako ng sakit at kirot galing sa aking pwet. Ayon pala ay nakagat na ako ng aso ni Aling Miding na nakawala. Ay nako Dios ko po! nakagat kana ng aking alaga.. Halika idadala na kita sa Doktor.

Hindi ko na napansin ang matandang babae sa kanyang pagsasalita,Tumulo nalang aking ang mga luha. Maya maya ay nakaramdam ako ng pagbuhat galing sa likuran ko.. Napansin ko nalang na buhat ako ng di ko kilalang lalaki. Habang buhat nya ako ramdam ko ang kanyang dibdib, ang amoy ng pabangong cologne, at boses nito. iniangat ko ang aking muka para malamn kung sino siya.. Imbis na indahin ko ang sakit dahil sa kagat ng aso. ako'y napanganga.. "Oh ang gwapo nya.." Sa murang edad na 8 taong gulang ay nagkaroon ako ng paghanga sa di ko kilala.

Nang marating na nila ang Ospital ng Sta. Barbara, Nilapatan si Samantha ng mga gamot para sa kagat ng aso.. Dumating din ang kanyang mga magulang Sina Alessandra at Rodolfo."My princess what happened to you? Are you okay?? How does your Feel?? Daddy and your Mom are here so don't be afraid Okay.." wika ng ama sa kanya sabay halik sa noo yakap.. Nag iisa lang kasing anak si Samantha ng kanyang mga magulang.

Kinausap ni Alessandra si Aling Miding sa nangyaring insidente.. Humingi ito ng paumanhin dahil sa nangyari sa kanilang anak. Habang nauusap ang tatlo, Lumapit Si Sajo kay Samantha para kausapin. "Hi? kamusta na? masakit parin ba? anong pangalan mo?" tanong nito.  Tumango lang ito at sumagot.  I'm Samantha Gale Dela Vega But my friends calls me Sam in short  isang matipid na ngiti lang ang binigay nya rito. "Ikaw anong pangalan mo? Ako pala si Sajo Ferrero. bagong lipat lang kami ng aking Mommy doon sa tapat ng bahay nyo. nabili na kasi ni Mommy ko ang bahay na iyon.

Lumapit si Alessandra at Rodolfo sa kanila.. "At ikaw pala ang matapang na bata na tumulong sa aming anak. wika ni Alessandra.. Ano nga ulit ang pangalan mo? Ako po si Sajo Ferrero bagong lipat lang po kami ng aking mommy sa tapat ng bahay nyo. ulit nito sa magalang na boses.  "Maraming Salamat sa pagtulong  mo sa pagdala sa aming anak". wika ni Rodolfo. isang mahigpit nayakap ang binigay nya rito bilang pasasalamat.

Pumasok sa pinto ang Doktor na tumingin kay Samantha. at kinausap ang mga magulang nito.. Hi I'm Dra. Rodriguez your child physician. Don't worry Mr. Dela Vega, she's okay now. Sabay lingon sa lugar kung nasaan si Samantha. pwede na po kayong makauwi.. And this is her medicine for pain. she will take that after meals. Nagpasalamat ang mag asawa sa doktor.

Lumapit ang doktor kay Sajo. Mabuti nalang nakita sya ng pamangkin ko sa daan at natulungan syang dalhin dito. "Oh at pamangkin mo po pala itong matabang na binatilyong ito" wika ni Alessandra. "Anak po sya ng nakatatanda kong kapatid na si Bernadette bagong lipat po kami ng ina nya sa Villa Verde Subdivision". Paliwanag nito. "Ay opo Nasabi na ni Sajo sa amin na nabili nyo na ang bahay sa harapan ng bahay namin. wika ni Alessandra.

Ngumiti si Dra. Rodriguez,  "Oh sya mauna na po ako inyo at marami pa po akong bibisitahing pasyente sa ibaba." Sajo pakisabi kay Mommy mo na Ma lalate ako ng uwi dahil may aatendan pa akong meeting." Okay po Tita Shyne isang malapad na ngiti ang ibinigay nya dito na nakita ni Samantha.

"Hijo, sumabay kana sa aming umuwi at ihahatid ka na namin sa inyo. mag hahapon na baka hinahanap kana ng mommy mo."Sabi ni Rodolfo.  isang tango naman ang binigay ni Sajo.

Hay tapos na ulit ang chapter na ito.. Guys anong masasabi nyo?? Hope magustuhan nyo..

like lang kung nagutuhan nyo at mag comment kung anong eksena ang nagustuhan nyo.. ;))

My Sweet Knight In Shinning ArmourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon