Tahimik na buhay
Bigla nagkagulo
Noong nabuo ang pagibig natin
Magsisimula sa isang biruan
Nagtatapos sa pikunan.
Maraming boses nagpapaalala
Wag iibig sa ganyang tipong lalaki.
Ano nga ba siyang tipo?
Anya tatak quiapo
Tatak manloloko
Ngunit puso’y mahirap pigilan
Nahuhulog na ko sa bitag
Matatamis salita lumalabas sa labi. Masarap pakingan sana’y wag na matapos
Pero ano tong naramdaman
Parang masakit sa ngipin nasobrahan sa tamis.
Ngunit hindi pinansin ipagpatuloy
Nilagay ang sarili at siya.
Sa mundo na sila ang namumuno
Maraming reyalista nagwewelga
Pikit bulag ko sinusuway ng magulang
Nagkaalitan din sa malapit na kaibigan
Nadulas, nagising na sa katotohanan
Nagayuma ata ako
Masakit man bagitin
Paalam ! maraming na ata naapakan
Hindi ko na masikmura.