Mahigit isang oras akong nabagot kahihintay. Pero bago ko pa man marealize na willing naman akong samahan ng mga barkada ko para maghintay e napauwi ko na sila. Medyo may kabobohan talaga ko, at likas na sa akin yun.
Isa isa nang nagsilabas mga kaklase ni Dancel. 'Di kasi sila kasya sa pinto kung magsasabay-sabay sila. Panglima sa huling lumabas si Dancel, medyo natagalan dahil isinagawa pa nila ang ritwal nilang magkakaibigan bago umuwi. Madalas nilang gawin yun, tuwing may isang dadating o kaya ma'y uuwi. Diko alam kung nakakapagtanggal ba iyon ng sakit ng katawan tulad ng salonpas o kaya man ay nakakapagprevent ng kabag tulad ng katinko, o baka naman nakakapagpataba tulad ng tiki-tiki? Medyo nakakatawang isipin pero diko talaga maintindihan kung bakit sila nagbebesso-besso sa tuwing papasok o kaya uuwi. Naimpluwensiyahan na rin nila pati ibang babae sa school.
Ayan na siya. Unti-unting lumalapit. Lumalakas ang hangin. Nagkaeffects mga mata ko na parang DSLR camera. Yung tipong nasa gitna ang focus tapos blurred yung paligid. Parang nagmamadali ang puso ko habang nagmamatrix naman sa bagal ang utak ko habang palapit sya ng palapit.Tingin ko sa kaniya e kawangis ni Megan Fox nung iginala sya ni Sam Witwicky gamit si Bumblebee sa Transformers. Tinamaan na ata ko. Oo, tinamaan na nga ata ko, di lang ako sigurado kung sa puso o sa ulo.
First day pa lang stressful na. Kailangan ko pa syang ihatid hanggang sa sakayan ng tricycle habang bitbit mga libro nya. Tapos humirit pa sya ng isang kwento habang naglalakad kami:
"Magkwento ka naman." hirit nya.
"A, e, tungkol saan?", nanginginig na tanong ko.
"Uhhmm. Ilan na naging girlfriend mo?" mabilis ang naging sagot nya na idinaan nya sa pamamagitan ng isang tanong.
"A-ako? Wa-wala pa e. Pero may niligawan na ako nung elementary." nanginginig ang boses ko habang nagsasalita. Nag-iingat na baka may masabing di makatotohanan.
"Ah. So kamusta naman yung naging panliligaw mo sa kanya?" ang hirap ng tanong nya. Parang gusto ko na lang magsinungaling imbis na sabihing nabusted ako.
"A, e, wala ee. Nabusted ako. Torpe pa kasi ako nun ( Hanggang ngayon ). Pero okay lang, nakamove on naman ako after 6 months. Hehe." natawa ko sa mga sagot ko na ikinagulat naman niya.
" Huh?! Six months?! Sigurado ka?! Ligaw palang inabot na ng 6 months para makamove on?! Grabe. Gaano ba kaganda yon at inabot ka ng gano'n katagal para lang makamove-on?" pinandidilatan nya ko ng mata habang nagtatanong.
"Sa totoo lang hindi naman sya gano'n kaganda, simple lang. Yung tipong suklay lang okay na. Hindi sya tulad ng ibang babae na mukha ng espasol kapupulbos tapos amoy pormaline naman kakaspray ng pabango. Talented rin sya. Kaya patay na patay ako sa kanya nun." nangingiting sagot ko. Biglang tumahimik si Dancel. Napayuko't 'di tumitinigin sa 'kin.
"O, may problema ba?" tanong ko.
"Ah. Wala wala. Wag mo na kong intindihin." Napabuntong-hininga na lang ako habang inaalis ang tingin sa kanya. Halatang nagselos sya sa bagay na sya naman nakaisip na pag-usapan. Ewan ko ba, ang hirap nya talagang spellingin.
Hindi kami nag-iimikan hanggang sa sakayan. Pero dahil natural sa 'kin ang pagiging malambing, di ako nakatiis na suyuin siya bago siya sumakay.
"Oy." "Bakit?" malumanay ang boses ni Dancel.
"Sorry na. Alam ko nagseselos ka dahil sa kinuwento ko kanina."
"Okay lang. Wala yun."
"Hindi. Galit kapa e o."
"Hindi nga. Uuwi nako." paalam ni Dancel.
BINABASA MO ANG
High School Pandemonium
Teen FictionPara sa mga kabataang pumapasok na estudyante at lumalabas na mandirigma, sa mga gurong pinatanda ng panahon na pinalala pa ng kunsomisyon, para kay finn at jake, at para sa inyong lahat. -gallanoromantico©