Abala ang halos lahat ng tao sa ginagawang preparasyon para sa espesyal na araw. Mula sa pag-aayos ng mga bulaklak hanggang sa kung saang sisidlan ito nababagay, kung ilang upuan ang dapat rentahan para sa ganitong okasyon. Sa sasakyang na gagamitin sa paghatid at pagsundo. Sa kung ilang tao ba ang dadalo, o kung ano-anong putahe ang dapat iluluto. Pati narin ang tutuluyan ng bisita pagkatapos nito. Mapapansin ang kulay puting tema sa lugar na pagdadausan. Nariyan na rin ang make-up artist at sinimulan na nilang ayusan ang aking mahal, sila na rin ang magdedesisyon kung ano ang susuotin mo. Umalis muna ako saglit upang salubungin ang mga nagsisidatingan bisita, mga kamag-anak pati narin mga kaibigan, mga mukhang matagal nang di nasilayan kaya naman nagdagsahan ang besohan at yakapan. Pagtapik sa balikat senyales ng pagsuporta sa kabang nadarama at sa luhang nagbabadya. Naputol ang kamustahan sa pag-aanunsiyo na oras na.Heto na paparating na ang bida, papalapit na siya kasama ang kaniyang ama't ina, may kasama pang alalay. Dumoble ang pintig ng aking puso at ang luhang kanina'y nagbabadya ay tuluyan nang tumulo. Habang pinagmamasdan ang iyong paglapit, di ko maiwasang gunitain ang mga ala-alang dahan dahan nating binuo. Mga ala-alang nagparamdam ng magkahalong lungkot at saya. Mga ala-alang naging tanglaw ng pangako ng tayo. Mga ala-alang patuloy na bumabalik sakin, mula sa araw na ako'y iyong batiin, sa unang ngiting iginawad mo sakin, sa unang lapat ng iyong kamay na saktong-sakto sakin, sa paglapat ng aking labi sayong noo, isang halik na walang halong pagnanasa at purong pagmamahal lamang, sa bawat pagkislap ng iyong mata tuwing tayo ay magkasama, hanggang sa kahapon na nagbigay ng labis na galak. Di ko akalaing sa ganito aabot ang lahat. Ang paglapit mo ay sadyang nakakapanikip ng dibdib, nakakabingi ang tibok ng aking puso. Eto na nga, sa unting sandali'y nasa harap na kita. Sa pag-angat ng aking mukhay bumungad sakin ang dalawang pares ng mata. Ang mga mata ng iyong ama't ina, mga nangungusap na mata. Nakikiusap na tapusin na ito agad para ikaw na nga ay makapagpahinga.
Pag-angat ng tumatabing sayong mukha, unti-unti kong napagtanto ang iyong kagandahan, at muli ako'y nabighani. Sa singkit mong mga mata, sa pilikmatang di naman ganun kahaba, sa medyo matangos mong ilong, at sa labi mong hindi gaanong mapula. Hindi ka man perpekto ngunit paulit-ulit akong nahuhulog sayo. Di lang naman mukha ang ipinagpala sayo kundi pati ang kalooban mo. Hindi rin nakatakas sa mapagmasid kong tingin ang iyong suot, kung paano pinatitingkad ng disenyong maliliit na bato ang kulay mong namumutla. At kung paano nito nabigyang pansin ang natural na gandang iyong taglay.
Pinaunlakan ko ang presensiya ng pari saking harapan. Nang simulan niya ang seremoniya, muling naglakbay ang aking isipan. Baka kasi hindi ito totoo, baka nananaginip lang ako o baka isa lamang ito sa imahinasyon ko. Ngunit isang malakas na ingay ang nagpabalik sa aking ulirat. Sa bawat sentimero ng paglapit mo'y alinsabay ng pag-ingay ng masa. Ingay ng dahil sa pighati at kasawian. Ingay na mula sa luhang puno ng lumbay. Naibalik ko ang aking atensiyon sa pari, nang banggitin nito ang aking pangalan upang magbigay ng mensahe. Dahan-dahan akong tumindig at isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago nagsimula.
"Ang pangyayaring ito ay hindi ko inaasahan, sadyang nakakagulat at pati siguro kayo ay hindi rin handa. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung sabihin o kung saan ako dapat magsimula. Nakakapanghina ng loob, at unti-unti nitong inuubos ang aking lakas. Tuwing sinusubukan kong kumbinsihin ang aking sarili na magiging ayos din ako, naalala ko ang lahat ng ginagawa namin . Tuwing napapadako ang tingin ko sa mga lugar na pawang mga lugar lamang, ngunit nagpapaalala kung gaano tayo kasaya. Tuwing pinapanood natin ang mga bituin habang yakap natin ang isa't isa. Yung magkasama pa tayong dalawa. Ang hirap tanggapin. Sabi ko sa sarili ko kaya mo yan pero masakit talaga, tuwing naaalala ko ang iyong pagtawa na dati'y nagpapagaan ng aking nararamdaman. Tuwing naglalaro saking isipan yung ngiti mong nagpapakalma saking buong sistema. Yung tinig mong hinehele ako at dinadala sa isang payapang lugar. Lahat ng mga ala-ala natin sa bawat araw, bawat oras, bawat minuto at segundong lumipas ay bumabalik sakin. Hindi ko matanggap hanggang ngayon" bahagya akong tumigil upang pigilan ang luhang gusto umagos mula saking mata. Tumingala ako upang hindi ito tumulo. At huminga uli ng malalim umaasang pati ang paghikbi ay mapigilan rin. " hindi ko naisip na sa ganitong paraan tayo matatapos, na sa oras na ito mismo ay ihahatid na kita sayong huling hantungan" muli king narinig ang paghagulgol ng ating mga kamag anak at mga kaibigan. " gusto kong itanong kung bakit mo ako agad iniwan, pano na ang ating pangarap? Ang ating mga plano?. Pano na ako?. Siguro nga tama sila. Ang sugat na hindi nakikita ang pinakamatagal na gumaling sa lahat ng uri ng sugat. Mapagaling man ito ng oras ngunit nag iiwan ng lamat. Alam kong hindi lang ako ang nagluluksa, alam kong nasasaktan lahat ng andirito, pero pasensiya na kung hindi ko na mapigilan ang aking emosyon. Sa takbo ng ating relasyon, ako ay may natutunan. " pinunasan ko ang aking mga luha. " hindi sapat na mahal kita at mahal mo ako, hindi sapat na kaya kitang ipaglaban at kaya mo akong ipaglaban. Hindi sapat na kaya kong mamatay para sayo at ikaw para sakin. Hindi pwedemg sobrang mahal ninyo ang isa't isa. Kasi kailangang sa relasyon ng dalawang tao, si God ang sentro. Dapat malaman natin na walang hihigit sa pagmamahal niya, na sa kaniya dapat ipaubaya ang pagmamahalan ninyong dalawa. Kahit na gaano katatag o gaano katagal ang isang relasyon kung hindi si God ang sentro ay hindi parin magtatagumpay. Nakakalungkot lamang isipin na kailangan mo akong lisanin bago ko matutunan ang aral na ito." Napabuntong himinga muli ako ng ilang beses bago nagpatuloy.
" hindi man tayo okay ngayon o bukas, sa susunod na araw, o sa susunod na linggo, hanggang sa susunod na taon pero nangangako ako na gagawin ko ang aking makakaya upang magpatuloy. Hindi ko masasabing ito na ang huling beses na iiyak ako dahil sayo, sana maintindihan mong hindi ito madali pero mahal kakayanin ko. Tutuparin ko na ang huling hiling mo, mahirap man pero kailangan, ngayon mahal ko pinapalaya na kita." Hirap na hirap kong binanggit ang mga katagang aking binitawan at hinayaan ko ang sarili na lumuha ngunit tinuloy ko pa din ang magsalita. "Lumipas man ang panahon, hanggang sa dagok na ito ako'y makabangon, ikaw parin mahal ang may hawak ng isang bahagi ng aking puso upang mabuong muli ang aking pagkatao. Sana'y maging masaya ka sa kinaroroonan mo ngayon. Mahal na mahal kita. Paalam" mas lalong tumindi ang ingay ng mga tao, napahagulgol na rin ako. Dito na nagtatapos ang ating kwento. Paalam, Mahal ko.PS. Thank you for reading ☺☺
