Secret Love

91 5 11
                                    

Another one shot.

Hope you'll like it! 

Nag fifeeling lang po akong may gusto ang crush ko sa akin. Haha.

Paalala, POV po ito ng lalaki.

-----------------------------------------

"Zein! Tara dito, dali, dali!" sumisigaw na tawag niya sa classmate ko. Ang ganda ng ngiti niya. Para siyang kinikilig.

"Bakit? Ano na naman yon, Allaine?" walang ganang tanong ni Zein.

Hindi ko alam pero parang nakita ko siyang sumulyap sa akin.

"Waaaahhh! Ang pogi niya, Zein!" sa sinabi niya, nakaramdam ako ng bahagyang pagkirot sa dibdib.

"Sino ba??" tanong ni Zein. Binulong niya dito yung sagot at nanlaki yung mata ni Zein.

"Seryoso? Crush mo siya?" hindi makapaniwalang tanong nito. Nakangiting tumango tango si Allaine.

"Wallpaper pa nga siya ng cellphone ko eh."

"Hay nako, Allaine. " pailing iling na sabi ni Zein.

"Uy, Aldwin! Sino tinitignan mo dyan?" napatingin ako sa classmate ko. Tinitignan niya yung tinitignan ko kanina pero buti nalang wala na sila Allaine dun.

Kilala ng ate ko ang ate ni Allaine. Palaging sinasabi ni ate na maganda daw siya pero may pagkamaligalig at maldita.

Transferee lang ako sa school na 'to pero nung nakita ko siya, parang may kung ano sa akin ang nagwawala.

"Sheeeeeeeet! Ang pogi talaga niya!" nasa may pintuan ulit namin siya at kasalukuyang sumisigaw dahil para siyang kinikilig. Sino ba kasi yung crush niya?

Galing akong canteen dahil lunch break namin. Napadaan ako sa harap niya pero hindi ko inaasahang kakausapin niya ako. "Bakla ka ba, Aldwin??" nagulat ako sa tanong niya pero napakunot lang ang noo ko at umiling ako.

Ako? Bakla? Madaming nagsasabing malamya ako kumilos at napakahinhin ko pero hindi ako bakla. Kaya ko nga nagustuhan si Allaine di ba?

"Aldwin, may tatanong ako sa'yo." tanong ni Zein isang araw.

"Oh?"

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon