The king's birthday
Pebrero 22, 1912
Third person's P.O.V
"Bukas ay kaarawan ng hari" Nakangiting sabi ni Ginoong Guredo. "Eh...Ano naman ang gagawin natin?" Tanong ni Alejandro. "I-susupresa natin silang lahat." Nakangiting sabi ni Antonio at tinapon ang isang balisong sa papel na may mukha ng prinsesa. "Makakaganti na rin ako..sa p*tanginang prinsesang yun." Bulong ni Antonio sa sarili at itinikom ang kamay."Kailan tayo aatake?" Tanong ni Antonio na pawang nasasabik. "Bukas ba?" Singit ni Alejandro. "Oo, Pagkatapos ng kanilang kasiyahan." Sabi ni Ginoong Guredo at tumawa ng malakas. Napangiti ang dalawang binata.
"Mapapasaakin ka rin Rio...maghintay ka lang..." Bulong ni Ginoong Guredo.
Tumayo si Alejandro. "Magpapahangin lang ako..." Sabi nito. Tumango lang ang dalawang lalaki.Lumabas siya sa kubo at nagtungo sa gubat para magpalamig. Nagtungo siya sa isang lawa at umupo sa isang bato. "Hay...Leñor..my Love. Bakit..hindi mo ako kayang mahalin?" Tanong nito sa sarili. Kumuha siya ng isang bato. "Sino ba ang taong humaharang sa pagitan natin!?" Sigaw nito at tinapon ang bato sa lawa. Huminga siya ng malalim at umupo ulit sa bato.
"Well....malalaman ko din naman...kaya..hintayin mo lang ako..mahal ko." Bulong nito..at tumawa na pawang baliw.
---
Pebrero 23, 1912ALTHEA's P.O.V
Naghahanda na ang lahat ng mga tao dito sa Apollious dahil kaarawan ng hari."Oh..Althea?" Nadatnan ko si Dorothy na nakasandal sa pintuan sa may hardin. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang mga balikat. "Yes..Dorothy?" Tanong ko sa kanya. Yumakap siya sa akin. "Nasasabik na ako para mamaya." Napangiti ako at niyakap siya pabalik.
"Ayiiiiieeee! Dyan nagsimula ang mga magulang ko." Narinig kong hiyaw ng isang binata. Nanlaki ang mga mata ko at bumitaw kay Dorothy. Sina Jan, Brent at Michael, nakabungis-ngis silang lahat. Napalunok ako napangiti. "Uh...'nu..ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila.
"Napadaan lang." Sabi ni Jan at sumipol. Napasimangot na lang ako at hinawakan ang mga kamay ni Dorothy. Hinigit ko siya at tinakbuhan namin ang tatlong binata. "Uy! Itatanan na niya! AHAHAHAH!" Narinig kong sigaw ng tatlong binata. "Mga Baliw!" Hiyaw ko at tumawa.
Pumasok ako sa silid-aklatan. "Anong ginagawa natin dito?" Tanong ng prinsesa. Natauhan ako at napalingon sa kanya. Na-alala ko nga pala na kasama ko ang prinsesa. "Uhm...u--" Natigil ako nang tumikdi siya at hinalikan ako sa labi. Napasandal ako sa pader.
Umurong na siya at ngumiti. Nanlaki ang mga mata ko at napalunok. "Alam ko na kung bakit tayo pumasok dito." Sabi nito at tumalikod sa akin. "Gusto mo lang naman magkaroon tayo ng oras na tayong dalawa lang, diba?" Tanong ni Dorothy. Napatango-tango na lang ako. Humakbang siya pabalik at sumandal sa akin.
"Dorothy, Leñor?" Narinig kong bangit ng isang babae. Sabay kaming lumingon sa kanan at nakita namin ang reyna. Lumayo sa akin si Dorothy at umayos naman ako ng tayo. "Uhm...nadulas lang po ako ma at natumba po kay Althea." Nakangiting sabi ng prinsesa. Napataas na lang ang kilay ng reyna pero mukhang napaniwala naman ito ng prinsesa.
Lumingon sa akin ang reyna at sumingkit ang mga mata. Umiwas ako ng tingin at mahinang sumipol. "Ok...Well then, I'll be waiting for you at the party of Jasper." Sabi nito at ngumiti saka lumabas sa silid aklatan. Lumingon sa akin si Dorothy.
"Uhm..gusto mong mag-uli muna?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya. "Gusto kong---ay..wag na pala...nakakahiya." Narinig kong bulong nito. "Gusto mong?" Tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Princess and The Soldier
Ficção Histórica《BOOK 1 OF TPATS》 Balik tayo sa 1912 sa bansang Apollious. Meet Althea Leñor and Dorothy Jane. Dalawang magkaibigan na pinaghiwalay ng tadhana pero muli silang nagkita matapos ang pitong taon. Habang tumatagal....nahuhulog ang loob nila sa isa't i...