MTP#19:Can I Date You?

3.8K 50 0
                                    

Muli akong nagpalit ng pwesto dahil hindi ako makatulog. Nakakainis! Kanina ko pa kinukuha ang tulog ko pero wala talaga. Hsst!

Kinuha ko ang cellphone ko at tumayo sa kama. Maka-inom nga muna ng gatas. Sana naman makatulog na ako nito.

"Hmmm.. hmm.. hmm"paghahumming ko habang naglalakad ako papuntang kusina.

Sana talaga epektib pa rin ang gatas sakin. Hsst! Nakakainis kasi yung nangyari kanina eh. Gusto ko ng kalimutan lahat ng yun pero hindi ko magawa dahil paulit-ulit na nagflaflash sa utak ko yung mga eksina kanina. Lalong-lalo na yung scene na hinila ako palabas ni Axl. Hsst!

Kumuha ako ng baso at nilagyan iyon ng gatas, asukal, at mainit na tubig. Nang matapos ako sa pagtitimpla ay sakto naman ang pagvibrate ng cellphone ko na nilapag ko kanina sa mesa.

Bukas pala ang data, kaya naman nakatanggap ako ng message galing kay Axl.

Axl Samonte
Active Now

"Bakit gising ka pa?"

Yan ang nabasa 'kong message na galing sa kanya na siyang nagpairap sakin. Kanina ang sungit-sungit niya sakin. Tapos ngayon naman ay magchachat siya. Tsk! Tsk!

Mareply'an nga para matapos na 'tong kaek-ek niya.

Me:Hindi makatulog eh..

Wait, hindi dapat ganyan. Delete! Delete! Dapat masungit ang dating ng message ko para hindi na siya makapagreply pa.

Ano kaya? Hmmm?

Ah! Alam ko na!

Nagtype ulit ako ng panibagong message pagkatapos madelete iyon.

Me:Wala kang pake! Tsk! Tsk!😬

Ay! Parang nagsusungit naman na girlfriend ang dating. Bura! Bura! Bura! Ba'ka mamaya sabihin pa nito na napakataray ko eh hindi naman ako ang girlfriend. Hsst!

Ano nga bang sasabihin ko? Nakakainis naman. Wag na nga lang akong magreply. Kahit sabihin pa niyang seener ako. Psh!

Ilang sandali lang ay may lumabas na typing sa messenger ko. Tapos may natanggap na naman akong message galing sa kanya.

Axl:Anong sasabihin mo? Kanina ka pa nagtatyping ha?😀

Ano nga bang sasabihin ko sa kanya? Wala naman akong dapat sabihin eh.

Axl:Nga pala, pasensya na kanina ha🙏 Hindi ko sinasadyang masaktan ka.

Me:Okay lang. Di mo na kailangan pang humingi ng sorry. Sige na matutulog na ako.

Pagkasend ko nu'n ay pinatay ko na din ang data ko. Psh! Estudyante lang ako. Estudyante lang. Kaya dapat hindi ako mag-inarte dito. Cheer up, Katryn! Isa pa, gusto  ko lang siya. Hanggang doon lang at madali lang kalimutan lahat ng iyon.


------ -- ----

Napabalikwas ako ng gising dahil sa cellphone ko na nagriring. Wala naman kaming pasok ngayon bakit nag-aalarm 'to?

Pagtingin ko sa screen ay hindi alarm ang bumungad sakin kundi tawag.

"Hello?"

["Hey, nagising ba kita?"]yung inaantok 'kong kaluluwa ay nagising ng wala sa oras dahil sa boses ng taong tumawag.

"Hoy! Bakit alam mo ang number ko?!"sigaw ko kay Axl.

Paano kaya nakuha ng lalaking 'to ang number ko? Hindi ko naman binigay sa kanya at hindi din ako naglagay ng phone number sa facebook ko.

["Malamang kinuha ko kay Bernadeth. Tsk! Maligo ka na nga. Amoy na amoy ko yung hininga mo eh. Sige na at may pupuntahan pa ako."]pambwibwisit niya na talagang ikinapula ng mga pisnge ko.

The fudgebar!! Kagigising ko lang tapos pambwibwisit na agad ang bubungad sakin! Tsk!

"Tala----"naputol ang sasabihin ko ng bigla niyang patayin ang tawag.

Bwisit! Ang aga-aga niyang mang-asar! Kagigising ko pa lang pero napipikon na ako. Tsk! Tsk!

"Haaahh!!!"bwisit 'kong wika at tumayo na lang ako para makapaligo na.

Bwisit talaga yung Axl na yun kahit kilan! Sinira na nga ang tulog ko, pati araw ko ay sinira niya pa! Psh!

-
After 30 minutes na paliligo ay lumabas na ako. Saktong paglabas ko ay siyang paglabas din ni April sa kwarto nila ni May.

"Ate, may bisita ka po."wika niya na ikinakunot ko ng noo.

Sino naman ang magiging bisita ko? Kay aga-aga pa lang ah.

"Sige, ate. Kumain ka na po ng umagahan mukhang may pupuntahan po ata kayo eh."dugtong niya pa bago siya umalis. Ako naman ay nakanot ang noo na sumunod sa kanya.

Ba'ka nananaginip lang yun.

Pagdating ko sa kusina ay nagkakatuwaan sila. Mukhang masayang-masaya ang tatlo na kumakain ah.

"Good morning!!"bati ko na nakakuha sa atensyon nila.

Ngunit, halos malaglag ang panga ko ng makita ko si Axl na nakaupo at kumakain. Anong ginagawa ng lalaking 'to dito?

"Naghihirap ka na ba at dito ka pa kumakain?"inis 'kong wika sa kanya. Pero itong mokong na 'to ay nginitian lang ako.

Aba! Nilalagnat ata siya. Pwe!

"Yayayain sana kitang lumabas. Tara simba tayo."aba! Ngayon nagyayaya naman siya. Akala ko ba may importante siyang gagawin? Bakit nagawa niya pang magyaya ngayon?

"Ayaw ko nga! Tsk!"sagot ko at inirapan siya.

"Insan, pumayag na kaming ilabas ka niya kaya sige na. Wag ka ng mag-inarte diyan dahil alam 'kong kinikilig ka. Ayeeeeh!"wika nitong sutil 'kong pinsan na siyang ikinailing ko na lamang.

"Talaga ba, Insan?"may pagkasarkastiko sa pagkakasalita ko na siyang ikinataas naman niya ng kilay.

"Kunwari ka pa. Sige kung ayaw mo, ako na lang!"

"Wai---wait!"

"Ohhy...umangal siya..."

"Tsk! May sinabi ba ako?"

"Oo. Sabi mo, wait."

"Wait kasi kami ni May ang magsisimba. Diba May?"pinilit 'kong ngumiti ng pagkalapad-lapad kay May pero mukhang kakampi ata siya ni Bernadeth.

"Wala ka pong sinabi sa akin, ate.  Tsaka kayo na lang po ni kuya Axl ang magsimba. Makipagdate ka naman, ate."tsaka siya ngumiti ng pagkalapad-lapad. Yung tipong hindi na makikita ang mata niya sa sobrang lapad ng ngiti.

"Oo nga po, ate. Sige na. Makipagdate ka na."segunda din ni April na ikinaling ko na lang.

Kahit kilan talaga magkakakampi 'tong mga 'to. Masyado na silang naimpluwensyahan ni Bernadeth. Hsst!

"So, can I date you?"

---
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg), All rights reserved!

Meet The President [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon