Aryl’s POV
[ The day after the meeting. ]
MALL
Naglilibot libot pa rin kami ni Viene dito sa Mall. Hay, nakakabagot lang. wala naman yung isip ko sa ginagawa namin eh. Sinasamahan ko na lang si Viene sa mga boutique na gusto nyang puntahan. Wala naman na kong balak mag-shopping.
*sigh
“Uy.”
Kinalabit ako bigla ni Viene. Nilingon ko naman sya.
“Diba si Karl yun?”
Bigla naman akong napalingon sa tinuro ni Viene and ayun nga si Karl. May kasamang 2 babae. At mukhang nag-eenjoy sila. Hihilahin ko na sana si Viene kaya lang bigla nyang tinawag si Karl.
“Yo, Karl!”
Nilingon ko si Karl then nakita kong tumango si Karl kay Viene then napatingin sya sakin kaya lang bigla nyang iniwas yung tingin nya sakin then naglakad na paalis kasama yung 2 babae.
“Problema nun?” Nagtatakang tanong sakin ni Viene.
I just shrugged.
“May period?” Natatawang sabi ni Viene. “Ah! Alam ko na! Di na naman maganda yung gising nya! Tama! Tama!” Tatangu-tangong sabi nya. “Pero nakakapanibago talaga eh.”
Nope, alam ko kung bakit ganun yung inasta nya.
Hinila na lang ako ni Viene then naglibot at namili pa sya ng halos 2 hrs pa. At sa buong 2 oras na yun paulit-ulit sa isip ko yung scene kanina. Kahit kelan wala akong natandaang hindi man lang ako nginitian ni Karl. Mapa-Dylan o Karl man sya. Dahil ba yun sa mga sinabi ko kagabi? Wala aksing prenong magsalita eh. Kaya ba di ko man lang sya nakita kanina sa may library? Madalas dun sya nakatambay eh.
Ako ba talaga?
……………………
“Ate! May uwi ka sakin? Sabi ni mama galing ka daw mall.” Salubong agad sakin ni Eiji pagpasok ko ng bahay. Then he kissed me sa cheeks.
I smiled at him.
“Eh naku, Ji-ji, sorry ha, walang uwi si ate. Next time na lang, sinamahan ko lang kasi si ate Viene mo mamili eh.”
Nag-pout si Eiji then he hugged me.
“Hmpf! Okay lang, ate. Smile ka na ha? Pagod ka ba?” Napangiti naman ako ang sweet naman ni kapatid.
Binuhat ko sya then nagpunta ko sa may kitchen.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Heartbreaker
Novela JuvenilIsang heartthrob at isang simpleng babae na may pagka-boyish kung kumilos at walang kainte-interes sa mga lalaki.. Ano kaya ang mangyayari sa pagku-krus ng landas nila? Disaster ba o may iba pa?