Chantal's P.O.V
Patawid na ko ng biglang... May van!
Mamamatay na akoooo!
Pumikit na ako at hinantay na bumanga sakin yung van pero may humila sakin!
"Gusto mo bang Mamatay?!" Tss. Si Koa
"Malay ko bang may van dyan." Bored na sabi ko
"Halika nga dito. Ano ba kasi talaga problema haaa?" Si Lyn. Ang kulet nya talaga sarap tuktukan. Lintek
"W-wala"
Kung alam nyo lang! Pinaglalaruan lang ako ng gunggong na yan! Tss.
"Oh nandito na sila" si Neil
Habang busy sila kakatingin dun kila Jade umalis na ako naiiyak na talaga ako.
"Ayun umalis si Chantal!" Sigaw ni Lyn.
Tss. Ang kulet a.
"Chantal ano kasi yun? Hangga't hindi mo sinasabi hindi kami uuwi. Dito tayo matutulog sa park." Si Koa.
Edi dito kayo matulog dadamay nyo pa ako. Tss
Bwiset ka alam ko naaaaa! Alam ko na pinaglalaruan mo lang akooo! Pusang gala kaaaa!
"Tigilan nyo na nga si Chantal!" Si Jade tsaka ako hinila palayo sa kanila.
Pagkahila sakin ni Jade tumakbo na ko palayo sa kanila. Hindi ko na kayaaaaa! Sobrang sakit! Bakit ba nya ginagawa sakin to?! Habang tumatakbo ako palayo sa kanila naguunahan na yung luha ko na lumabas.
"Chantal wait!" Hinahabol na pala ako nila Jade
"Ano bang nangyare?" Sabi ni Assey ng maabutan na nila ako
"A-alam k-ko na y-ung t-totoo"
"Sabi sayo wag mo iiwan si Chantal e" sabi ni Jade kay Assey
So ngayun pa kayo mag sisisihan?! Tss
"Ha? Anong totoo? Naguguluhan ako." Si Rose. Wala nga pala syang alam tungkol dito.
Sila Jade na ang nag kwento habang ako naman iyak ng iyak ewan ko kung hanggang kelan ako iiyak. Ang sakit lang talagaaaaaa.
"Tumahan ka na. Uuwi na tayo Chantal baka makita pa ng Mommy na ganyan mata mo" Si Rose
Tanging tango lang ang nasagot ko. Wala akong gana makipagusap. Wala akong ganan sa lahat. Pagod na ako ayoko na.
"Wag nyo na lang sabihin sa iba. Ayokong madamay yung nagsabi sakin ng totoo." Sabi ko ayokong madamay si Jho.
Nagkatinginan kami ni Jho kita ko sa mga mata nya na nag aalala sya.
Hayst sorry par hindi ko napigilan
End of Flashback
Napangiti ako ng mapait ng maalala ko yung nangyare kahapon.
"Ano okay ka naaa?" Si Jade
"Oo naman!"
Pretend
Pagtingin ko sa pinto nakita ko si Koa. Tss. Ang aga nya ngayun a. Pake ko?!
"Boi pwede manapak? kahit isa lang o. pa-welcome ko lang sa bagong dating" bulong ko kay Jade
"He! tumigil ka, umagang umaga e"
"hahahahahaha chill"
Discuss.
Habang nag di-discuss napapatingin ako kay Koa.
Nagkatinginan kami. Tss.
Inirapan ko na lang sya. Makikinig na lang ako sa discussion kesa makipagtitingin sa kanya.
Koa's P.O.V
Parang may mali?
Bakit ganito ngayun si Chantal dati naman pag dating ko pinapansin nya ako, ngayun hindi na. Tsk. Wag ko na nga isipin yun. E pinaglalaruan ko lang naman sya
E bat parang nagaalala ako?
Malapitan nga pag nagbell
*tingtungtingtungtingtingitng*
Ayan nagbell na. Nilapitan ko sya
"Bakit umiiyak ka kahapon?" Nakita ko kasi sya habang nakasakay kami umiiyak sya sa gitna mismo ng park. Kakaiba.
" A hehehehehe wala yun na puwing lang."
Ako pa ang niloko
"Nakita kita kahapon habang nakasakay kami. So ano nga ang problema?"
"Ano may naalala lang hehehehe"
Pilit kong tinitignan sya sa mata pero umiiwas sya.
"Basta pag may problema ka sabihin mo lang sakin" sabi ko habang pinupunasan sya ng pawis
Lagi ko naman tong ginagawa. Kasi nga pinaglalaruan ko sya. Anyway highway expressway ako nga pala si Koa Lee Dixson.
Chantal's P.O.V
Pagkatapos mag bell lumapit si Koa. Tss
"Bakit umiiyak ka kahapon?" Nagmana ka kay Jho. Tsimoso
" A hehehehehe wala yun na puwing lang."
Para namang kapanipaniwala. Tss. Hahahaha
"Nakita kita kahapon habang nakasakay kami. So ano nga ang problema?" share mo lang? Hindi ko naman tinatanong kung nakita mo ko -,-
"Ano may naalala lang hehehehe"
Pilit nya akong tinitignan sa mata pero umiiwas ako. Err. Tusukin ko kaya mata nito?
"Basta pag may problema ka sabihin mo lang sakin"
Muka moooo! Wag ako alam ko naaaaa!
Tss. Marupok ako alam kong mahuhulog na ako konti na lang talaga. Pero syempre pinipigilan ko lang alam ko namang ako ang talo sa huli. Alam ko naman ako lang ang masasaktan sa huli. Dahil ako lang ang umibig sa kanya. I give love but i receive nothing. Sobrang hirap ng sitwasyon ko kasi mahal ko na ata sya. Pero tama na tong kahibangan na to! Titigilan ko na to. Ayaw ko na. Pagod na ako.
"Boi alam mo na pala e. Bat hindi mo ba iwasan?" si Jho
"Sasakyan ko sya" sabi ko habang nakangiting nakakaloko
"Seryoso ka? E ang bigat mo kaya!"
Bobo
"Hindi literal uleg!"Nasampal ko na lang yung sarili kong noo dahil sa kahibangan nitong si Jho.
"Jho sabihin mo nga sakin pano ka nakatungtong ng second year ha?!" maaga akong mamamatay dahil sa kanya e
"Edi tumayo"
"Tss"
BINABASA MO ANG
Everything Was Fake
Teen FictionA fool girl, fall for a playboy. She fall by his words, his clinginess, everything. She thought it's all true, but sadly, it isn't. Because they're just in a game.