Chapter Four Resolve * Forgiven
EIRA STEPPED OUT OF THE TAXI AFTER PAYING HER FARE. Medyo malaki din ang ibinayad niya pero bahala na. she needed to be there. She stared at the house. It has been so long since she was there and it brings back so many memories. Her first home. She got her keys and pushed the gate open. Malinis ang lawn at hardin ng bahay. Her mother sees to it that the house is well taken cared of. Yes, nandito siya sa lumang bahay nila. Doon niya naisipang pumunta pagkatapos ng nangyari sa paaralan.
"Eira? Ikaw ba iyan, anak?"
She turned to see who called her. Si Nanay Lydia, ang care taker ng bahay nila. Nginitian niya ang ginang at lumapit dito saka nagmano. "Hello, nay."
Nanlaki ang mga mata nito at mahigpit siyang niyakap, "Ikaw nga! Kamusta ka na, anak? Bakit ka napunta dito? May kailangan ka ba? Naku! Ang ganda-ganda mo na, anak. Dalagang dalaga ka na talaga." saad nito.
She chuckled, "Eto talagang si Nay Lydia oh, ang bolero talaga. Haha! Wala, nay. Naisipan ko lang po talagang dumalaw. Medyo matagal na din po akong hindi nagawi dito. Kamusta na po kayo?"
Sinipat muna siya nito bago nagsalita. "Maayos naman kami, anak." Saglit itong tumigil saka siya tinitigan ng matiim. "May problema ka ba? Kilala kita, kaya wag mong subukang magsinungaling sa akin."
Ngumiti siya ng malungkot dito. "May kaunting problema lang po. Mawawala din po ito."
Ginulo nito ang buhok niya, "Kung ano man yan ay alam kong kaya mo iyan, anak. Matatag ka eh." Biro nito.
She grinned at her positivity and trust for her. "Oo naman po, nay!" sabi niyang sumaludo dito.
"Oh, siya sige. Pumasok na tayo sa loob at ng makapagkwentuhan naman tayo." Saka siya nito inakay papasok ng bahay.
Masaya siyang makakwentuhan ang ginang. Dati na talagang malapit ang loob niya sa matanda. Ito kasi ang kinukuha ng mommy niya bilang yaya kapag may importante itong lakad. The old woman had grown so fond of her gaya ng pagkagiliw niya dito.
Matapos ang mahabang kwentuhan ay naisipan niyang magpahinga muna. Alas tres pa din kasi ng hapon. Nagpaalam din si nay Lydia dahil may aasikasuhin pa ito sa bahay nito. Babalik lang daw ito mamaya para ipaghanda siya ng pagkain. Binigyan niya ito ng pera pambili ng pagkain pero umayaw ito. Nakailang pilit pa siya bago niya ito napapayag. Pinaalalahanan pa siya nitong tawagan ang tiyahin niya at ipaalam na nandoon siya ng oras na iyon para hindi mag-alala.
She looked around her old room. Gaya pa rin iyon ng dati at walang ipinagbago. She touched her study table and smiled. Nanay Lydia did a good job in maintaining the house clean. Malinis at organisado. She settled at her bed. Kakapalit niya lang ng bagong bed sheet, punda at kumot para makapagpahinga. Inalis niya ang suot na sapatos at nahiga.
Memories of what happened earlier flashed in her mind. Nasaktan siya ulit sa naalala. She covered her eyes with her arm as her tears began to flow. Ngayon lang siya nakaramdam nang ganoon at hindi niya alam ang gagawin. She took her phone and scanned her contacts. Kakaunti lang ang laman ng contacts niya. She was about to call Tita Merdel to tell her where she currently was pero baka mag-alala pa iyon. Class hours pa at nasisiguro niyang mag-aalala iyon dahil ngayon lang siya nag skip ng klase. Ayaw niyang bigyan ng dagdag alalahanin ang tiyahin. Mamaya nalang siya tatawag.
EJ. She stared at her number. Baka busy pa ang isang iyon. Saka nalang. She ended up scanning her playlist and played a song to help her drift off to sleep.
NAGISING siya mula sa ingay ng cellphone. She tried to cover her ears but then realized it was a call. Nagmamadaling siniagot niya ang tawag nang makita ang pangalan ng tiyahin. Napapalatak siya nang makita kung anong oras na. It was already seven in the evening. "Tita..."
BINABASA MO ANG
[Barkada Series] Falling for the Ice Genius
Historia Corta"I've always been in control of my life. But when it comes to you, I always lose it... ..Being with you, makes me crazy..." --Arjhun This is the final story of the Barkada Series. The awaited story of the Cold-Genius Heatthrob, Arjhun delos Reyes...