Chapter 37 ~ Cube box
Mia's POV:
"Ano ba 'yang ginagawa mo Bryle?"
Inis kong sigaw sa kaniya. Napatingin siya sa akin at ngumisi. Ipinagpatuloy nito ang ginagawa na parang hindi ako naiinis sa ginagawa niya ngayon.
Makalat dito sa loob ng kwarto namin at hindi ko maunawaan ang kaniyang gagawin sa mga nakakalat na iba't ibang laruan na nakalapag sa sahig.
Parang binagyo na sa sobrang dami.
"Ang aga niyo naman yatang umuwi? 'Kala ko ba mala-late kayo ng uwi?" Tanong niya at patuloy sa pagpunas ng mga laruan na sobrang kintab na nga.
Kumunot ang aking noo.
"Anong maaga 'dun? Late na nga 'e, alas otso y medya na ng gabi. Nagyaya na si Lucas na umuwi kaya no choice ako kundi um-oo. Tsaka pagod na rin ako at malamig na sa labas."
Sagot ko. Napatango siya at pinagpatuloy ang ginagawa nang hindi tumitingin sa akin. Pansin kong, ingat na ingat ito sa paghawak sa mga laruan na pinupunasan.
Patuloy ko siyang pinagmasdan. Wala akong ideya kung ano talaga ang ginagawa niya at para saan ang mga karaming laruang pambata.
Pero napansin kong puro's panlalake ang mga ito. Mayroong mga helicopter, sasakyan, baril at iba pa. May kutsilyo rin na hindi ko alam kung laruan pa ba ito.
Napatanong ako sa sarili. May pagbibigyan ba siya ng mga ito o para sa kaniyang sarili? Mapupuno na yata ang kwarto namin sa dami ng mga ito. Pati nga rin sa ibabaw ng kama, meron.
Dahil sa kating-kati na akong magligpit sa kaniyang mga kalat, dahan-dahan kong dinampot ang kutsilyong nakakalat sa lapag.
Nagulat ako ng biglang tinapik ni Bryle ang aking kamay. Hindi pa naidadampo ang dulo ng aking kamay sa laruan kaya napalayo ang aking kamay.
"Don't touch it."
Unti-unti kong itinago ang aking kamay sa aking likuran at napapahiyang tumingin sa kaniya. Umupo na lamang ako sa bakanteng sahig.
"Para saan ba ang mga ito? Sobrang dami naman yata at 'yung iba pa, parang totoo na." Tinutukoy ko kutsilyong balak kong pulutin kanina. Parang totoong metal dahil sa itsura nito.
"Idiot, it's a spy toy."
Sagot nito sa mahinang boses sabay kuha ng isang laruan na iyon ang pinagdiskitahan. Inikot-ikot nito sa kaniyang kamay at ipinakita sa akin.
"Huh?" Maang kong tanong.
Namali yata ako sa pandinig.
"Spy toy."
Medyo kalakasang saad niya. Napasimangot ako at mahina siyang pinalo sa braso at muntik na niyang mabitawan ang hawak na laruan na syang ikinasama ng tingin niya sa akin.
Napaayos ako sa sarili at napaiwas ng tingin sa kaniya. Ang kaninang nararamdaman kong inis sa kaniya ay biglang nawala.
"Sino naman ang pagbibigyan mo nyan?" Tanong ko. Napatingin muna siya sa hawak na laruan bago ibinalik ang tingin sa akin.
"What do you think?"
"Sagutin mo nga ng maayos Bryle." Rinig kong napabuntong-hininga ito bago nagtuloy sa pagpupunas.
"My men and underlings."
"Regalo mo?" Muling sumama ang kaniyang tingin sa akin kaya medyo napalayo ang aking mukha sa kaniya.
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant (BOOK 1)
Romansa"ARE YOU SURPRISE?" Sarkastikong tanong sa akin si Bryle. Hindi ako tumingin sa kaniya sa takot kong makita ang nagbabaga niyang mga tingin. "M-maniwala ka Bryle. H-hindi totoo ang mga ito." Nauutal kong paliwanag. Ngunit hindi niya ako pinakinggan...