Nabuburyo na ako. Nasa school ako ngayon ngunit walang klase. Tinamad na ako magbasa sa wattpad dahil narin sa parang paulit-ulit na takbo ng istorya. Napansin kong pangiti-ngiting nagtitipa sa phone si janine. Napansin din iyon ng isa naming kaklase.
"Sa pagkakaalam ko wala kang nobyo ja. Sino iyang ka'chat mo?" Hindi napigilang pagtatanong ng kaklase namin. Hindi ko matandaan ang pangalan niya.
"Hindi ko siya kilala. Hindi pa niya sinasabi ang pangalan niya." Nakangiti nitong sagot. Hindi niya kilala ngunit kung maka ngiti ito'y aakalain mong nobyo niya ito. Kuryusidad ang tumakbo sa sistema ko kaya't nakinig ako sa usapan nila.
"Hindi mo kilala? Pwede ba iyon?"
"Si carl ito ngunit hindi niya ito totoong pangalan. Hindi ko din totoong pangalan ang gamit ko kaya't hindi din kami magkakilala talaga."
"Pano nangyare iyon? Eh facebook mo yung gamit mo oh. Janine Gel Tausa"
"Alam mo yung word na codename? Yun kasi yun hanu?"
"Sorry naman. Sige, explain mo nga."
"Ayon nga, isa itong chatbot sa messenger. Pwede din sa app nila mismo, near group ang tawag nito. Maglalagay ka ng kaonting details mo at pupwedeng codename ang gamitin mo. Kaya din siya natawag na near group dahil ikokonekta ka nito sa malalapit lamang na tao sa lugar mo. Pero maaari rin naman na lawakan mo iyong distance para makonekta ka sa ibang parte ng pilipinas. Maganda ito pangpawala ng pagkabagot. Kung ayaw mo sa kausap mo, pwede mo din taposin ang paguusap niyo agad by typing 'END' at magsesearch ulet sila ng ibang tao para i-connect sayo. Try mo na marie. Baka dito ka na magka-boypren. Malay mo diba?"
"Talaga? Ano nga ulet ang pangalan?" Excited nitong sagot. Hopeless romantic huh?
"Near group. Search mo lang diyan sa messenger mo."
"Sige sige"
Maya-maya lang ay dumating na ang susunod na subject teacher namin at nagturo. Math ito at mas lalo akong nabagot. Wala akong maintindihan.Hindi ko nga pala nadala ang phone ko. Gusto ko na tuloy matulog.
---
Nakipaglaban ako ng titigan sa kisame ng aking kwarto. Nababagot na naman ako. Lagi nalang. Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa side table. Scroll lang ako ng scroll sa facebook, twitter at sa lahat ng aking social media accounts. Wala namang bago. Nakakabagot na talaga.
Ibabalik ko na sana ang phone ko sa lamesa ng maalala ang usapan ng dalawa kong kaklase.
Near group huh?